Kabanata 6

119K 1.8K 287
                                    

Akala ko may magbabago na sa pakikitungo niya sa akin dahil sa nangyari nang nagdaang gabi. Naramdaman ko na may kakaiba sa mga halik at haplos niya pero mukhang maling akala ko lang yun. Sino ba ang niloko ko?

But that will not stop me from taming my ruthless husband.

Kasalukuyan akong naghahanda ng umagahan. Umaasang sasaluhan niya ako.Ipinagbalot ko pa siya ng pagkain para sa lunch niya.

"I would love that. You know you'll always be beautiful in my eyes." malambing na wika ni Drake.

Ang sarap sanang pakinggan kung sa akin niya sinasabi yun pero may kausap siya sa phone.

"I know, I know. But it doesn't matter. I'll always make time for you." nakangiti pa nitong sabi sa kausap.

Hindi niya ako pansin dahil nakatalikod siya sa akin.

"Alright. See you later. I missed you."

Parang tinusok na naman ng karayom ang puso ko. Mga salitang gusto ko sanang marinig sa kanya pero sa iba niya sinasabi.

Pero hindi ako iiyak. Ipapakita ko sa kanya na matapang ako at mas karapat dapat kesa sa pinsan ko o sa sinomang babae na gusto niyang ipalit sa akin.

Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin ng minsang mag-away na naman kami.

Flashback

"You have two options. Leave this nonesense marriage or stay and face my wrath. I'm giving you chance to run."At nakita kong may kinuha siyang isang folder.

"Here's the annulment paper. Feel free to sign it." At ibinaba niya sa gilid ko.

Alam ko kung gaano kayaman at kaimpluwensiya ang pamilya nila. He can pull some strings to void our marriage in an instant.

"Hindi ka naman prepared ano? Excited lang kuya?"pabiro kong sabi kahit halos bumagsak na naman ang luha ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin.
Matapang ko siyang tiningnan sa mata niya.

"I'll stay. I'll stay until you forgive me. Until you love me back. Until you realize my worth."mala Nora Aunor kong pahayag.

"Let's see 'till when can you endure the pain. Pagsisihan mo ang desisyon mo."

End of flashback

Bigla siyang humarap sa akin matapos ibaba ang cellphone. Hindi ko nakitaan ng pagkagulat ang mukha niya. Akma siyang lalagpas sa akin pero pinigilan ko siya.

"Drake, nagluto ako. Kain ka muna bago ka pumasok ng trabaho. May packed lunch din akong inihanda sayo." Nakangiti kong turan sa kanya.

Ipiniksi niya ang mga kamay ko na nakahawak pala sa kanya. Hindi ko napansin na napahawak pala ako nang pigilan siya.

"Don't touch me! I don't eat trash."
Sabi niya at matalim na naman ang tingin sa akin.

"Ay grabe! Meron kang regla? Ang aga aga, ang init ng ulo!" Pambubuska ko sa kanya.

Agad niyang hinaklit ang braso ko. Hindi naman halatang favorite nyang gawin sa akin 'to. Ramdam ko ang madiin niyang hawak. Mukhang magkaka-pasa na naman ito.

"Wag mo akong pinipilosopo kung ayaw mong makatikim sa akin."

"Alam kong type na type mo ang braso ko pero wag kang masyadong pahalata baby ko." ngisi ko pa sa kanya at kinindatan ko pa siya.

Nakita ko kung paano siya nahintakutan at binitiwan ang braso ko. Akma na siyang lalabas ng bahay kaya dali dali akong bumalik sa kusina at kinuha ang packed lunch niya.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon