Kabanata 40

134K 2.1K 495
                                    

Minulat ko ang aking mata at tumambad sa akin ang di pamilyar na kisame. Kulay puti iyon at napakarangyang tingnan na may maganda at makinang na chandelier sa gitna na tila diyamanteng nakalutang.

Napakalambot na tila bulak at napakabango din ng kinahihigaan ko at may hatid na kaaya ayang init. Na para bang nanghahalina na muli akong pumikit. At sa unang pagkakataon, matapos ang ilang taon,  ay pakiramdam ko'y naging mahaba ang aking pahinga.

Nilingon ko ang kanan ko at napansin ang malaking salaming bintana na pinapasok ng mataas nang sikat ng araw.

Nasaan ba ako?

Ang wala sa huwisyo ko pang pag-iisip ay pilit inaalala kung nasaan ako. Babangon na sana ako nang mapansing may nakadagan palang mabigat na bagay sa tiyan at hita ko. Kaya pala halos hindi ako makahinga. At may mainit na hangin ang tumatama sa balikat ko.

Dahan dahan ko itong nilingon at nanlaki ang mata ko at tuluyang nagising sa nabungaran. Ang nakapikit na mata ni Drake na may mahahabang pilik habang nakaawang ang mapula nitong labi.Shit!

Nanlalaki pa rin ang mata ko habang dahang dahang itinaas ang puting kumot na nakatakip sa katawan namin. At bumulaga sa akin ang matipunong bisig  na nakapatong sa tiyan ko at ang mabalahibong binti nito na nakapulupot sa akin. At parehas kaming walang saplot! Double Shit!

Halos tumambling na ang puso ko sa kinalalagyan nito at habol ko din ang hininga ko. At para akong namatanda nang gumalaw ang lalaki sa tabi ko at mas mahigpit na iniyapos ang binti at bisig sa akin. At may naramdaman akong matigas na bagay sa may gilid ko na nagpapikit sa akin dahil alam ko kung ano iyon!

"Good morning beautiful."

"Ay pototoy mong malaki!" nagulat ako dahil sa biglang may paos na boses ang nagsalita pero agad ding napapikit nang ma-realize ko ang naibulalas ko.

"I know." anas nito at hinalikan ang hubad kong balikat. What the...

Kinalas ko ang nakapulupot niyang braso at bumangon para sumiksik sa kabilang gilid ng kama. Hinila ko rin ang kumot at agad itinakip sa hubad kong katawan.

Pero gusto kong pagsisihan ang ginawa ko dahil bumulaga sa akin ang ipinagmamalaki niya na galit na galit ngayon!

At ang hudas, tumihaya pa ng higa at inilagay ang dalawang braso sa ilalim ng ulo na tila ba sadya niyang pinagmamalaki sa akin. Naningkit ang mata ko at kumuha ako ng unan at hinampas siya.

"Nasaan ako?!Anong ginawa mo sa akin?!" Sa katawan ko talaga balak siyang hampasin pero ang mga kamay ko ay tila may sariling buhay na pinuntirya ang bahaging iyon.

"Hey!" agad itong napabangon at tinakluban ang  pagkalalaki nito na tila ba pinoprotektahan. "Not here." angal nito.

"Walanghiya ka!" gigil kong sabi at sa mukha na siya hinampas pero agad nitong nakuha ang unan at itinapon.

Ang inaasahan ko ay ang madilim niyang mukha pero ang tumambad sa akin ay ang nakangisi nitong labi at mapungay na mata na pupungas pungas pa habang gulu gulo ang brown na buhok. Bakit  biglang ang gwapo ng lecheng ito?At bumaba ang tingin nito kung saan.

"Nice view."

At napaawang ang labi ko dahil ang tinitingnan pala ng walang hiya ay ang dibdib ko. Agad kong muling hiniklas ang kumot at itinakip sa kahubdan ko.

"Bastos! Anong ginawa mo sa aking hayup ka?!"

"Wala." simpleng sagot nito at napatili ako nang bigla niya akong sinunggaban at hinila bago daganan.

"May gagawin pa lang." anito na may nanuksong ngisi sa labi habang nanlalaki ang mata ko.

Lumapit ang mukha nito sa akin na nagpapikit sa mga mata ko at ang mga kamay ko ay agad nanulak sa dibdib niya. Subalit ang inaasahan kong sapilitang halik sa labi ay hindi nangyari. Bagkos ay kinintalan niya ako ng masuyong halik sa noo. Unti-unting nagmulat ang mga mata ko.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon