Kabanata 26

150K 2.5K 524
                                    

"Naman Lucas, nakabihis na ako ng pantulog eh. Nakakaasar ka naman eh. Matutulog na ako eh. " aniko na asar na asar habang kausap ito sa telepono.

Eh kasi naman, nasa labas daw ito ng bahay ngayon at nag-a-ayang mag bar kami. Ngayon na nga lang ako halos makakatulog nang ayos dahil pa tapos na ang taping ng teleserye.

"Sige na Alyanna. Maganda ka naman tapos matangos pa ang ilong mo. "

"Buwiset ka talagang Lucifer ka!"
At narinig ko pa ang paghalakhak nito bago ko siya pagpatayan ng tawag.

Wala akong nagawa kung hindi ang samahan siya. Nagsuot lang ako ng simpleng blouse at maong shorts na pinaresan ng ankle boots ko. Wala ako sa mood magpa-sexy. Nakabusangot pa din ang mukha ko nang lumabas ng bahay.

"Wiwit!" anito. "Sexy oh!"

"Heh!Tumigil ka!" singhal ko sa kanya. "Sa halip na natutulog na ako ngayon, hay nako!"

Nakasandal ito sa Harley Davidson's na motor nito habang suot ang itim na jacket at tattered jeans. Nakaboots din ito ng itim. Aminado akong napakaguwapo nito. Naunang sumakay ito sa kanyang motor at sumunod ako. Ilang beses na din ako nakasakay dito kaya sanay na ako.

"Helmet mo." abot nito."Dahan dahan lang paglagay baka sumabit ang matangos mong ilong." anito na umani ng kurot mula sa akin. "Ako na nga lang." anito at siya na naglagay ng helmet sa akin.

Nakarating kami sa La Roca. Ingay at usok agad ang sumalubong sa'min. Napakadaming tao dahil Biyernes ngayon.

Maraming babae ang lumilingon sa lalaking kasama ko. Adoration and envy were written on their faces. Nagpapanggap na naman kasing cool at misteryoso itong lalaking ito.
Agad itong lumapit sa counter at umorder ng alak namin. Alam na nito ang gusto ko. Napapitlag ako nang ilapat niya sa mukha ko ang malamig na inumin. Sinamaan ko siya ng tingin at nginisian lang ako nito.

"What's up?" I asked.

"What do you mean what's up?" tanong nitong mukhang inosente.

Inirapan ko siya. "Pwede ba, hindi ka mag-a-aya kung wala kang sasabihin. Kilala mo lang ako kapag may kailangan ka."

"Hey! That's not true." protesta nito.

"Eh bakit mo ako inaya dito? Sa halip na nagbe-beauty rest ako, eto ako at nilalanghap ang usok ng kung sino!" angil ko sa kanya.

"Rest lang, Alyanna, walang beauty." at sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa na tinawanan lang nito. "I just want to have fun!"

"Eh di sana yung mga kaibigan mong lalaki ang inaya mo." Minsan sila ni kuya magkasama. Bigla ko tuloy na-miss ang kapatid ko. Ilang linggo na itong wala sa bansa. Ang nakita ko ng araw na iyon ay si Raegan at Dimitri. Mabuti na lang at wala pala ang gago kong ex husband. Matagal na pala itong wala sa bansa.

"I want to be with you." He said not leaving his stares at me. Kung hindi ko siguro siya kilala, nakaramdam na ako ng pagkailang dahil sa sinabi niya. But I knew better. Pedeng pede nga itong mag-artista sa galing umarte.

Biglang nagpatugtog ang DJ ng bar ng isang hip hop song at nagkagulo ang mga tao. Simula na ng sayawan.Kanya kanyang punta ang nga ito sa dancefloor. Agad akong hinila ni Lucas at hindi na din ako pumalag. Nakisabay kami sa saliw ng musika.

"Shake it off, baby! Show me what you got!" anitong hataw na sa pagsayaw. Tinawanan ko siya at sinabayan pero wala talaga akong panama sa kagaslawan niya.

"Loser!" anitong inilapit ang bibig sa aking tainga para marinig ko. Pinalo ko siya sa dibdib.

"Hindi mo naman ako kagayang pinaglihi sa kiti kiti. " ganting pang-a-asar ko.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon