Kabanata 30

145K 2.3K 450
                                    

Walang nagsasalita ni isa sa amin. Tahimik lamang na kumakain ang lahat pero nakikiramdam. Hindi ko alam kung alam ba nila na ang lalaki sa may kanan ko ay ang bagong CEO at presidente ng network dahil wala naman gaanong nakakakilala dito.

Nakagat ko ang labi ko para hindi matakam nang lagyan ng pagkain ni Drake ang aking plato. Filipino dishes ang dala nito; spicy kaldereta, hipon at kare-kare. Mga paborito ko! Hindi maiwasang manubig ng bagang ko. Nagulat ako nang may maglagay muli ng pagkain sa plato ko. Si Lucas. Boeuf bourguignon, coq au vin at cassoulet ang dala nito galing sa isang kilalang restaurant.

"Masyado mataas ang carbs niyan Yanna. I'm sure may strict diet ka." ani Lucas habang ginigilid ang pagkain na nilagay ni Drake sa plato ko para malagay ung kanya. Totoo naman sinabi niya.

"I'm sure you have a cheat day. It will not hurt a bit for you to indulge your cravings because you are naturally sexy." at iginitna muli nito ang pagkain na iginilid ni Lucas.

"But not while there's an ongoing taping." giit Lucas. At iginilid muli nito ung mga caldereta.

"Ganda ka gurl?" mataray na singit ni Anton na lumipat na ng pwesto at katapat na namin habang panay irap sa akin. Tiningnan ito ni Roxy ng may nanunuring mata. Nang mapagtanto ni Anton ang inakto n'ya ay tumikhim ito at pinalalim ang boses. "Ganda mo talaga, Yanna."

Nabaling ang atensyon ni Lucas at Drake dito at umakto itong hinawi ang maiksing buhok sa gilid ng tenga habang kiming ngumiti. Napakagat-labi pa.Napangiwi na lang ako.

"She should eat whatever she wants." sabi muli ni Drake at kinutingting na muli ang plato ko.

"She can eat whatever she wants once the taping is over. Like every other job, there are rules to be followed." ani Lucas at pinakelaman din ang plato ko. Parehas ng nasa plato ko ang tinidor nila.

"Sometimes, rules need to be broken."

"Easily said. You'll not the one who will be reprimaded." at mukhang naggigitgitan ang mga tinidor nila sa plato ko.

"I will make sure that will never happen."

"What do you know?Hindi---"
at parehas silang napatigil nang ang pagkaing pinagtatalunan nila ay tumapon sa akin; ang iba ay napunta pa sa mukha ko. Walang nagawang makapasalita sa kanila. Napakurap kurap ako at madiing napapikit. Pinigil ko ang sarili kong pagsasapukin ang dalawang ito.

"Mga pre, ako, cheat day din ako ngayon. Baka gusto n'yo din ko lagyan." singit ni Anton na nakakagat labi pa din habang nakaumang ang plato nito. Pinandilatan ko ito.

"Excuse me." Hinablot ko ang table napkin at padabog akong tumayo para magpalipas ng inis. Nawalan na din ako ng ganang kumain. Mga buwisit kasi ang dalawang ito!

"Aly... " hinawakan ako ni Lucas sa kanang braso at ganoon din si Drake na nakahawak sa kaliwa kong kamay para pigilan ako. Parehas kong binaklas ang hawak nila. "Tigilan n'yo ako. Tatamaan kayo parehas sa akin." kay Drake ako nakatingin. "Walang susunod." at tiningnan ko si Lucas.

Nakakabwisit ang dalawang iyon! Nangigigil ako sa kanila lalo na kay Drake.

Panay ang sipa ko sa buhangin sa inis. Malayu layo na rin ang nalakad ko. Napakaganda pala ng lugar na ito. Puti at parang pulbos ang buhangin sa pino. May malilit na alimangong nagtatakbuan sa buhangin.Malinaw at asul din ang dagat. Ang alon nito ay nagbibigay payapa sa nangngangalit kong puso. Umupo ako sa isang driftwood na nakita ko. Payapang pinagmasdan ang magandang likha ng Maykapal.

"Alyanna..." si Drake. Hindi ko siya nilingon. Baka bigla ko itong mabigwasan. Umupo ito sa tabi ko.

"You have not eaten your lunch. I brought you a sandwich." masuyong sabi nito. The way he talk makes me cringe. Bait-baitan ito. Hindi ko pinansin ang hawak niyang sandwich.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon