Kabanata 19

116K 2K 480
                                    

A/N
Gigil na ba lahat kay Alyanna?haha. Chill lang. Magigising din yan. Sana lang.

****
Who would have thought na kapatid ko pala si Cedie at kami pala ang taong hinahanap niya. Ang liit talaga ng mundo. Yun palang matalik na kaibigan ng asawa ko ay kapatid ko. Kaya pala ang gaan agad ng pakiramdam ko sa taong ito.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Ang swerte mo at napakaguwapo ng kapatid mo." Mahanging sabi ni Cedie at ginulo pa ang buhok ko.

"Wow!Nakakamatay ang sobrang kayabangan, 'no." At inirapan ko siya.

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni mama na may pagtataka sa muka

"Yes tita. " "Opo mama." Panabay naming sagot.

"Bestfriend siya ni Drake."dagdag ko.

Nakita ko ang pagkabigla din sa mukha ni mama.

"Talaga? Ang pagkakataon nga naman."ani mama.

"Yes tita. Alam nyo ba, natulala siya sa kakisigan kong taglay nang una kaming magkita. Pero sino bang hindi? Feeling ko nga, nalove at first sight siya sa akin.."wika ng mahanging lalaking to habang nakangisi.

"Kadiri ka!  Isipin ko pa lang, nanghihilakbot na ako! Ano un, incest?!God! The thought makes me cringe!"sansala ko sa kanya sabay pinagpapalo ko siya sa balikat niya.

"Aray ko naman baby sis. Ang ma-muscle kong balikat! Joke lang naman. Alam ko namang lukso ng dugo yun." Anito. I just rolled my eyes at him.

"Kayong mga bata kayo, puro kayo kalokohan."saway ni mama pero may ngiti sa labi.

"Sinusulit lang po namin ang panahong hindi kami nagkasama."ani Cedie sabay pulupot ng braso sa aking leeg at pabiro akong sinakal.

"Mama oh!Sinasaktan agad ako! Ayokong maging kapatid ang may saltik na 'to!"nakanguso ko pang sabi at pilit inaalis ang braso niya. Napailing na lang si mama sa amin.

Dumating na ang inorder naming pagkain at talagang natakam ako. Agad kong nilantakan ang pagkain na nasa harap ko.

"Takaw ah. Kaya ang daming baby fats eh." Nangaasar na wika ng pakialamerong lalaki. Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

Marami pa kaming napagusapan. Kasama ang tungkol kay Papa at ang naging buhay nila sa America. Kung tutuusin, napakaswerte ko at mabait ang kapatid ko. Kung siguro ay ibang tao siya, marahil ay kinamuhian na niya kami ni mama. Anak ako sa pagkakasala ng ama namin at ni mama pero tinanggap niya pa din kami.

Hinatid niya kami sa bahay namin. Sinabi ni mama na welcome itong bumisita kahit anong oras at nangako itong bibisitahin kami palagi. Hindi pa namin napapagpasyahan ni mama kung pupunta kami sa America para dalawin si Papa o hihintayin namin ang paguwi nito. Sabi niya ay bumubuti na daw ang lagay ni Papa.

Sabik na akong makilala si Papa. Gustong gusto ko na ding makausap si Drake para ibalita ang pangyayari.

"'Nak, pwede ba tayong magusap?" Wika ni mama na nakakuha ng atensyon ko.

"Bakit po? Anong meron?"

Tumabi siya sa kinauupuan kong sofa.

"Pwede bang huwag mo munang sabihin kay Drake ang nangyari?" Aniya na ikinakunot ng noo ko. Umayos ako ng upo ay pinakatingnan siya.

"Ha? Bakit po?"

Nakita ko ang pagbuntong hininga nito.

"Nahihiya kasi ako kay Zandria at Drake."aniya."Alam ko kung gaano sila kagalit sa mga tulad ko. Tulad kong...kabit."

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon