Kabanata 37

113K 1.8K 150
                                    

"Sist, tumawag na ba sa'yo si Rose? Hinahanap ka sa akin eh." tanong ni Roxy.

"Dead batt ako eh, di ko napansin. Kaka-charge ko lang ngayon.Bakit daw?" tanong ko habang nakaharap sa compact mirror ko at nagpapahid ng lipstick sa mapintog kong labi. Ito ang isa sa mga ine-endorse kong produkto.

"You know, para dun sa huli mong show at sa extension ng contract mo." napatigil ako sa ginagawa at inilapag ang lipstick sa mesa. Kinuha ito ni Roxy at naglagay din bago ibinalik.

"Dapat kasi tinanong muna ako ni Rose kung gusto ko ba. Yang si Rose, pala-desisyon talaga minsan sa buhay ko." na-extend kasi ang kontrata ko ng  tatlong buwan. Nagpatuloy na muli ako sa pagpahid ng mapulang tinta sa aking labi.

"Oo nga eh. Hayaan mo na. Tigang kasi yun." natawa ako sa sinabi niya.

"Sisiguraduhin kong makakarating yan kay Rose. " pagbibiro ko.

"Hoy grabe ka. Baka kalbuhin ako non!" at nagtawanan kami. Matapos ay kinuhanan niya ako ng larawan para i-post sa social media ko. Naka-ilang take kami bago nakapamili ng i-upload.

"Oh siya. Ikaw na muna bahala ha. Aalis lang muna ako at may kailangan akong kitain."

"Naks. Mukhang luma-love life ka din ah. Every week na yan ha. Ayaw mo talagang pahuli  sa akin ano!" pang-aasar nito sa akin at tinawanan ko na lamang ito.

Ang totoo ay pupunta ako sa psychologist ko para sa lingguhang session ng therapy ko. Halos dalawang buwan ko na rin itong ginagawa at sadyang malaki ang naitutulong nito sa akin.Nag-undergo na ako dati ng therapy pero hindi ko natapos dahil hindi ko matanggap na kailangan ko non.

Idagdag pang nasa kasagsagan ako ng karera ko at mahirap nang maeskandalo nang dahil dito. Sadyang talamak pa rin ang stigma at diskriminasyon ukol sa usaping mental health. Ngayon ay tanggap ko na kailangan ko ng tulong mula sa propesyunal para tuluyan na akong gumaling at wala na akong pakelam sa sasabihin ng iba kahit pa lumabas man ito sa publiko.

"Good afternoon, doc." bati ko sa psychologist ko na si Dr. Malcolm.

"Hello Ms. Ignacio. It's good to see you again." bati nito na may maliwanag na ngiti sa labi. "Let's start." he said and I spent the next hour with  him.

Matapos ng pakikipagkita ko sa doktor ay mas naging magaan ang pakiramdam ko at ramdam kong unti unting nagiging iba ang pananaw ko sa buhay. Mas madali kong natatanggap ang mga bagay bagay at mas nakakaya ko nang kontrolin ang emosyon ko. Ilang sessions na lang ang natitira at nakikinita-kinita ko na magiging maganda at matagumpay na ito sa pagkakataong ito.

Sa loob ng halos dalawang buwang nakalipas, hindi ko na nakita pa si Drake. Aaminin ko na may mga pagkakataon na hinahanap ko siya na hirap akong aminin noon pero naniniwala pa rin akong tama ang naging desisyon namin na maghiwalay na ng landas. Marahil ay natanggap na niya ang summon mula sa korte para sa annulment at hinihintay ko na lamang ang sagot niya para makapagsimula na ang pre-trial. Sa isiping iyon ay nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso pero binalewala ko na lamang. Dahil ito ang nararapat.

Dumaan ako sandali sa isang coffee shop para bumili ng cake na paborito ni Roxy. Nakayuko ako sa salamin at namimili ng para sa akin. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Isang simple ngunit napakagandang babae. Wala itong kahit anong bahid ng make up at nakapusod lamang ang buhok na ang ilang hibla ay kumawala na. Naka-t-shirt lamang na maluwag ito at pedal shorts sa pang-ibaba.

Nakatingin ito sa mga pastries na nahaharangan ng bubog. Tiningnan nito ang palad at kimkim pala nito ang ilang barya at bebentehin, mukhang tinatantya kung magkakasya ang pera niya. Mataman ko siyang pinagmamasdan dahil gandang ganda ako sa kanya.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon