Kabanata 43

165K 3.1K 1.1K
                                    

"Frenny ko, anong gusto mo? Gusto mo ba ng masahe sa maladyosa mong katawan? Foot spa sa mga paa mong kasing rikit ng kay Cinderella? O gusto mo ba, ayusin ko ang napakaganda at napakalambot mong  buhok na tinalo ang kay Rapunzel?" malambing na sabi ni Anton at hinawakan ang nakalugay kong buhok at hinahaplos haplos nang napaka-ingat. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ikaw Antonio Dimayakyak, tigil tigilan mo ako sa mga kalokohan mo ha." pagsusungit ko sa kanya. Pinaglololoko kasi ako ng bruhang ito.

Nakita ko kung paano kumibot ang isang mata nito senyales na nagpanting ito sa narinig. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag ko siya sa tunay niyang pangalan dahil kilala ito sa showbiz bilang Anton Evans. Magkagayon man, nakangiti pa rin ito sa akin kahit alam kong pigil ang inis at gusto na akong kuritin.

"Ikaw naman frenny ko, totoo naman lahat ang sinasabi ko. Tingnan mo nga yang kilay mo, maiingit ang mga higad sa'yo. Tapos ang mga mata mo, kasing ningning ng bituin sa langit." napahalukipkip ako at pinagmasdan siya, ineenganyong magpatuloy dahil nagugustuhan ko ang mga papuri niya kahit labas sa ilong niya.

"Ang mga labi mo ay napakapula at mapintog at walang sinabi ang kay Angelina. Ang kutis mong mala-porselana, ang dede mong mala Mia Khalifa." nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa braso.

"Hoy!!"

"Bakit?Totoo naman." bwelta nito at muling kumapit sa akin at parang pusang kiniskis ang mukha niya sa balikat ko. Magkatabi kaming nakaupo sa receiving couch ng opisina ko. May hinihiling kasi ito sa akin kaya binobola ako nito.

"Sige na naman, frenny ko. Kausapin mo na ang asawa mo."

"Beks, kayang kaya mo naman makuha ang role eh kahit 'di ko kausapin si Drake. You're one of the greatest actor I've ever known." kahit luka luka ito, talagang hindi matatawaran ang talento nito sa pag-arte na kahit ako'y nakakalimot sa totoo niyang pagkatao kapag kaming dalawa ang magka-eksena.

"I know right. Kaya lang kasi, may backer yung isa eh. Kaya pretty please, kausapin mo na ang yummy mong asawa. Gustung gusto ko talaga at deserve ko naman yung role." anitong nag-pa-puppy eyes sa akin. Pinitik ko siya sa ilong.

"Ouch naman!" at hindi na ito nakapagtimpi pa at pinagkukurot ako bilang ganti.

Nung nakaraan lamang ay halos yugyugin ako nito at tinalakan dahil hindi ko man lamang daw nasabi na asawa ako ng CEO namin. Na hinayaan kong tapak tapakan ako ng iba at masira ang imahe ko sa publiko. Ang totoo ay sobra ko siyang na-appreciate dahil nang halos hinuhusgahan ako ng lahat, hinding hindi niya ako iniwan.

"Oo na! Sige na. " sagot ko dito nang masukol niya ako. Pagbibigyan ko naman talaga siya. Gusto ko lamang siyang asarin.

"Kakausapin ko siya pagbalik niya na mag-assign ng tao para tutukan ang audition. Para wala na yang kone-koneksyon na yan." umalis kasi si Drake kahapon at may kailangan daw siyang asikasuhin. Hindi na ako gaanong nagtanong dahil malamang ay tungkol sa negosyo niya iyon.

"Fair enough. Kailangan pa lagi daanin sa dahas!" singhal nito at sumandal ito sa akin. "Porke't ang haba haba ng hair mo dahil pinangangalandakan ng asawa mo kung gaano ka niya kamahal." sabay irap nito.

"Inggit ka lang!" bwelta ko.

Hindi ko napigilan ang mapangiti nang maalala na sa unang pagkakataon, nag-post si Drake sa Facebook niya ng picture namin. Iyon ay ang picture ng dinner date namin na may makalaglag pantyng ngisi ito sa labi habang ako ay nakangiting hindi labas ang ngipin at medyo mugto pa ang mata. Ang caption lamang nito ay simpleng 'My Queen'. Hindi ko akalain na masarap din pala ang pakiramdam na ipini-flex.

Agad na nag-trending iyon at na-feature sa iba't ibang page. Hindi rin nakaligtas sa matatalas na mata ng netizen ang kwintas na suot ko kahit pa kaunting bahagi lamang noon ang nahagip sa larawan. Agad na nakapag-research ang mga ito at nalaman ang halaga ng kwintas na iyon kaya mas lalong nag-trending ang larawan namin. At syempre, hindi mawawala ang comment ng balasubas niyang kaibigan na pinangungunahan ni Raegan.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon