Kabanata 5

124K 2K 413
                                    

Pagmulat ng mata ko, ang pamilyar na kagamitan sa kwarto ang nabungaran ko. Ang huling natatandaan ko, nasa salas ako habang... Naipilig ko na lang aking ulo. Ayoko matandaan ang nangyari kagabi. Or should I say, kaninang madaling araw.

Pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magtatanim ng galit sa kanya. Iintindihin ko siya.Nagagawa niya lang yun dala ng galit niya. Kaya kong magtiis para sa kanya. Masasanay din ako. Kahit paulit ulit niya akong saktan, paulit ulit ko rin siyang patatawarin. Love does not keep records or wrong.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas onse na pala. Dali dali akong bumangon para maligo.
Magluluto ako para sa pananghalian ko. Aabalahin ko na lang siguro ang sarili ko sa gawaing bahay.Wala naman kasing kasambahay dito.

Medyo sumasakit pa ang katawan ko pero mas maayos na kumpara nung isang araw.Matapos kong kumain ng pananghalian, naisipan kong maglinis. Inuna ko ang kwarto ko. Pinuntahan ko ang kwartong tinutulogan ni Drake. Alam kong umalis na siya para pumasok sa opisina.

Pagkabukas ko ng pinto, ang amoy ng pabango niya agad ang pumasok sa ilong ko. Nakita kong malinis pa rin ang kwarto nya.Naupo ako sa kama niya at hinaplos ang unan niya.Namimiss ko na agad siya.

Nakita kong may ilan siyang maruruming damit. Kinuha ko iyon para labhan. Kinuha ko ang polo niya. May mga bakas pa ito ng pulang lipstick. Naipikit ko ang mata ko para pigilan ang luha ko.

Kung hindi ko ba sinasadyang mapatay ang baby niya, magiging iba kaya ang trato niya? Masaya kaya kami ngayon na parang normal na mag-asawa? Napabuntong hininga na lang ako.Minsan, naiisip ko na may pagkakataon sa buhay n'ya na nagkagusto din siya sa akin.

Kung babalikan ko ang mga pangyayari, ang sagot sa tanong ko ay wala. Hindi nya ako kailanman nagustuhan bilang isang babae. Dati ay magiliw ito sa akin at itinuring niya akong nakababatang kapatid. Pero simula nang bumalik siya at ipinakita ko ang pagkagusto ko sa kanya, para akong may nakahahawang sakit kung iwasan nya. Pero umaasa pa din akong mamahalin niya ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ng caller ko.

Si Loraine.

Nanlamig ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Kinakain na naman ako ng konsensiya ko. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawag. Para ba ipamukha sa akin kung gano ako kasamang tao? Nagdalwang isip ako kung sasagutin ko ang tawag niya. Nagpasya akong tanggapin ang tawag niya.

"H-hello Loraine?" saad ko. Nanginginig ang boses ko.

"Masaya ka ba na nakuha mo na si Drake kahit may pinatay ka?!" bungad niya agad sa akin.

"Hindi ko alam. I'm sorry! I'm sorry talaga. Hindi ko alam na buntis ka." humahagolhol kong turan.

"Alam mo o hindi, nangyari na! Inagaw mo na nga siya sa'kin,pinatay mo pa ang anak namin! Desperada ka! Napakasama mo. Hinding hindi ka magiging masaya dahil---"

Pinutol ko na ang tawag niya dahil hindi ko na kayang marinig pa ang mga panunumbat nya. Marahil totoo ang sinasabi niya. Desperada ako. Ilang beses na ba akong nagbigay ng motibo kay Drake. Nagmamahal lang naman ako.

Nagdaan ang araw, linggo at buwan. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin.Hindi ko na siya nagigisnan tuwing umaga at late na rin siya kapag umuwi.
Pero ginagamit pa din niya ako kung kailan niya gusto. Nagdadala siya ng mga babae dito. Umaalis din ito ng walang paalam. Minsan nagtatagal ng ilang araw o ilang linggo itong wala. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot akong ipamukha nya sa akin na wala dapat akong pakealam sa buhay nya.

Gusto ko sanang magtrabaho dahil na-bo-bored na ako sa bahay.
Hindi rin nya ako pinapayagang lumabas. Kung papayagan man nya, kina mama at mama nya lang pede pumunta. May kasama pang driver.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon