Kabanata 9

120K 2.1K 363
                                    

Agad akong umalis matapos ang nangyari. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay.Gusto ko nang magpakalayo layo na lang. Pakiramdam ko ay basag na basag na ang pagkatao ko.

Agad akong pumasok sa shower at doon ibinuhos ang lahat ng sakit, pandidiri, pagkasuklam. Pilit binubura ang bakas ng nangyari.

No one deserve this! Napakababoy niya! P*tang ina! Anong  ginagawa ko sa sarili ko? Bakit hinahayaan kong tapakan niya ang pagkatao ko? Ayoko na! Ayoko na!

O baka naman masyado akong overacting?Normal naman siguro yung ginagawa ng mag-asawa di'ba? Baka lang wala lang talaga akong alam? Siguro masakit lang dahil he was moaning Tracy's name while doing that? Sadya niya akong pinasasakitan. Akala ko handa ako sa mga kaya niyang gawin. Subalit nagkamali ako.

Mariin kong pinikit ang aking mata habang nagpapakalunod sa tubig na lumalabas sa shower.Kasabay ng pagbuhos ng tubig mula sa dutsa ay ang pagdaloy ng mga luha ko.My mental health is slowly detoriating. Hindi ko na alam ang tama sa mali. May hinihintay ba talaga ako? Baka naman wala talaga. Pagmulat ng mata ko ay nakapagpasya na ako.

Nilinis ko ang sarili ko at inisa isang sinilid ang damit ko sa di kalakihang travelling bag. Uuwi na ako kay mama. Alam kong maiintindihan niya. Sana nakinig na lang ako sa kanya dati. Panay ang patak ng luha ko habang inaayos ko ang gamit ko. Halos patapos na ako nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell.

Sino kaya yun? Imposibleng si Drake iyon.

Ang tanong ko ay nasagot nang tumunog ang aking telepono at makitang si mama Zandi ang tumatawag. Hindi ko ito magawang sagutin dahil tigmak pa ng luha ang mga mata ko. Namatay ang tawag pero kasunod niyon ay ang pagdating ng text message.

'Nak, dito ako sa labas.

Nagmamadali akong tumayo at naghilamos para di mahalatang galing ako sa pag-iyak. Naglagay rin ako ng pulbos.

"Mama Zandi!" masigla kong bati sa kanya. Suot ko na naman ang maskara ng masayahin kong mukha. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Kumusta ka 'nak?" isang simpleng tanong lang iyon subalit napalakas ng epekto sa akin. Gusto kong magsumbong. Gusto kong sabihn ang lahat. Gusto kong sabihin kung gaano kasakit. Gusto kong ipakita sa kanya kung anong ginawa sa akin ng anak 'nya.

"Mukhang na-miss ako ng baby ko ah." anito. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin. Hinahaplos pa nito ang buhok ko.  Mahigpit ko pa rin siyang yapos. Kumukuha nang lakas. Bakit hindi nagmana sa kanya si Drake?

"Okay naman po ako, mama." mahina kong anas matapos bumitaw sa yakap niya. Hindi ko alam kung bakit iyon  ang salitang lumabas sa bibig ko. "Kayo po? Kumusta kayo?"

"I'm doing better. Medyo madami lang pinagbabawal na pagkain sa akin  ang cardiologist ko. Di ko na kayo masasabayan ni mama mo sa buffet. Ganon na yata talaga pag tumatanda na. " anito na natatawa pa.

Saka ko naalala na mahina na nga pala ang puso nito at hindi ko siya pwedeng bigyan ng dahilan para magdamdam. Nakalimutan ko dahil ni hindi siya kakikitaan ng bahid ng karamdaman. Napakaganda pa rin niya sa edad niya. At napakaaliwalas pa ng mukha nito at palaging nakangiti.

Sa kusina kami dumiretso at may ituturo daw siya sa aking recipe na minana pa niya sa kanunu-nunuan nila. Malaking tulong ang pagdating niya dahil kahit paano at nabaling ang sakit na nararamdaman ko.

"Kumusta naman si Drake bilang asawa?" biglang tanong nito. Napatigil ako sa paghihiwa ng gulay.

"Ahm, o-okay naman po." naglumikot ang aking mata at nagpatuloy na muli sa paghihiwa. "Pangit n'ya ka-bonding." anas ko at di ko sigurado kung nakarating sa pandinig n'ya.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon