Kabanata 29

138K 2.2K 785
                                    

A/N: Sa mga umasa ng SPG, sorry na agad. 😂

***
"How are you, Alyanna?" he asked. Pangkaraniwang tanong lamang na normal na ginagamit sa pang araw araw at sa iba ay wala nang kahulugan. Subalit nang marinig ko iyon sa kanya ay tila naging sindi para magliyab ang pagkamuhi ko. Nais nya bang malaman kung miserable pa din ako gaya ng huli naming pagkikita? Na kagaya pa rin ako ng dating Alyanna na pinaglaruan at inapakan niya?

"I'm doing good, doing great actually." pormal kong sagot. Akala ko talaga kanina ay may gagawin siya sa aking masama pero tinaas nya lang ang couch kung saan naipit ang mga kamay ko at tinulungan akong makatayo.

"I can see that. And I'm really happy for you." nakatitig ito sa akin at ganon din ako sa kanya. Matapang ko siyang tinititigan at hindi na ako natatakot at nasasaktan sa tuwing tumitingin sa asul na matang iyon.

"Ugh, Mr. Larkins, is that what you want to talk about? I mean, can I go now?"

"Alyanna-"

"I'm sorry to cut you off sir but I don't think we are that close to use first name basis. So if you don't mind, because I do, don't address me on my first name." sita ko sa kanya. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil kaya ko ng kontrolin ang galit ko at pakalmahin ang sarili ko.

"Alright." at huminga ito ng malalim. "Baby, we need to talk about your shows."

"Don't call me baby. And what about my shows? " I'm being inpatient here.

"I cancelled your shows. wifey. But I'll transfer you to different ones or better, I'll produce your own movie, if you want. " nakuyom ko ang kamao ko. Ano na naman ba pakulo ng taong ito? Bored na naman ba ito sa buhay nito kaya gusto na naman akong paglaruan?

"Stop calling me petty names, sir. I don't really appreciate it. And should I be flattered that the new big boss is the one who personally manages my career? " nagpupuyos na ang kalooban ko pero kalmado pa din ang itsura ko. Kaya ba siya nandito ay para sirain ulit ako? Hindi ba siya titigil. Ngayong ayos na ako, gusto na naman nyang basagin ang pagkatao ko.

"I only know three names for you.And I'll call you with those names. And yes, I'll make sure that you will not show your body or kiss anyone on your movies or t.v. series. Not anymore."

"First of all, you have a fourth name for me; wh*re. You used to call me that name. Ay yun nga ang pinakanatatandaan ko sa tawag mo sa akin." I laughed sarcastically. Napahinga ito nang malalim. Nakakalimutan kong nasa trabaho kami at siya na ang big boss ng network na ito and I should always remain professional.

"And sir, may I remind you, that Yanna Ignacio is a sexy actress on this entertainment industry. And showing off my body is part of my image. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpalit ng imahe. So pabebe actress na ako ngayon? Yung mabait, yung palaging umiiyak at inaapi? Yun ba ang gusto mo, sir? " the thought makes me sick to my stomach.

Ang inaasahan kong reaksyon ay taliwas sa pinakita niya. I was expecting that he will get upset. Dahil kinokontra ko ang gusto niya. He's been like that. But he remains calm and collected. At hindi ko inaasahan ang mga salitang namutawi sa kanya.

"I don't want men to feast on your body. Your lips to be kissed by other man nor your body to be touched by others. Because they are mine alone. " napanganga ako sa narinig. Ilang segundo ako bago makabawi. Subalit nang makabawi ay di ko napigilan ang sarili kong humalakhak. Ilang minuto pa ako bago nakahuma sa pagtawa dahil tawang tawa talaga ako.

"Ha-Ha-Ha-ha! Oh my God, that was so funny. I'm sorry sir, patawa ka kasi." aniko pa habang pinupunasan ang luha dahil sa pagtawa. Nakatingin lamang ito sa akin.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon