Epilogo

52.2K 1K 335
                                    

Drake's POV

Warning: Contains violence and abuse. Readers discretion is advised.

"The heck happened to your back?" Cedrick asked. Napansin siguro nito ang mga pasa at latay ng latigo sa likod ko nang maghubad ako ng gym uniform. These battle scars will be covered by ink one of these days.

"Had a fight." Maiksi kong sagot at naglakad na habang sukbit sa likod ko ang backpack ko. Sumabay ito sa akin ng paglalakad paalis ng locker room.

"Had a fight? With whom? Raegan again ng kabilang block? I don't think that coward could do that." pangungulit pa nito. Mukhang hindi kumbinsido sa sagot ko.

"With a demon." nilingon ko ito sabay ngisi sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin.

"He's doing it again?" nakakuyom ang mga kamao nito. He knows who did this to me.

"Well, it never stops and never will. Don't worry about it. I'm used to it."

"I'm sorry, bud. I couldn't be of any help." guilt was evident on his voice.

"Dumbass." pabiro ko itong sinuntok sa braso. "Of course, no one can help me and I don't give a fvck."

Kagagawan ito ng sarili kong ama. That man is a sick bastard and I have long accepted my fate. Bata pa lamang ako, sanay na ang mga mata ko sa pananakit ni dad kay mom. Apparently, he gets satisfaction from inflicting pain. Mom tried to seek help numerous times but to no avail.The man is so powerful that he can bend justice.

Cedrick also sought help from his father when he found out but his old man doesn't want to meddle on our family affair. Everyone thought that we're a perfect family because that is what we portray to the outside world. Nobody knows that it was hell behind closed doors.

Hanggang sa tumuntong ako ng dose anyos and I pleaded to trade place with my mom, na ako na lamang ang saktan niya. Hindi ko na masikmura ang pinaggagawa niya kay mom. Ang tingin niya dito ay nabibilang sa mababang uri. At ito ang itinatanim niya sa murang isip ko. Na ang mga babae ay laruan lamang at walang halaga. But I know better.I will never be like him.

I became his human punching bag without my mother's knowledge. He wanted me to regret my decision. At my young age, I can feel that I'm becoming less and less of a human. I know he wanted me to be like him. But someone kept me from drowning in the pit of hell.

"Wag kang maging sweet sa isang tao,
lalo na kung iba ang laman ng puso mo.
Dahil pag yan nahulog sayo,
madadagdagan na naman ang aasa sa mundo."

Hindi ko mapigilang mapailing sa nabasa kong text mula kay Alyanna. Mahilig itong mag-se-send ng kung anu anong quotes simula ng bilhan ito ni tita Emilia ng cellphone.

May friendster na rin ito. Ang picture nito ay nakanguso habang makapal ang bangs at pink skull ang layout ng profile nito. Minsan nakakalimutan kong lumalaki na nga pala ang batang ito.

I still don't understand how she managed to do it but this kid is my only ray of sunshine in this cruel world.

"So when I add the 6x to 4x, that is 10x. Then 5y to -5y, that is 0." Nilingon ko siya habang pinapaliwanag dito ang step by step na pag-solve sa isang math equation na hirap ito. Pero sa halip na sa itinuturo ko nakatingin, sa mukha ko ito nakatitig habang nakahalumbaba at nakangiti pa ito na tila nananaginip nang gising.

Sanay na ako dito at hindi ako manhid para hindi malamang may crush ito sa akin. I saw some pages at the back of her notebook where she paired our name on FLAMES. Wala naman iyon sa akin at minsan inaasar ko pa ito dahil doon. There were also pages where she wrote "I love you, kuya Drake." Pero parang nakababatang kapatid lang ang turing ko dito.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon