Kabanata 34

124K 1.9K 422
                                    

"Isang curacha alavar at dalawang creamy tuscan chicken po, Ms. Yanna." ani Jojo na isa sa mga serving  staff ko. Sinilip ko ang mga customers at nakita kong mga babaeng may edad ito. Mataas na ang sikat ng araw at sila pa lamang ang unang customer ngayong araw.

"Advise them that it will be done in ten minutes." sagot ko.

Tumutulong din ako sa pagluluto ngayon dahil may sakit ang isa sa mga cook ko habang ang isa ay nag-emergency leave. May mga pre-cook naman kaya kinakaya naming maihanda ang pagkain sa tamang oras. Si Roxy muna ang tumatayong manager ng restaurant.At madalang din naman ang mga customer na hindi ko na ipinagtataka.

May mga nag-order pa rin naman via online pero hindi pa rin sapat para makabawi sa ilang araw na pagkalugi. Mukhang kailangan kong umisip ng iba pang pakulo para matabunan ang kasalukuyang issue na kinakaharap ng restaurant. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring maibigay na matibay na ebidensya ang imbestigador na inutusan ko para mapatunayan na pawang paninira lamang at si Mr. Simpson ang nasa likod ng lahat. Agad kong inihanda ang mga sangkap ng lulutuin at maingat pero mabilis na hiniwa ang mga ito. 

"Ms. Yanna." tawag ni Stella sa akin na isa sa mga waitress. "Two orders of Char Siu pork po." at inilapag nito ang papel na sinusulatan ng mga orders.

"Got it!" maliksi ang mga kilos ko. Nagagalak akong hindi kami bokya ngayong araw na ito. Agad kong inutusan ang isa sa mga line cook ko para maghanda ng sangkap.

Naibigay na namin ang orders ng naunang customers at nasa kalagitnaan na ako ng paghahanda sa ikalawang set ng orders nang maramdaman kong biglang napigtas ang panali ko sa buhok. Napapikit ako sa pagka-asar.

"I got you." halos napatalon ako nang marinig kong may nagsalita sa likod ko. 

"Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat?!" naiirita kong bulyaw dito.Hindi ko alam kung kanina pa siya naroroon. "Ano na naman bang ginagawa mo dito?"  Saglit na napatingin ang iba kong cook pero agad ding bumalik sa trabaho dahil sanay na ang mga ito sa amin. Hindi rin naman Marites ang mga ito. Propesyunal ang mga ito pagdating sa trabaho at may pinirmahan ding privacy agreement.

Ilang beses ko ng pinagtabuyan ang lalaking ito matapos ng pag-uusap namin ngunit kahit anong taboy ko at pagbibitaw ng masasakit na salita ay sadyang sutil ito at bumabalik pa rin.

"Guarding my beautiful wife." mahinang anas nito sa likod ko at  masuyong sinusuklay ng mahahabang daliri ang buhok ko. Agad akong napapiksi sa hawak niya.

"Don't touch me." lumayo ako sa kanya at ako na ang nagtali ng buhok ko.

Nabistahan ko ang hitsura nito. Naka business suit pa ito at mukhang galing sa opisina niya. Suot na naman nito ang contact lens niyang itim at props sa mukha dahil alam siguro nitong magiging palaisipan sa ibang empleyado ang presensya niya. Kung hindi kaaya-aya ang itsura nito, walang gasinong mag-aaksaya ng oras na kilalanin ito.

"I'll help you cook." pag-aalok nito sa sarili  at hinubad ang coat na suot at basta na lang tinapon kung saan.

"Umalis ka nga dito!I don't need you. Alin ba sa mga sinabi ko sa'yo ang hindi mo maintindihan? Bakit ba pilit mong sinisiksik ang sarili mo? Para kang asong sunod nang sunod." gigil kong sita sa kanya.

Pero nag-taingang kawali lamang ito dahil kinuha pa rin nito ang nakasabit na apron at nagsuot ng itim na headwrap. Namumutok ang muscle nito sa braso habang binubuhol ang headwrap. Nagtungo din ito sa lababo para mahugas ng kamay bago pinatuyo.

Asar na tiningnan ko siya at balak na namang talakan nang pumasok sa eksena si Roxy.

"Sist!" humahangos na pumasok si Roxy sa kitchen area. "May mga dumating na customers. Nasa bente sila! Keri? " nagalak ako sa narinig at agad kong sinilip ang sinasabi niya.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon