Bloody Let her Go!

350 4 0
                                    


Di agad ako nakakibo sa aking kinatatayuan.

Di ko alam kung anong gagawin ko sa ganitong sitwasyon.

Pagkalabas ko ng kwarto para tingnan kung ano ang nangyari kanina ay nasaksihan ko si Tizo na nakahilata sa sahig at duguan. Katapat nya ang dingding na mukhang pinasabog. Mukhang nasa tapat si Tizo nun nang ito'y sumabog.

Uminit ang nga mata ko. Di ko alam kung buhay pa ba sya.

Pero agad naman syang tinulungan nung lalaki na kulay puti ang buhok na sumundo sa kanya kanina.

Inalalayan sya nito palayo doon, at agad naman akong sumunod sa kanila.

Mabilis kong tinakbo kung saan sila pumunta. Nakita kong pumasok sila sa tanggapan.

Kumusta sya?!

Di ko po alam..

Tumabi sya nang lumapit ako kay Tizo.

Hinawakan ko ang kanyang ulo at inunan ko sa aking hita. Nakasalagmak kami sa sahig.

Kumuha ka ng gamot! Sigaw ko dun sa lalaki.

Agad naman syang tumalima. Maya maya pa ay pumasok na ulit sya kasama na yung babae na kulay blue ang buhok.

Binigay nila sa akin yung damo na nakalagay sa isang lalagyan. Di ko yo mahitsurahan.

Di naman ito mabaho pero kadiri ang itsura nito.

Ipahid nyo lang po sa mga sugat nya, at gagawan ko po sya ng ritwal nitong si Shita. Sabi nung lalaki.

Nilagyan ko nga ang ulo at iba pang sugat ni Tizo ng damong yun. Umupo naman sa tabi ko yung babae na Shita daw yung pangalan.

Tinapat nya ang dalawa nyang kamay sa ulo ni Tizo, at nagsimula na sya. Di ko maintaindihan ang mga sinasabi nya.

Maya maya pa ay tumayo na sya tiningnan ko si Tizo na medyo gumalaw na ang noo nya.

Maya maya pa ay naimulat na din nya ang mga mata nya.

Agad ko syang niyakap.

Oh my! Are you alright?!

Yeah. Ayos lang ako Chame...

Iwan nyo na muna kami dito. Ayusin nyo na yung gulo sa labas. Balig naman ni Tizo dun sa dalawa na nakatingin sa amin.

Lumabas na nga yung dalawa at naiwan kami ni Tizo don. Hinalikan ko ang noo nya at pinunasanang dugo doon.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Huh?

Hindi ka talaga ligtas dito. Pero di na kita pwedeng paalisin ngayon, maari kang mawala sakin anomang oras simula ngayon.

Di kita iiwan Tizo. Magkasama tayo dito.

Hindi Chame, akin lang 'to. Ikaw ang nililigtas ko. Dahil ikaw ang gusto nila. Kaya nila ako pinupuntirya ay dahil alam nila na ako ang kasama mo. At pagnawala ako ay mas madali na sa kanila ang kunin ka.

Ganun na ba sila kasama?

Di mo sila kilala.

Pwes sabihin mo sakin. Dahil habang wala akong kadamay noon ay sila ang nag-alaga sa akin. Bago mo ako nakita ay sila ang nag aalaga sakin. Gusto ko silang makita at makausap Tizo. May pagsusumamo na sa boses ko.

Umiling lang si Tizo.

Pero bagi pa ako maka-angal ulit ay biglang bumukas ng malakas ang pinto. At pumasok sya.

Di ako nakakibo agad.

Di ko na din napagtuunan ng pansin ang sugatan na si Tizo, nang bigla nalang nya akong hinila patayo.

Dahan dahan namang tumayo si Tizo. Nakikita ko sya sa aking peripheral vision. Dahil sa kanyalang ako nakatingin sa ngayon.

Di ko alam kung ano ang itsura ko dulot ng labis na pagkabigla.

Sumigaw naman si Tizo kaya napatingin ako sa kanya. Bitiwan mo sya Ace!!! Hayop ka! Pinagkatiwalaan nya kayo ng sobra! Pero wala kayong naidulot na maganda!

Yes...it's Ace.

Nakita kong ngumiti lang ng malademonyo si Ace sa kanya.

Si Ace ba talaga 'to? Parang iba ang kaharap ko ngayon.

Ace... mahina kong usal at agad naman syang tumingin sa akin. Ngumiti sya at marahang hinalikan ang noo ko habang nakatingin sya kay Tizo na di naman ganun kalayo samin.

Nasa mga bisig kasi ako ni Ace, nakahapit ang kanyang mga braso sa manipis kong bewang.

Nakita ko ang pagpupumiglas ng Tizo sa pagkakahawak sa kanya. Di ko masyadong makita ang mukha nya dahil itinalikod ako ni Ace.

Nandito na ako Tiara, di ka na ulit mag-iisa. Sabi nya sa marahang tono lamang.

Di ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng matindig galit kay Ace.

Umigkas nalang ang kamao ko at sinuntok ko sya sa panga.

Napabitiw sya sa gulat, at agad aking tumakbo patungo kay Tizo, but in my horror, agad din nya akong nahawakan sa braso at hinila pabalik.

Let her go Ace!!! You filty vampire! You brought shame on our kind!!!

Ngunit tumawa lang si Ace, nangingilabot ako sa pinapakita nyang ugali.

Why Reima? You think that you're not? You're also a filty vamp, Reima. You killed our brother!!! Biglang nag iba ang reaksyon ni Ace, naging matatalim ang tingin nya, at batid ko din na humigpit ang kapit nya sa akin. Napangiwi nalang ako sa sakit na naramdaman. Vampire sya, kaya no doubt na malakas sya. Pakiramdam ko ay may mga buto na akong nabali sa kaliwa at kanang braso ko.

Nakita naman ni Tizo yun kaya lalong naging galit ang mukha nya.

Muling nagsalita si Tizo kay Ace, It was part of the Battle Game. "The one who is not bold would die." Remember those words, Ace?

Nagigting ang kanyang panga, at lalong humigpit ang hawak sa akin. Napasigaw na ako sa sakit.

Fuck you Ace!!! Let her go! And deal with me! Don't hurt her!

Ha-ha-ha, you are now protective against me,huh? Oh c'mon. Don't make me laugh Reima.

Naguhuluhan na ako sa dalawang to. Anong pinagsasabi ni Ace kay Tizo?

I know that you know what I'm talking about , Reima.

Get off me! Singhal ni Tizo sa may hawak sa kanya. Namamanhid na din ang mga braso ko dahil sa pagkakahawak ni Ace. Biglang may pumasok sa pintuan at yun ay siBrave.

Ace! Tayo na! Pinapabalik na tayo!

Brave... utas ko.

Bitiwan mo sya Ace! Sigaw ni Tizo, pero nawalan na ako ng lakas para manlaban pa.

Hinigit na ako palabas ni Ace, at lumapit sa akin si Brave at may nilagay sya sa noo ko at ang mga mata lang ni Tizo na may pagsusumamo ang huli kong nakita, bago ang dilim.

Let her go!!!

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Hey!

Did you enjoy it?!

Hope you enjoy it. ^_^



Miyamimi...

Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon