Bloody Dont touch her!

640 7 2
                                    


Tanghali na ako nagising at masakit pa ang ulo ko. Siguro dahil dun sa tinurok sakin nina Nido.

Tok tok...

Naghikab muna ako bago ko pinapasok kung sino man yun.
Nakahiga apa ako sa kama at nakalingon lang ako sa kaliwa ko upang tingnan kung sino ang papasok sa pinto

Biglang lumabas mula roon si Brave.

Oh..bakit?

Pinapababa ka na ni Ace. Magbihis kana daw muna. Dumeretso kana lang sa Elixir Circle.

Sige, susunod ako.

Pagkatapos nun ay tumayo na agad ako at dumeretso na sa banyo. Ginawa ko na lahat ng chuchu ko sa katawan at nag bihis lang ako ng isang simple pero medyo fitted na shirt at isang maong shorts. Nakatsinelas lang din ako.

Bumaba na ako at dumeretso kung saan man nila ako pinapapunta.

Pagdating ko dun parang may importante silang pinaguusapan, pero ng maramdaman nila ang presensya ko ay agad silang tumigil at umayos ng mga upo.

Tiningnan ko sila isa isa bago ako umupo. Nakita ko ang kakaibang reaksyon sa mukha ni Ace at ni Cade.

Parang galit na kung di mapakali si Ace, samantalang si Cade naman ay parang may dinadala.

Alam kong seryosong usapan to at may malaking kinalaman sa pinagusapan namin nina Barsoom at Nido kagabi.

Umupo kana. Marahang inalalayan ako ni Rush at pinaupo ako sa may gitna kung saan malayo silang lahat saakin.

Kinabahan ako.  Parang ito na ang sasagot sa hulig tanong ko kagabi. Anong gagawin nyo sakin?

Gaano mo kakilala si Summer?

Ahm... sobrang kilala po. Simula pagkabata ko sya na ang kasama ko at nagpalaki sakin. Tinuring nya akong tunay nyang anak, kaya di ko nahalata na di pala ako sa kanya galing.

Anong gusto mong mangyari ngayonTanong sakin ni Rush at medyo naguluhan ako. Napatawa naman sya ng mahina at nakita ko ang galit na mukha ni Ace at ni Brave.

Uhm... gusto kong makita si mommy.

Doon na talaga tumawa si Rush.

Gusto mong makita si Summer? Tanong nyang muli at tumango ako. Nagpapatawa ka!

Bakit naman?!

Rush tama na yan! Ginugulo mo na sya! Sigaw ni Mishileen at tumigil naman sya agad.
Pasensya ka na. Pero di na yun mangyayari.

Huh.A-anong ibig mong sabihin Mishileen?

Naparusahan na sya. At si Caleb na sakim ang nakakuha pa sa kanya! Ikaw ang may kasalanan nonSusugudin na sana ako ako ni Mishileen pero napigilan sya ni Rush.

Babe, akala ko ba wag syang guluhin... ikaw naman pala tong una eh.. at humagikhik pa si Rush at siniko naman sya ni Mishileen.

Ilabas mo na muna sya Rush... utos ni Acer. Yung isang mermaid na kasama ni Amada.

Totoong usapan na talaga to Ace, pero kailangan na talaga natin syang dalhin sa 9th.

HindiMatiim na sabi ni Ace. Na nakapagpataas ng balahibo ko. Bakit ba pilit nila akog pinapaalis.? Am I a threat?

Pero Ace, tatlong araw na kaming nandito at tatlong araw ka na din naming pinipilit. Alam mo naman ang maidudulot sa ting lahat pagnanatili pa dito si Tiara.

Hindi ako papayag. Umalis na kayo kung gusto nyo, pero di sya aalis dito. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa buong 9th.

Alam naman naming malakas ka sa 9th pero di ka namin maiintindihan sa ngayon. Kasi kahit saang angulo mo tingnan, walang magandang dulot ang gusto mo.

Ace, ano nang balak mo?

Papanatilihin natin dito si Tiara ,Dean. Yun ang plano ko.

Pero Ace-

She's staying here!

Yumanig ang buong Elixir Circle sa sigaw na yun ni Ace.

Pwes, wala na kaming ibang magagawa. Pagkasabi nun ni Barsoom, ay biglang pumasok sina Rush at Mishileen.

Bigla nalang nilang hinawakan sa braso si Ace, nang susugudin sila ni Btave ay hinarangan naman sya ni Nido.

Sina Cade at Dean naman ay walang magawa.

Teka... anong nangayayari. Tila nakaupo lang sina Cade at Dean.

Biglang lumapit saki. Si Mikata at Mego. Hinawakan nila ako sa tig kabilang balikat at mabilis akong hinigit palabas ng kwartong yun. Di na ako nakapagreact sa sobrang bilis ng pangyayari.

Don't touch her!!!  Yan ang huling sigaw na narinig ko bago ako nawalan ng malay.

★‡††★‡‡★★‡††‡★‡

HelloBlooders!

Ayan! Advance merry christmas sa inyonglahat. Isang mahaba habang UD parasainyo!


Miyamimi:-)

Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon