Bloody; believe us now?

754 5 0
                                    

Tatlo araw na matapos ang usap na yun, ay hindi pa ulit kami nakakapagusap ni Tizo.

Sbra akong stress ngayon. Mukha na nga akong zombie sa itsura ko,. Dinaig ko pa ang itsura nung mga pale vamps na yun.

Kailangan ko ng NORMAL na masasabihan o kahit malalabasan manng.

Kaya heto ako ngayon.. Pilit na kinocontact si Mommy. Nakakilang tawag na ako sa kanya pero ni isang sagot ay wala din.

Kinakabahan na ako. Simula nun lumipat ako dito, ay di na kami nakakapagusap manlang. Kahit yung shoppe namin ay di ko na alam kung anong nangyari.

Nung pumunta kasi ako nung C.Dome nung magkasama kami ni Tizo, ay nawala na sa isip ko ang pagbisita sa Magnifique.

Di ko na alam kung okay pa ba yung Mommy ko.

Tok..tok..tok..

Tatlong sunod sunod na katok ang narinig ko, laya kahit medyo tinatamad ako ay pinilit kong tumayo at buksan kung sino man yun.

Pagbukas ko ay nakita ko ang gwapong mukha ni Dean.

Kumusta? Tanong nya nang makita ang itsura ko. Nilakihan ko ang bukas ng pinto, sign na pinapapasok ko sya.

Umupo sya sa dulo ng kama ko, at ako naman ay umupo sa may head board at nakatungo.

Alam kong alam mo na. Panimula nya. Binigyan ko agad sya ng mapagtanong na mukha.

Nagusap kayo ni Martinni diba?

Oo. Teka..pano mo nalaman?

Alam naming apat. Kada lalabas ka nang hay na'to, ay sinusundan ka namin. Sinabi na naman na sayo ni Ace diba? Na delikado na para sa yo ang labas.

Ano nama sa inyo ngayon?

Nakita ka namin na nakipagkita kay Martinni noong isang araw at di na o nasundan. Nakinig namin lahat ng pinagusapan nyo sa rooftop.

Mataman ko lang syang tiningnan.

Ngayon alam mo na na sya ang pumatay kay Eris...at alam mo na na niloloko ka lang nya. Tatlong taon na syang nakabalik dito mula sa Paris. Pero di ka nya agad pinuntahan dahil busy sya sa pakikipagkompitensya sa amin.

Nakita mo naman siguro ku gaano kalaki ang galit sa mga mata nya habang sinasabi nya sayo yun diba? Tumango lanulit ako.. Di ko alam kung anong sasabihin ko.

Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon