Bloody Death

331 5 3
                                    


Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip kanina.


Tuluyang nagising ang diwa ko nang may marinig akong kakaibang ingay sa labas ng silid.


Dahan dahan akong tumayo dahil medyo nahihilo ako. Paglabas ko ay parang gusto ko nalng ulit pumasok sa loob at magtago kung saan man pwede.


Nasaksihan ko ang iba't ibang itsura ng mga nilalang, di ko lang alam kung mga taga saan pero sigurado ako na hindi lang mga taga 9th ang nandito ngayon.


Nakita ko silang nagkakagulo. Blood all over the place. Nakikita ko din ang ilan na bigla nalang nagiging abo pagkatapos ay nawawala.


Di ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko... Nasan si Brave? Nandito din kaya si Tizo? Di kaya mga taga 7th ang nasa labas kanina?


Pero narinig ko dati na sinabi ni Tizo sa isa nilang pagpupulong na may mga kaalyansa sila laban sa 9th... Ibig sabihin sila nga yung mga nasa labas?!


Muli akong lumabas at dahan dahang naglakad kung saan may nakita akong medyo nakaawang na pinto sa may kaliwang bahagi ng pinanggalingan ko. Pumasok ako doon at doon ko sya nakita.


Di ko na napigilan ang luha ko. Agad akong tumakbo patungo sa kinauupuan nya at mahigpit ko syang hinagkan.


Dean...Mahina kong utas habang nakayakap pa din sa kanya. Naninikip ang dibdib ko. Hinihintay kong yakapin din nya ako pabalik, but to no avail.


Kumalas ako at tiningnan ko ang mukha nya. nakahawak pa din ako sa tig kabilang nyang braso at may isang ruler pa ang layo ng mukha ko sa kanya.


Biglang nagdilim ang mukha nya, at bago pa ako makaiwas ay hinapit na nya ako at naramdaman ko nalang ang dalawang matalim at malamig na bagay sa aking kaliwang leeg.


Bigla akong nakaramdam ng panghihina. Di ako makagalaw, lalo na nang ibinaon pa nya lalo sa leeg ko ang dalawang matulis nyang mga pangil. Ramdam ko ang ilang patak ng dugo sa aking leeg.


Gusto ko nang bumagsak ngunit di ko pa rin magawa dahil sa mahigpit nyang kapit sa aking magkabilang braso at pag ako ay gumagawa ng kahit anong paggalaw ay lalo lang nadadagdagan ang sakit!


Dean... Please, S-st-op...Di ko na malaman kung naintindihan pa ba nya ang sinabi ko, pero maya maya pa ay may malakas na pwersa ang pilit na naglayo sa amin. Nakatungo lang ako dahil feeling ko anomang oras from now ay bigla nalang akong mawawalan ng malay dahil sa labis na panghihina na aking nararamdaman.


Pilit kong tinaas ang ulo ko upang makita kung sino ang nakakapit sa aking braso at parang yakap na nito ako upang di ako mapasubsob.


Nakita ko ang galit na mga mata ni Ace. Nakatingin lang sya ng matalim kay Dean, Samantalang si Dean ay pinupunasan lang ang gilid ng labi nya gamit ang likod ng palad nya. Medyo nakanginsi pa sya at parang natutuwa pa sa nangyari.


Damn you Dean! I told you to control that longing feeling! You stubborn! You're always reckless!


Tama ba ang mga naririnig ko? Si Dean? Si Dean Youngblood ay... reckless? Tama ba? Tumulo na naman ang luha ko kasabay ng pag ikot ng paningin ko.


I just want to taste a fresh blood once, before my death date.. At humalakhak sya pagkatapos nun. I want to taste her once more. Why Ace? Don't tell me you don't want to taste even a bit once again?


Biglang humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Ace, medyo di na ako ganun nahihilo kaya naiintindahan ko na nang maayos ang mga nangyayari.



Wag mo kong igaya sa'yo! Kaya kong kontroling ang lahat! Tandaan mo yan!!


Lahat? ha-ha.. Nagpapatawa ka ba Ace? Kung talagang kaya mong kontroling ang lahat, eh bakit nangyari sa'ting lahat 'to? Bakit tayo nandito? At bakit tayo nagkakaganito? Sabihin mo sakin Ace?! Anong nangyari?!


Nagulat ako nang bigla akong binitiwan ng dahan dahan ni Ace sa sahig at mabilis nyang pinuntahan si Dean.. Ngunit bago pa man sya tuliyang makalapit kay Dean ay biglang nanlaki ang mga mata ni Dean at bvahagya syang napaliyad. Kahit hirap akong imulat ng maayos ang mga mata ko ay pinilit ko dahil gusto kong malaman kung anong nangyari.


Nakita ko din na napatigil si Ace at bigla inalalayan si Dean. Bumigay si Dean mula sa kanyang pagkakatayo at napaluhod silang parehas ni Ace. May nakita akong maitim na mabilis na dumaan sa likuran ni Dean. Di ko yun nakita nang maayos dahil sa sobrang bilis nito.


Pagkadaan nito ay nakita ko nalang ang unti unting pag-aabo ng mukha at braso ni Dean.



Hindi nagalaw si Ace., mukhang pati sya ay nagulat din at di malaman kung anong nangyayari...


Ace... Le-eave N-ow. Yan ang huling salita na sinabi ni Dean kay Ace bago ito tuluyang naglaho at sumama sa hangin. Tuloy tuloy na dumaloy mula sa aking mga mata ang mga luha, kasabay din noon ang pagbagsak ng balikat at masaganang luha ni Ace.


Di ako makagalaw kaya di ko sya madaluhan sa kanyang kinalulugmukan.


AAAAAAARRRRGGGGHHHH!!!! ALLIANCE!!!


Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Ace. Mabilis syang lumabas ng silid at pilit ko namang inilakad ang aking mga paa upang malaman kung ano na ang nangyayari. Labis akong nawalan ng lakas dahil sa ginawa sakin ni Dean kanina pero di ko magawang magalit. Parang may mali. May mali sa lahat ng nangyayari, at nakakainis dahil hindi ko malaman kung ano ang maling yun!


Nakita ko maraming nakahandusay sa sahig at puro dugo ang dingding. Kahit saan ka ngayon tumingin ay wala na, wala na ang maganda at marangyang itsura ng kastilyong 'to.


I wonder kung nasaan na si Ace. Binabagabag ako ng sinigaw ni Ace kanina.. Alliance.. Alliance... Ano bang Alliance yun?!


Napaupo ako sa sahig kahit na alam kong puro dugo yun, di ko na kaya ang panlalambot ko at ang pag-ikot ng aking paningin.


Napapikit nalang ako at may naramdaman akong mga yapak na papalapit sa akin. Hanggang sa naramdaman ko nalang na umangat ako mula sa aking kinauupuan.


I'm Here...Always. Di ko alam pero napangiti ako pagkarinig ko ng boses na yun.

Ligtas pa ba ang lagay ko?


Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon