Bloody Trust

322 5 0
                                    


Mainit ang mga mata ko habang hinihila ako ni Ace palabas ng 7th. Gusto-gusto kong bumalik upang tingnan kung ayos lang ba si Tizo pero kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ako binibitawan ni Ace. Hindi din nakagalaw ang mga nadaanan namin sa corridor ng 7th kanina dahil na rin siguro sa gulat.


Ace... San Tayo pupunta? Teka.. Nasasakatan na ako.. Bitiwan mo nga ako. Pero di lang nya ako pinansin. Humarap sya sakin at pinikit ang kanyang mga mata. nakaramdam ako ng matinding lamig sa aking buong katawan,


Namalayan ko nalang na nasa ibang lugar na kami ng muli kong minulat ang aking mga mata.


Huwag ka na munang umimik. Sabi sakin ni Ace at hinila ulit ako patungo kung saan.


Sa loob ng isang napakalaki at mukhang napakayamang kastilyo ay naroon ang iba't-ibang uri ng nilalang. May mga ganito din sa 7th, pero mukhang mas mayaman talaga at mas maunlad ang 9th.


Hindi pa din ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Tizo na masama sina Ace. Pero di ko pa din maiwqasan na magtaka at magduda.


Bakit nila 'to ginagawa?


BAkit ba nila ako pinagaagawan?


Anong bang meron sa akin? Bukod dun sa sinasabi nila na may 'Dala' ako?


Nakapasok kami sa loob, pumasok kami sa isang napakalaking kwarto.


Dito ka muna mananatili. HUwag ka lang gagawa ng kahit ano na makakainis sa kanya.


Sino Sya?


Malalaman mo din. MAghintay ka lang. MAlapit mo na syang makita...muli.


Magsasalita pa sana ako at tatanungin sya tungkol doon, ngunit tumalikod na sya at iniwan ako sa loob ng napakalaking kwarto na yun.


Umupo nalang muna ako sa gilid ng kama.


Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. pagbalijng ko sa may pinto ay nagulat ako ng nakita ko doon si Brave. Seryoso ang features ng mukha nya at may dala syang di ko mawari kung ano.

Dahan dahan syang lumapit sakin dala kung ano man yun.


Brave...

Oh..Magbihis ka. Paltan mo yang damit na yan. Di yan nababagay dito.


Kinuha ko yung dala nya na inabot sakin.


Damit pala yung dala nya. Tumalikod ako sa kanya at hinubad ko na ang damit o. kInuha ko sa aking tagiliran ang damit na bigay nya.


Batid ko na tinitingnan nya pa rin ako kahit nagbibihis na ako ngayon, at konti nalang ay hubad na talaga ako. Dali dali ko nang sinuot yung bigay nya at inayos ang buhok ko. Humarap ako sa kanya. Kinuha nya yung damit na hinubad ko.


Ahm.. Salamat.


Magpahinga ka na muna. Gutom ka na ba?


Hindi pa naman. Gusto ko lang ng makakausap.


Pasensya ka na. Wala kaming tauhan dito na kausapin eh. Malamig nyang usal. Medyo sumakit ang dibdib ko dahil sa naging tugon nya sa akin. Di ako sanay.


Uminit na naman ang mata ko. Ipinilig ko ang ulo ko at ngumiti sa kanya.


Gusto ko lang naman ipahiwatig na gusto ko syang makausap. Pero mukhang di na yun pwede sa ngayon.


Tumalikod na sya at tumungo na ako. Tiningnan ko nalang ang mga nanlalamig kong mga kamay.


Nagulat nalang ako nang may malamig na biglang pumulupot sa aking katawan. Pagtingin ko ay yakap yakap na ako ni Brave.


Mahigpit, At mukhang sabik na yakap ang binibigay nya sa akin ngayon.


Niyakap ko na din sya pabalik at di ko na napigilan ang mga luha ko.


Brave... Usal ko habang nagiiyak. Batid ko na nanginginig na ako sa sobrang kakaiyak ko ngayon. Sobra ko syang namiss.


Sobrang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito. Ang mahagkan ko ulit ang kahit isa manlang sa kanila.


Tiara,. Pasensya ka na... Di namin sinasadya lahat na nangyayari ngayon. Di namin gusto 'to. Hinding hindi.. Lalo akong naiyak ng naramdaman ko sa aking leeg ang mga luha mula kay Brave.


hindi ko sya maintindihan. Ano ang hindi nila ginustong mangyari? Pinipilit lang ba sila na gawin ang mga 'to? Pero.. paano? Nino?


Brave? Anong ibig mong sabihin? Sinong naguutos sa inyo? BAkit kayo nasunod?


Hindi mo pwedeng malaman.. Pasensya ka na Tiara.. Pero malalaman mo din yun sa tamang panahon. Pero hindi ngayon. Pakiusap. Makinig ka sa akin. Huwag kang makikipagusap sa kahit sino dito. Maliban sa amin ni Ace.


Hindi Pa man ako nakakasagot ay bigla nalang syang nawala.


Humiga nalang ako sa kama at muling inisip ang mga sinabi at nangyari kanina.


Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon