Walang sabi sabi ay biglang tumulo ang wagas kong mga luha.
Parang di ki matanggap ang nakikita ko.
Masakit sa mata na makita ang mga imahe, pero di ko alam kung bakit di ko maalis ang mga tingin ko sa asul na likido.
Napalingon sa akin si Ace, at agad syang lumapit at hinagkan ako.
Yumakap ako pabalik. Sinubsob ko ang mukha ko sa malamig nyang dibdib at lalo pang umagos ang bawat luha.
Ace...
Shh...
Everything will be in its proper place...
Bakit? Anong nangyayari?
Wala.. wala.. wag ka nang timingin... at tanging hagulhol lang ang naisagot ko sa kanya.
Shit.. Brave.. tayo na... fuck.rinig ko ang mahihinang asik nya kay Brave.
Nagulat pa ako ng binuhat nya ako na para kaming bagong kasal.
Pero di na ako umaangal. Yumakap nalang ako sa leeg nya at pinagpatuloy ang aking pagiyak
Alam kong wala itong maidudulot na maganda at lalo nang di ko na mababago ang sitwasyon namin ngayon kahit maglabas pa ako ng sandamakmak na luha.
Sumakay na ulit kami sa sasakyan at nanatili akong nakayuko at nakapikit.
Umalis na kami sa lugar na yun.
Ace...
Hmm?
Puntahan natin sila.. muntik na akong mapasubsob sa unahan sa biglaan nyang pagpreno. At naramdaman ko na napako ang tingin nilang dalawa sa akin.
Ano? Di makapaniwalang tanong ni Brave.
Si Ace naman ay bumuntonghininga lang pagkatapos ay pinaandar na ulit ang sasakyan..
No. Matigas na sabi ni Ace.
Tumungo nalang ako at di na muling nagsalita.
Pagkadating namin sa bahay ay agad akong bumaba at inunahan silang dalawa.
Nakikinig ko pa si Brave na tinatawag ako ngunit di ko na sila nilingon pa.
Dirediretso na ako sa kwarto ko at nagpalit lang ng pantulog at sumalampak na agad sa kama.
-----
Cade!!! T*ngna mo!!! Bumalik ka dito!!!
Ace!!! Ayan na sila!
Shit!!! Asan na si Tiara?! Di natin sya pwedeng iwan!! Di ko kaya!!
Ako din naman Ace, pero wala na tayong oras.. di naman siguro sya papabayaan ni na Dean!!
Gago ka ba?! Di mo pa ba nakikita kung paano nila tayo pinagkakanulo sa 9th?!
Brave!!! Ano ba!? Shit...shit...shit!!!
Acee!!!!
Hey!! Tiara!
Oh my!!! Brave.... susko! Panaginip na naman pala.asan si Ace?
Uh... nandon sa baba...
Tara... agad ko syang hinigit pababa ng kwarto at nagtungo sa sala.
Ace!! Sigaw ko pagkakita palang kay Ace na nakaupo sa sofa.
Agad akong dinapuan ng hagas sa itsura nya. Ngayon ko lang din napansin ang itsura ni Brave.
Iba ngayon ang mga mukha nila. Parang halo halong galit, poot, inis, kaba at pag aalala.
Anong nangyari? Tanong nya at nilapitan ako para bigyan ng halik sa noo, napansin ko ang pagyuko at pagiwas ni Brave ng tingin.
**************************
To be continued blooders!
Just scroll down or turn your page and you'll see...

BINABASA MO ANG
Bloody Lust Love
VampirgeschichtenThe world that you used to live, is also the world that betrayed you... The world that you think that didn't exist, is the real world for you. They have lust in Blood, and you lust in Love... WHICH WOULD YOU TAKE?! Miyamimi...