Bloody Problem

311 4 0
                                    


Kapansin pansin na ang pagigig abala ng bawat isa dito sa 7th.

Tuwing lalabas ako ng silid ni Tizo, ay makikita ko sa bawat pasilyo ang bawat nilalang na narito na may kung anu-anong dala.

Kahit si Tizo ay bihira na din akong makasabay sa pagkain dahil sa mga inaasikaso nya.

Lahat kami dito ay nagahahanda sa nalalapit na digmaan. Sobra akong natatakot sa maaaring mangyari sa lahat.

Dahil ayon kay Tizo ay kahit ang mga babae ay makikipaglaban din kung sakali. Gusto ko mang tumulong ngunit baka maging pabigat pa ako pag nakialam pa ako sa kanila. At isa pa walang akong kaalaman kung paano makipaglaban.

Nagulat nalang ako nang biglang pumasok yung babaeng may kulay asul na buhok sa kwarto.

Uhm... Ang sabi po ni Mahar Reima ay pumunta daw po kayo sa tanggapan. Nandun po sya,naghihintay.

Ahh..sige. susunod na ako.

Pagkatapos nyang lumabas ay inaayos ko lang ang sarili ko at lumabas na. Dumeretso ako sa tanggapan. At pagkapasok ko ay nakita ko na parang may pagpupulog na nagaganap. Kaya dahan dahan akong pumasok ng tuluyan.

Agad naman nilang naramdaman ang presensya ko at nilingon din ako ni Tizo at nilapitan.

Pinaupo nya ako sa tabi nya. At binigyan nya ako ng tipid na ngiti bago nagpatuloy sa kanilang pag-uusap. Nandon lang ako tahimik na nakikinig sa kanila.

Bakit di nalang tayo pumunta sa 9th at kausapin sila? Sabi nung isang medyo bata pa.

Di yun pwede. Baka di pa tayo halos nangangalahati sa pag-alis ay wala na tayong buhay. Alam mo naman kung gaano sila kasama. Ang sabi naman nung katabing babae ni Tizo.

Hindi tayo pwedeng kumilos nalang ng basta basta. Sabi ni Tizo sa lahat. Ganun na ba kasama ang pamahalaan ng 9th?

Eh anong gusto mong mangyari?! Maghintay nalang tayo dito na salakayin nila?! Di ko na alam kung sino ang nagsasalita dahil sa dami ng bulungan.

Sa ngayon, makiramdam muna tayo. Hindi pwedeng tayo ang lumabas na masama dito. Baka bumitiw ang ilang kaalyansa. Ang paliwanag sa kanila ni Tizo. Ang ilan ay halatang di nasangayon dahil panay ang iling nila at medyo dismayado ang mukha nila dahil sa naging desisyon ni Tizo.

Kinapitan ko sya sa kamay at humigpit lang kapit nya pero di manlang ako tiningnan. Nakita ko din na kumuyom ng bahagya ang kanyang panga.

Ano na bang nangyayari?! Nasan na sina Ace,Brave,Cade at Dean? Nasan na ang apat na yun na syang nag-alaga sakin nung mga panahon na wala akong ibang kadamay?!

Tas ngayon kung kailan nakahanap ako ng bagong mag-aalaga sakin ay iiwan ko na lang ba sila?

There's a pang of guilt that suddenly hit me!

Di ko namalayan na wala na palang tao sa tanggapan at hinihintay nalang ako ni Tizo. Di ko na nasubaybayan ang naging usapan nila.

Nginitian ako ni Tizo at tumayo na ako. Dumeretso kami sa silid at humiga sya dito pag kapasok pasok namin. Parang pagod na pagod sya. Naawa naman ako bigla.

Umupo ako sa tabi nya. At pinadaanan ng aking mga daliri ang kanyang buhok.

Ngumiti sya sakin ng malungkot.

Okay ka lang?

Ahh.. pwede na.

Anong pwede na? Magpahinga ka na muna. You've done a lot today. Kaya na siguro nila yun.

Hinuli nya ang kamay kong nasa buhok nya nya at hinalikan ito, ngumiti nalang ako. Kahit na ano gagawin ko,, maibsan ko lang ang pagod nya ngayon.

Humiga ako sa tabi nya at niyakap nya ako.

Biglang may kumatok kaya napatayo ako para buksan kung sino yun. Nakahiga pa din dun si Tizo at hinihintay kung sino yun.

Pagkabukas ko ng pinto ay isang lalaking kulay puti ang buhok bumungad samin.

May dumating pong sulat galing sa 9th Mahar Reima. At tumungo sya pagkatapos.

Huminga muna si Tizo ng malalim at saka sumunod doon sa lalaki. Ngumiti sya sakin at sinara na ang pinto.

Humiga ako sa kama at agad kong naisip ay ang mukha nong apat na lalaki.

Miss na miss ko na talaga sila,kailangan ko ng paliwanag sa lahat ng ito. Di ko alam kung ano nang nangyari sa kanila. Nasa likod din ba sila ng lahat ng ito?

Di ko alam! Gusto ko na silang makita at hagkan!

Miss ko na ang pagiging masungit ni Ace pero sweet. Si Brave na may pagkamayabang at matigas minsan ulo. Si Cade na cute, at si Dean na tahimik pero madaming alam.

Ngayon ko lang napansin na may luha na naglalandas sa aking pisngi.

Agad kong pinalis sa aking isip at pinahid ang ilang luha na nagbabadya pang lumabas.

Reima!!! Sigaw sa likod ng pinto ng kung sino, at nagulat ako sa nasaksihan ko.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Hello!

I missed you a lot Blooders!

I'm sorry if I took so long!
Thank you for waiting:-)

Miyamimi:-)

Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon