Bloody Prophecy

232 4 4
                                    


Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Ang bigat ng talukap nito pero pinilit ko.

Pagkamulat ko ay agad din akong napapikit dahil sa liwanag. May humawak sa aking tigkabilang braso at inalalayan akong makaupo.

" Tizo?"

"Chame.. Okay ka na ba?"

"Nasan tayo? Nasan sina Ace? Si Brave?"  Nagiwas lang ng tingin sa akin si Tizo. Bigla syang namutla. Parang naghahanap sya ng maaring sabihinm ngunit wala. Nanatili lang syang nakayuko at di makatingin sa akin.


"Tubig"  Sabi ko at agad naman syang tumalima at binigyan ako ng aking hinihingi.

"Pasesnya na... Isa na naman tong pagkakamali. Nadamay ka pa. Amin lang dapat "to eh. Kaya matagal na kitang pinaalis at pinalalyo ay dahil alam ko na na mangyayari "to.. Maniwala ka, pinilit ko silang pigilan ngunit wala akong nagawa.."


" Di kita maintindihan Tizo... Ano bang ibig mong sabihin?"


"Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sayo noon tungkol sa alyansa laban sa 9th?"


"Oo, bakit? Anong meron?"


" Ang alyansang yun ang lumusob sa 9th kahapon"

"Kahapon?"

"Oo.. Magiisang araw kang nakatulog."

" Pero bakit nyo yun ginawa?" 

" Di mo naiintindihan...  Sobrang paskit at hirap ang ginawa noon ng 9th sa mga karatig nitong dimension."


" Pero parang di pa din ata tama ang ginawa nyo."

" Kahit nagsama sama na ang limang dimension, di pa din namin natalo ang 9th.. Sobrang lakas nila. Yan ang nakuha nila sa sobrang pangaakin"


" Kasama ba dun sina Ace?"

" Ang totoo nyan.. Nung isang linggo ko lang nalaman na si Caleb Youngblood pala ang totoong hari sa 9th"

" Ano?! Seryoso ka ba? Si Tito Caleb? NAsan na ang Mommy ko?"

" Oo Chame. Sya nga.. Pero di ko alam kung nasan ang mommy mo. Wala kaming natanggap na impormasyon na may kasama syang babae nang bumalik na sya galing Davao..."


" Pero di yun pwede..  Pero diba walang alam sina Ace dun?"

" Pasensya ka na Chame. Pero imposibleng wala silang alam sa mga pinaggagawa ng tatay nila."


" Pero pag tinatanong ko sila noon ay sabi jila ay di din nila nakakausap si Tito Caleb."


" Wag mo na syang tawaging Caleb..."

" Huh? Bakit naman?"

" Dahil Crono ang totoo nyang pangalan... Kaya pala di ko din agad nalaman ay dahil pinapalitan nya ang pangalan nya"


" Imposible."   Dahil sa lubos akong di makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Tizo ay panay nalang ang iling na nagawa ko. Siguro ay nasasakyan na sya ngayon  dahil sa hindi ko pagtitiwala sa kanya. Pero lubhang mahirap isiksik sa sistema ko ang lahat ng  ito.

Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon