Bloody End?

251 1 0
                                    


Di pa din ako makagalaw sa aking kinatatyuan... 

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ng mga naroong taga 7th. Sina Ace at Brave naman ay puro gali tlang ang nakikita ko.

Nagkakagulo na ngaunit si Tizo ay walang magawa dahil may nakahawak pa din sa kanya.

Di ko na alam. Alin o sino ba talaga ang kalaban dito? Bakit mga taga 7th ang gustong pumatay sa akin kanina. Ang lalaki ng mga ngiti nila kanina habang pinaghahandaan ang aking kamatayan.

Nang sa wakas ay naigalaw ko na ang aking katawan, ay agad akong tumakbo kay Tizo. Nagulat sya ngunit agad akong hinarangan nung dalawang lalaki. Di ko alam kung paano pero bago pa aman sila makalapit sa akin ay may dalawang matilos na bagay na ang agad tumapos sa kanilang buhay.

Nang lumungon ako ay nakita ko si Brave na pinagmamasdan ako.

Lumapit na ako ng tuluyan kay Tizo at kinalas ang tali. Agad nya akong hinawakan at akmang hihilahin palayo sa lugar na yun, pero di ako nagpatinagg sa kinatatayuan ko. Nagulat naman sya dahil dun. Kumunot ang kanyang noo at humigpit ang hawak nya sa braso ko.

Hindi. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun, pero lalo lang syang naguluhan. Huwag kang magalala Tizo, hindi lang ikaw ang naguguluhan sa ating dalawa.

Ang dami kong gustong itanong. Pero di ko magawa. Naninikip na naman ang  dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga at may nagbabadya na ding mga luha sa gilid ng mata ko.

Chame.. tayo na. Di tayo pwedeng manatili dito.

Bakit hindi? 

Chame... Sumama ka na lang please. MAsyado nang delikado.

No. I'll Stay.

No. Chame. You can't do that.

Yes I can. 

Tiara!!! May narinig akong sigaw mula sa malayo at agad bumagsak ang mga luha ko.

Sobrang sarap ng pakiramdam ko ng narinig ko ang boses na yun. Nang akma akong pupunta sa pinaggalingan ng boses ay humigpit pa lalo ang hawak ni Tizo sa braso ko. Kita ko na ang pamumula nito. Napangiwi na ako sa sakit na nararamdaman, nang tumingin ako sa mukha nya ay nakita ko na madilim ito. At halata na di sya nasangayon sa gusto kong mangyari.

Umiling sya at ganun din ang ginawa ko. Napabitiw sya sa gulat at agad akong tumakbo.

Sinalubong ako ni Ace at agad kaming lumabas ng silid na yun.Nakita ko naman si Brave na kasunod na din namin.

Takbo lang kami ng takbo. Di ako nagsasalita. Parang di ko pa kaya. Sa ngayon kahit ang pagsasalita ay napakahirap para sa akin.

Napapansin ko ang maya't mayang pagnanakaw ng tingin sa akin ni Ace.

Nang nakalayo na kami sa 7th, ay tumigil na din kami. Parepareho kaming hinihingal sa layo ng tinakbo namin. Pero wala akong lakas para magreklamo.

Di ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Pero matapos ng nangyari sa loob ng 7th kanina, ay di ko na alam.

May inabot sa aking kulay pulang likido si Brave na nakalagay sa isang maliit ngunit magarang lagayan.

Drink. Utos nya na agad ko namang sinunod. Sobrang sarap sa panlasa nun. Para akong lumulutang habang iniinom yun at parang umiikot ang paligid ko. Ang huli ko nalang natandaan bago dumilim ang lahat ay ang mukha ni Ace na masaya sa di ko laam na dahilan.


---

Nagising ako na may tali ang aking mga kamay. Nakahiga ako sa isang puting kama. iniuli ko ang aking paningin at nakita ko ang madaming nilalang na nagmamasid sa akin. Panay ang bulungan nila. Nakakarindi. Nakakairita.

Bloody Lust LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon