Simula

2.3K 63 16
                                    

Typical Hearts Series: From the series name itself -- typical. A series full of romance clichés. Stories that will mostly talk about family, relationship struggles, career, and second chances.

Mundane Encounters will have an "Arranged Marriage" concept. It's cliché, I know, but I still wanna write something like this. Kung ayaw po ng mga cliché na ganaps o concept, huwag pong basahin ito. Kung gusto pa ring basahin, huwag pong magrereklamo while reading na cliché ang story kasi nga sinasabi ko na rito ngayon pa lang hahahaha! Magpapaulit-ulit lang tayo if ever, ano. I write what I want and I don't care if it's a cliché trope for others and even for myself.

---------------

People don't always get what they want. There were times that I refused to believe in that saying, but right now . . . I felt like I had no choice but to force myself to accept it and to believe in it.

"Mom, ilang beses ko po bang sasabihin? Ayokong magpakasal sa isang taong hindi ko naman kilala! I won't marry someone for convenience!" giit ko kay Mommy.

Napasapo siya sa kaniyang noo -- halatang sumasakit na ang ulo sa paulit-ulit na pagtatalong ito. Pinigilan ko ang sarili na paikutin ang mga mata. Kung may dapat man na ma-stress nang sobra rito, ako 'yon! Ako na pinipilit nilang magpakasal sa isang mayamang negosyante para lang mas maging makapangyarihan at maimpluwensya pa ang pamilya namin.

I couldn't bear to accept and understand the reason why they were arranging me to someone. We were already an influential and powerful family! We had a name in the business world. We were already so big! Why the hell did they still need to sell me off to someone who's also as big as us? Hindi naman na namin kailangan ng ibang malalaking kompanya o pamilya para lang mas umangat!

We could succeed on our own. Our company could thrive on its own without any influential people beside us. Ganito na ba kagahaman ang mga magulang ko para gustuhin nilang mas maging makapangyarihan pa at mas makilala sa buong Asya? At talagang kinakailangan nila akong ipakasal sa iba para lang mangyari 'yon?

I couldn't believe that they were this greedy for money and power!

"Why can't you understand that this is all for your own good, Daezel?" saad ni Mommy.

I sarcastically chuckled and forcefully stood up from the huge Victorian styled sofa placed in the middle of our living room. The large and almost crystal-looking chandelier was peeking down at us -- giving a full-blown brightness all over the wide living room.

"For my own good?" I sarcastically repeated what she had said. "Wala akong nakikitang magandang dulot ng pagpapakasal na 'to para sa sarili ko! And you know I had a boyfriend! I already told you that!"

"Sino? Iyong boyfriend mong hampaslupa na nga, mayabang pa at hindi marunong magbigay respeto? Iyon ba ang ipinagmamalaki mo?" she fired back.

Mas lalong dumiin ang ibinibigay niyang tingin sa akin kasabay ng mas bumibilis niyang paghinga dulot ng iritasyon. Her hooded dark brown eyes were same with mine. Whenever we're feeling angry, our eyes were turning so sharp and more hooded. Halos pareho rin kami ng hubog ng kilay -- manipis ang hugis ngunit mahaba at itim na itim. Ang ilong ko ay kaparehong-kapareho rin ng sa kaniya -- mahaba ang bridge at may katangusan. Sa labi lang kami nagkaiba dahil ang sa kaniya ay manipis samantalang ang sa akin ay namana ko kay Daddy na medyo makapal.

Our features were almost the same, but in terms of our personalities? Sobrang magkaibang-magkaiba kami. Istrikta siya at kadalasan ay malamig sa mga tao. Habang ako ay palakaibigan at madaling makihalubilo. Hindi ko na rin mabilang ang mga pagkakataong sinalungat namin ang isa't isa dahil lang hindi kami pareho ng opinyon.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon