Kabanata 11

1K 39 19
                                    


"Ilang beses ka nang umaalis at pumupunta kina Arlana. I wondered if she's really the reason why you're always going out. Baka kasi . . . siya lang ang idinadahilan mo, pero iba naman pala ang pinupuntahan mo."

Para na namang kinurot ang puso ko nang sabihin iyon ni Cal. Pareho na kaming nakaupo rito sa couch sa library ng bahay upang mag-usap nang masinsinan.

Mukhang napansin niya ang pagdaan ng kirot sa ekspresyon ko kaya bumuntonghininga siya at hinawakan ang kamay ko. The guilt in his face became even more obvious.

"I . . . had you followed," dagdag pa niya.

Umawang ang bibig ko at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Tinangka kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya hinayaan iyon.

"I'm sorry. I was . . ." Malalim siyang nagpakawala ng hininga. "I was d-doubtful. I'm sorry. I know it's so stupid of me--"

"No." Umiling ako. "I understand."

Ilang segundo kaming nagkatitigan. The silence lingered between us as he stared at me with careful and weighing eyes. Tila niya tinitimbang ang nararamdaman ko kaya maliit akong ngumiti at pinisil ang kamay niya upang mapanatag siya na ayos lang talaga at naiintindihan ko naman.

"Go on," I urged. "What happened next noong pinasundan mo 'ko?"

Nagbaba siya ng tingin sa magkahawak naming mga kamay.

"The private investigator told me that there's a newly hired gardener in the Delos Reyes' residence." Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "And that is Dominic Rubio . . . who also happens to be your ex-boyfriend."

Sandali akong napapikit kasabay ng mabigat na pagbuntonghininga. I already had a hunch that he was gonna tell that the moment he said that he had me followed. I just couldn't help but feel a little awful about myself now that I confirmed it.

Kasi . . . parang iba nga naman ang magiging dating n'on sa kaniya. Na bigla-bigla na lang akong naging madalas ulit kina Arlana 'tapos malalaman niya na naroon pala iyong ex ko. Kung ako ang nasa posisyon niya, malamang ay iisipin ko ring ex niya ang dahilan kung bakit siya punta nang punta roon.

"So you think he's the reason why I'm always there? You think we got back together?" paglilinaw ko pa ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong magtunong sarkastiko.

Muli niyang pinisil ang kamay ko at malungkot akong tiningnan. "I'm sorry."

"You don't trust me."

Hindi siya nakasagot. Mas lalo lang binaha ng guilt at lambot ang ekspresyon niya. I sighed again and smiled understandingly at him.

"I'm sorr--"

"Sshh . . ." I immediately cut him off. "You don't have to say sorry for that. I understand, Cal. I . . . understand our situation. Hindi pa natin gaanong kakilala ang isa't isa. Hindi pa malalim 'yong pinagsasamahan natin. Even I, still don't trust you enough."

Tumango-tango siya -- labis na naiintindihan iyon.

"But I am willing to learn how to trust you," dagdag ko pa.

Titig na titig kami sa mata ng isa't isa. Ayaw kong mawaglit ang tingin ko sa kaniya dahil gusto kong maramdaman niya na seryoso at sinsero ako sa mga sinasabi ko. He was looking at me softly and patiently. His eyes were telling me that he'd be willing to listen to me all day long. That no matter how long this talk takes us, he would always be right here to listen and understand.

"Do you want this marriage to work?" I asked.

Kaagad siyang tumango. "Yes."

"Why?"

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon