Kabanata 28

1K 47 1
                                    


Halos isang linggo ang itinagal ng pananahimik ni Dominic tungkol sa motibo niya sa tangkang pagdukot sa akin at tangkang pananakit sa aming pamilya.

Kahit anong piga sa kaniya ng mga pulis ay hindi siya nagsasalita. Ngunit may hangganan din ang lahat. Noong mahuli ang di umano'y kasabwat niya sa lahat ng kasamaang ginawa, tila nawalan na siya ng pag-asa at tuluyan nang isinuko ang lahat.

He tested positive for the drug test. He had been using marijuana and methamphetamine hydrochloride for over a year now. The police said that according to him, he learned using forbidden drugs through his girlfriend, Esmi. She had been a drug addict ever since she was a teen and she was the one who influenced Dominic for using it.

"Mahal daw niya kaya hindi niya natatanggihan. Ayaw daw niyang magalit iyong babae sa kaniya kaya sa tuwing gumagamit ito at pinapagamit din siya, wala na siyang nagagawa." I remembered what the police told Cal and I one time.

Si Esmi ang pinakautak sa lahat ng ginawang kapangahasan ni Dominic sa aming pamilya. Katulad na lang noong unang pagpunta ni Dominic sa bahay kung saan sinasabi niyang ako pa rin daw ang mahal niya. Nagsinungaling pa siya at sinabi sa mga magulang ni Cal na siya ang ama ng ipinagbubuntis ko.

Inutusan siya ni Esmi na papaniwalaing mahal pa niya ako nang sa gano'n ay magkabalikan kuno kami. Kapag nangyari 'yon ay doon na siya magsisimulang manghuthot ng pera mula sa akin para sa kanilang dalawa ni Esmi.

But he failed on getting me back, so Esmi had to think of another plan. Hindi nila ako nakuha sa maayos na paraan kung kaya't idinaan na nila sa santong paspasan. They planned on kidnapping me. They would ask for a million from Callum as a ransom. Ang utos pa ni Esmi kay Dominic ay kapag hindi ako sumama nang maayos at matiwasay, huwag na raw mag-atubili pa si Dominic na saktan ako at puwersahang dakipin.

But Dominic didn't do what he was told. He only kept threatening me that day that he'd hurt me or Calla, but none of it actually happened. He couldn't do it. Ayaw niyang may masaktan kahit isa sa pamilya ko kaya naubos ang oras niya kakakumbinsi sa akin na sumama sa kaniya.

Dominic may have became the worst person I've ever met, but I still got to know him for a short span of time. We were together for months before, so I was given a chance to get to know him. He may look like a rude and arrogant man to everyone else, but he was actually really sweet once you get close to him. He was funny. He liked making people laugh. His humor was one of the things that really got me into him.

He wasn't a bad person, I knew that. He just . . . chose to go to a different way, a different path. He let himself get influenced by someone who only let him down. Sayang. Sinayang niya 'yong buhay na maaari pa siyang magkaroon para lang sa isang taong hindi naman worth it.

Sa ngayon, pareho nang nakakulong sina Dominic at Esmi. Hindi ko alam kung alam ng pamilya ni Dominic sa probinsya ang kinahantungan niya rito pero hindi na para problemahin ko pa iyon. Ang mahalaga, ligtas na kami ng pamilya ko at gusto kong matuto si Dominic sa lahat ng mga pagkakamali niya.

"You think it's better if it's here na lang?" I asked Cal as I pushed the pink side table at one of the corners.

Mula sa minamartilyo niyang hook sa dingding ay nilingon niya ako. "Yup. Baka masyado nang mag-crowd kapag sa gitna ilagay."

I nodded my head in agreement. We were currently designing Calla's bedroom. Ngayon lang kami nagkaroon ng time since manganak ako. Plus the Dominic incident kaya nawalan din talaga kami ng oras na mag-asikaso sa bahay dahil nga tutok kaming pareho sa kaso.

Maayos nang nakapuwesto ang crib ni Calla sa bandang kaliwa ng kuwarto. Sa ibaba nito ay may cute mat na hot pink ang kulay. Sa ibabaw ng crib ay nakasabit ang maliliit na hanging toys na sure akong mae-enjoy ni Calla na tingnan sa tuwing nakahiga siya sa crib.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon