Kabanata 8

917 45 16
                                    


Alas-otso pa lamang ng umaga ay binulabog na ako ng pagri-ring ng cellphone ko. Napapalatak ako at napakamot sa likod ng ulo ko bago dinampot ang cellphone mula sa bedside table. Hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Hel--"

"Daezel! OMG!" Binulabog ng kaibigan kong si Arlana ang pandinig ko.

Kahit gaano pa siya ka-energetic ay hindi ko nagawang tumugon dahil inaantok pa talaga ako. Gusto ko pang matulog! Sabado ngayon kaya walang problema kung tanghali na akong magising!

"Look who just arrived today!" mala-demonyita siyang natawa. "May bago kaming hardinero rito! Wala na kasi 'yong dati naming hardinero kasi nga 'di ba, nagkasakit. Ngayon lang napalitan ng bago."

Tamad akong umirap sa kawalan at muling pumikit. "And what the hell would I do with that, Arlana?"

Muli kong narinig ang bungisngis niya sa kabilang linya. "I'm telling you this because . . ."

May pa-suspense pa siyang nalalaman. Para bang napakaimportante o life changing ng susunod niyang sasabin. My God, Arlana. Ano namang gagawin ko sa hardinero n'yo?

"It's Dominic! Si Dominic 'yong bago naming hardinero! Dominic na ex mo!" Malakas siyang humalakhak.

Kung kanina'y pipikit-pikit pa, ngayon ay tuluyan nang nandilat ang mga mata ko at tila biglang nawala ang antok.

"Ano?"

"Small world nga naman, sis. Hindi ko alam na nag-apply palang hardinero 'yon dito sa amin! Kung hindi ko nakita na dumating kanina, hindi ko malalaman."

Unti-unti akong napabangon mula sa pagkakahiga. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang nakakunot ang noo.

"Seryoso ka ba?" pangungulit ko pa.

Narinig ko ang pagpapakawala niya ng hininga. "Oo nga, sis! See it for yourself! Punta ka rito. Tutal Sabado naman and wala rin naman akong gagawin today."

Hindi ko na pinatagal pa ang pag-uusap namin ni Arlana sa cellphone. Medyo lutang pa kasi ako dahil nga kagigising lang kaya wala akong ibang masabi.

Cal and I had breakfast together. I asked him if he was gonna do something important today and he told me that he'd just read a book and check some of his emails. Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako at nagbihis. Pupunta ako kina Arlana.

Not that I was still giving a damn about Dominic. Tss. He was worthless and a jerk. I still remembered how he cheated on me and how he pushed me away because he was so coward not to fight for me. Pupunta lang ako roon ngayon dahil curious ako kung bakit siya naroon. Mamaya pormahan pa n'on si Arlana e. Alam ko namang hinding-hindi siya papatulan ng kaibigan ko pero ugh! Wala akong tiwala sa buwisit na lalaking 'yon.

Bumababa na ako ng hagdan nang makita ko si Cal sa couch sa living room na nagbabasa ng libro. Nag-angat siya ng tingin sa akin at unti-unting bumaba ang mga mata sa suot ko. Marahil nagtataka kung saan ako pupunta dahil nakapang-alis ako.

I was wearing blue high-waisted jeans and a simple short sleeves white fitted  square neck shirt that was perfectly tucked in my jeans. I chose my white chunky heel ankle strap shoes to match my simple outfit. A grey Chanel handbag was perfect for my look, as well.

"Hey." I sweetly smiled at my husband. "Punta lang ako sa bahay ng friend ko. Arlana, remember? Iyong best friend ko. She attended our wedding."

Tumayo siya mula sa kinauupuan at nilapitan ako. Namulsa siya sa suot niyang jagger shorts. "Saan ang bahay nila?"

"It's in Taguig. I'll text you the exact address, okay?"

Tumango siya. "Alright." Sandali niya muling pinagmasdan ang ayos ko. "Gusto mo bang ihatid na kita?"

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon