Kabanata 22

901 36 11
                                    


Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang o talagang totoo kong nakita si Dominic noong isang gabi. Medyo malayo-layo kasi ang street light post na 'yon mula sa bahay at madalim na sa parteng iyon.

Naaninag ko lang na may nakatayo roon at nakatingin sa direksyon namin. The fist person who crossed my mind was Dominic, my ex. The man that I saw the other night had the same built as him.

I wasn't also taking the possibility away that it might just someone who looked so much as him. Baka ibang tao naman 'yon na naliligaw lang. Kasi kung si Dominic 'yon, ano namang ginagawa ng isang 'yon dito sa neighborhood namin? Hindi ba't nagpakalayo-layo na nga 'yon?

Matapos siyang palayasin nina Arlana dahil sa pagnanakaw niya, naglaho na siyang parang bula. Malamang ay nasa isang probinsya na 'yon ngayon para lumayo sa mga kasalanan niya rito sa Maynila. Ang kapal naman ng mukha niya kung babalik pa siya rito at guguluhin ulit ang buhay ng mga taong pinerwisyo niya noon.

Huwag ko lang talaga siyang makita-kita rito dahil naku, isusumbong ko siya kay Arlana! Talagang ipahuhuli na siya ng kaibigan ko sa mga pulis sa oras na magpakalat-kalat siya.

"Hon, lunch is ready," pagtawag sa akin ni Cal mula sa hapag kainan.

Pinatay ko na muna ang TV at dahan-dahan nang tumayo mula sa couch sa living room. It was a Saturday that's why Cal and I were just staying home. I wanted to go to the mall sana kaya lang naisip ko, baka mahilo-hilo na naman ako habang naglalakad. Ayaw rin ni Cal dahil alam niya kung gaano kaselan ang pagbubuntis ko.

"Dadaan nga pala sina Mommy dito mamaya. Malag-lunch daw sila sa labas ni Daddy at bibilhan na rin tayo ng pasalubong," si Cal habang kumakain kami.

Napatango-tango ko. Sobrang spoiled na talaga kami sa mga in-laws namin. Kung ano-anong mga ibinibigay at ibinibili para sa amin, lalong-lalo na sa baby. Para tuloy hindi na namin kailangang bumili ni Cal ng mga gamit para sa baby dahil lahat yata ng puwedeng magamit nito ay nabili na ng mga magulang namin.

Pagkatapos naming magtanghalian ni Cal, naligo na muna siya habang ako ay naghanap ng ibang mapagkakaabalahan. I knew that I shouldn't do a lot of things because of my pregnancy, but I promised that I wouldn't do much.

Nagwalis-walis ako nang kaunti sa harap ng bahay. Binuksan ko ang malaking gate upang doon sa labas dalhin ang lahat ng nawalis ko. Wala naman gaanong dumi kaya halos wala rin akong nadadampot sa dust pan.

"Daze . . ."

Nagyelo ako sa aking kinatatayuan nang sakupin ng isang pamilyar na boses ang aking pandinig. Matagal na segundo bago ako unti-unting nakatayo nang maayos mula sa bahagyang pagkakayuko gawa ng pagwawalis.

Inangat ko ang matatalas kong mga mata kay Dominic. Hindi ako nagkakamali dahil boses pa lang, alam na alam kong siya. Mas nakumpirma lang iyon ngayong nakita ko mismo ang kaniyang itsura.

Sandali ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang payat-payat niya na noon ngunit mas lalo pa siyang pumayat ngayon. Lalong nangitim ang balat. Parang tuyot. Ang malaking t-shirt na suot ay tila nakasampay lamang sa kaniyang katawan.

Ang lalim ng mga mata niya at nangingitim ang ilalim. Tila rin nawala ang laman ng mukha dahil sa sobrang kapayatan. Ang dumi niyang tingnan. Hindi ko malaman kung saang lupalop siya nanggaling o kung anong mga pinaggagagawa niya para maging ganito ang itsura niya.

Sobrang napakalayo niya na roon sa Dominic na nakilala at nagustuhan ko noon. Tila ako nakaharap sa isang estranghero ngayon.

"A-Anong ginagawa mo rito?" natataranta kong tanong. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Bakas sa tono ng boses ko ang panginginig at bahagyang takot. Hindi niya ako masisisi dahil para akong biglang natakot sa kaniya. Bigla-bigla na lamang siyang sumulpot dito out of nowhere! I didn't know how he knew this place!

"Daze, mag-usap tayo." Nagbaba siya ng tingin sa maumbok kong tiyan.

Humakbang siya papalapit kaya mabilis akong umatras.

"Anong pag-uusapan natin, nahihibang ka na ba?!" Tinangka kong isarado ang malaking gate namin ngunit pinigilan niya ako.

"Sandali lang, Daze! Kausapin mo ako! Para namang walang tayong pinagsamahan e!"

Oh my God? Was he insane? Sa tingin niya ba ay may pakialam pa 'ko sa maikli naming pinagsamahan noon gayong ang daming niyang perwisyong ibinigay sa akin at sa mga tao sa paligid ko?!

"Umalis ka! Wala akong pakialam sa 'yo! Gusto mo ba ay tumawag pa 'ko ng pulis? O kaya tatawagan ko si Arlana at sasabihin kong nandito ka! I'm sure na talagang ipadadampot ka na n'on sa mga awtoridad!"

Pilit kong isinasara ang gate ngunit patuloy niya ring pinipigilan.

"Ano ba!" sigaw ko.

"Pakinggan mo muna ako--"

"Get the fuck out!"

"Nagsisisi na 'ko sa lahat ng nagawa ko! Lalong-lalo na sa 'yo! Sorry dahil nasaktan kita. Sorry dahil nakipaghiwalay ako. Nagsisisi na 'ko--"

"Magsisi ka man o hindi, wala akong pakialam! Hindi mo na dapat ako ginugulo!"

Mukhang mas may lakas pa rin siya kaysa sa akin sa kabila ng kapayatan niya dahil muli niyang nahila pabukas ang gate. Halos matangay pa ako dahil nakahawak pa rin ako roon.

Nanlaki ang mga mata ko at nagtayuan ang balahibo nang walang ano-ano'y lumapit siya at hinawakan ako sa braso. Ang magaspang at madumi niyang mga kamay ay tila sumusugat sa malambot kong balat.

Ew!!!

"Let go of me--"

"Mahal pa rin kita! Ngayon ko napagtanto na mahal pa rin pala kita!" Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang desperasyon na ipaintindi sa akin ang sinasabi. "Iniwan na 'ko ni Esmi dahil nawalan ako ng trabaho at wala nang pera. Doon ko napagtanto na hindi niya 'ko pinahahalagahan. Ikaw lang ang tanging--"

Naputol ang tuloy-tuloy niyang pagsasalita nang malakas na lumagapak ang palad ko sa pisngi niya. Nanginginig ang mga kamay ko at bumibilis na ang paghinga dahil sa namumuong iritasyon at stress sa mga pinagsasasabi niya.

"Nahihibang ka na! Anong akala mo sa 'kin, tanga?" Nagtagis ang bagang ko. "You're crawling back to me just because your woman left you?! Ang kapal ng mukha mo!"

Nanlilisik pa rin ang mga mata niya ngunit hindi na siya makatingin pa sa akin nang diretso.

"Talaga namang nagpunta ka pa rito, ha? Did you really expect that I'd get back to you? That I'll really accept you? You're crazy! Bukod sa wala akong nakikitang rason para balikan ka, may asawa na 'ko at magkakaanak na kami! Maayos ang buhay ko kaya huwag mo nang guluhin pa! Kung miserable ka, huwag ka nang mandamay!"

Magsasalita sana siya ngunit pareho kaming napatingin sa sasakyan na unti-unting pumarada sa harap ng bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkataranta nang lumabas mula roon ang mga magulang ni Cal.

Dominic immediately held me tighter on my arms as he suddenly spat a disgusting lie in front of my in-laws.

"Pananagutan ko ang batang dinadala mo! Ako ang ama niyan kaya natural lang na akuin ko ang responsibilidad! Huwag mong ipagkait sa 'kin ang anak ko, Daze!"

Hindi ko muling napigilan ang palad ko na lumipad patungo sa pisngi niya. Sina Mommy Lily ay gulat na gulat at naguguluhan kaming pinanonood. Sa kabila ng malakas kong pagsampal kay Dominic ay hindi siya natinag sa tuloy-tuloy niyang kahibangan.

Tumingin siya sa mga magulang ni Cal. "Isalba n'yo na ho ang anak n'yo sa mga kasinungalingan at panlilinlang ni Daezel. Bago sila ikinasal, may relasyon kami! Ako ho ang ama ng batang dinadala niya!"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon