Kabanata 21

922 40 2
                                    


Sa tuwing may hindi kami pagkakaintidihan ni Cal gawa ng pagbubuntis ko, kadalasan ay siya ang unang nagso-sorry. He didn't want me to get more upset. He was always worried that it might affect me badly.

Kapag medyo kumalma-kalma na ako, nagso-sorry rin naman ako sa kaniya sa naging behavior ko. Ganoon palagi. After short and calm arguments, we would eventually resolve it by apologizing and by explaining our sides in a calmer and proper manner.

Pansin ko na magmula noong nabuntis ako ay madalas kaming nagkakaroon ng pagtatalo. Hormones. The doctor said that it was normal for me to feel irritated, grumpy, and mad most of the time without any reason at all. That was all part of pregnancy according to my OB.

Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit magmula nang mabuntis ako ay parang palagi ko na lang naaaway si Cal. Then I'd eventually feel guilty in the end because all he ever did was be nice and be gentle to me.

"Caaaal! Hi! I cooked breakfast!" ngiting-ngiti kong saad sa asawa ko nang nahanap ako ng mga mata niya sa hapag kainan.

Today, I wasn't grumpy and I didn't want to get annoyed with him. I wanted to show him that today's gonna be a good day because it's October 17, his birthday!

Agad siyang napangiti kasabay ng paglapit sa akin. Inaayos ko ang mga pinggan sa lamesa nang mahigpit niya akong yakapin mula sa likod. I giggled when he sniffed on my neck before kissing my cheek.

Umikot ako upang maharap siya nang maayos. "Happy thirty-first birthday!"

I almost jumped to hug him tight, but he was quick to stop me from jumping. Oo nga pala't baka mapa'no ang baby.

"Thank you, baby," malambing niyang tugon at niyakap na rin ako pabalik. "Don't try to jump again next time, okay? Be careful."

I just giggled and rained kisses on his cheeks and jaw.

Habang kumakain kami ng almusal ay napag-usapan namin ang mangyayaring maliit na selebrasyon dito sa bahay mamayang hapon. His parents would come, as well as my parents and my brother Kuya Lorenz.

Last week ay tumawag si Mommy Lily, ang mom ni Cal upang magtanong kung anong plano naming mag-asawa para sa araw na ito. Ayaw ni Cal ng enggrandeng selebrasyon. Gusto niya ay iyong kami-kami lang daw, ayaw niya nang maraming bisita.

"I'm sure your parents miss you so much. Medyo matagal-tagal na rin natin silang hindi nakikita," I said before I took a sip on my hot chocolate drink.

"I miss them, too. They're so excited about our baby. Sa tuwing tatawag sa akin si Mommy ay iyon palagi ang bukambibig."

Naku, para rin palang sina Mommy. Hindi pa ipinapanganak ang baby, parang mas mahal na nila ito kaysa sa 'kin. Mamaya 'pag nagpunta ang mga 'yon dito, malamang ay ang baby sa tiyan ko ang unang-unang kukumustahin.

At hindi nga ako nagkamali.

"OMG, sobrang laki na pala ng tiyan mo!" si Mommy na kadalasan ay walang imik at seryoso ay ang siyang unang-unang nag-react pagkakitang-pagkakita niya sa akin.

I sighed and stared at her smiling widely from ear to ear. She touched my tummy as if she wanted to feel some kick coming from it.

"We're starting to buy baby stuff, hija. I suggest huwag na kayong masyadong bumili ni Cal dahil kami na ang bahala ro'n."

I sighed again and tried my best not to roll eyes. "Mom, anak namin 'to ni Cal. It's our responsibility. You don't have to provide for everything."

Sandaling naglaho ang ngiti niya ngunit unti-unti rin namang bumalik. "We're just so excited to see our grandchild. Pagbigyan mo na kami ng daddy mo."

Now that she mentioned about excitement, I suddenly started to wonder if there was even a time that she had shown enthusiasm with Kuya and I. Parang wala akong natatandaan. She was too cold and very proper. Daig niya pa ang bato.

Mukhang napansin niya ang kawalan ko ng mood kaya tahimik siyang bumuntonghininga at marahang sinuklay-suklay ang buhok ko.

"Darling," panimula niya. "I know that I usually don't show my feelings to everyone including my family, but I want you to know that I'm really happy for you. I'm beyond ecstatic knowing that you're happily building a family of your own."

I had to admit that something touched my heart when she said those words. Her eyes looked sincere and genuine, as well. It was as if she felt . . . contented and peaceful with the fact that I was happily living with Cal.

Hindi ko alam ang sasabihin dahil nasanay akong wala ring ipinapakitang affection sa kaniya dahil sa personality niya. Mabuti na lamang ay nilapitan kami nina Mommy Lily at Daddy Andres, Cal's parents.

Katulad ng gusto ni Cal, talagang kami-kami lang ang nag-celebrate ng birthday niya. Naghanda kami ni Ate Jovie ng mga pagkain at may mga dala rin naman sina Mommy at ang parents ni Cal kaya higit pa sa aming lahat ang mga handa.

"How's the birthday boy?" I snaked my arm around Cal's waist who was currently sipping on his wine.

Inakbayan niya ako at magaang hinalikan sa tuktok ng ulo bago sumagot.

"Happy. Thanks to my gorgeous wife who organized this celebration."

I chuckled and hugged him using my other arm. I looked at our parents talking and laughing in the living room. Looked like they were having such a fun time. Parang habang patagal nang patagal ay mas nagiging malalapit sila sa isa't isa.

Ang saya pala sa feeling na parehong okay sa isa't isa ang mga magulang ng dalawang mag-asawa, 'no? Ang gaan ng mundo.

"Kaya lang, anong oras kaya sila aalis? Gabi na, o? Nine-thirty," dagdag pa niya. "Gusti na kitang masolo."

I lightly hit his stomach as I felt my cheeks burning up. "Very clingy ka talaga! Araw-araw mo na nga akong nasosolo. Ngayong araw lang hindi gaano."

His short manly laugh serenaded my ears. "Can't help it. I just wanna have you all by myself every second."

Ugh. So clingy na hubby!

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ang mga magulang namin. Ang tagal pa ng paalaman bago sila makaalis kaya ang tagal naming lahat sa harap ng gate ng bahay. Kung ano-ano ang mga bilin sa akin ni Mommy. Nakakapanibago nga dahil never yata siyang naging ganito ka-concern sa akin. Tuwang-tuwa lang siguro talaga siya na magkaka-baby na ako at magkaka-apo na sila ni Daddy.

Sus. Kung alam ko lang na apo lang pala ang gusto nila noon pa, e 'di sana matagal na akong nag-adopt na lang. Kaso . . . ayaw ko rin naman talagang mag-alaga ng bata, noon hanggang ngayon kaya imposible rin palang mag-adopt ako.

"Finally," si Cal na agad ipinulupot ang braso sa akin pagkaalis na pagkaalis ng mga in-laws namin. "Solo na naman natin ang bahay."

Napahagikgik ako nang pinupog niya ng halik ang pisngi ko pababa sa leeg.

"Cal! Behave ka nga!"

Maikli akong napatili nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat na parang prinsesa. Kaagad akong kumapit sa batok niya habang natatawa sa kaharutan niya.

"Can't promise to be slow and gentle tonight, Daezel. Kanina pa 'ko nagpipigil."

Mas lalo akong napahalakhak at mas lalo siyang niyakap. Nang ipatong ko ang babâ ko sa kaniyang balikat, awtomatiko akong nahinto sa pagtawa nang maaninag ang isang pamilyar na bulto ng lalaki na nagtatago sa isang poste sa labas.

Hindi nawala ang tingin nito sa direksyon namin hanggang sa tuluyan kaming makapasok ni Cal sa loob ng bahay.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon