Kabanata 20

996 52 15
                                    


Nagising ako isang umaga nang wala si Cal sa tabi ko. Nag-ayos lang ako sandali ng sarili. Hindi ko na pinalitan ang suot kong yellow sundress dahil kagabi ko lang naman ito isinuot bago matulog. Bumaba rin ako agad upang hanapin si Cal.

I couldn't find him in the living room. He wasn't at the kitchen, as well. When I was heading back to the dining, I heard a harsh splash of water coming from the pool area near the veranda.

Napahimas ako sa aking tiyan dahil mahinang sumisipa ang baby. Naglakad ako patungong veranda at lumabas mula sa sliding door. Naroon ang asawa kong siyang pinakaunang hinanap ko pagmulat na pagmulat pa lamang ng aking mga mata.

Nang marating niya ang pinakadulo ng pool ay muli siyang lumangoy pabalik sa pinakaunahan. I stayed at the doorway as I watched his strong arms and broad shoulders getting tightened with every stroke he did.

I crossed my arms and it seemed like I was watching a very interesting show. My eyes started to get drowsy as heat suddenly engulfed my being. I unconsciously bit my lower lip then bit the tip of my forefinger a second later.

Nang umangat ang ulo ni Cal mula sa tubig ay doon niya pa lamang ako napansin. Mabilis kong ibinaba ang kagat-kagat kong daliri at nahihiyang ngumiti sa kaniya.

"Kanina ka pa ba d'yan?" tanong niya at tuluyan nang umahaon mula sa pool.

"N-ngayon lang," nauutal ko pang sagot nang mapasadahan ko ang maganda niyang katawan noong umahon siya.

Hindi naman mainit ang panahon pero para akong pinaliligiran ng apoy. Basang-basa ang katawan niya at lamig na lamig sa tubig ngunit tila ba may apoy siyang ipinapasa sa katawan ko. Hindi ko maintindihan.

"Your sex drive might also increase. Don't worry, it's normal. That's part of your hormones," bigla kong narinig sa utak ko ang sinabi sa akin ng OB-gyne.

Napatingin ako kay Cal na tahimik lang din na nakikinig sa sinasabi ng OB. Naabutan ko siyang nakatitig na sa akin. Naramdaman ko ang biglaang pag-iinit ng mga pisngi ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nang pasimple muli akong tumingin sa kaniya ay huling-huli ko ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mukha.

Ilang beses akong kumurap upang mabalik ang atensyon sa kasalukuyan. Nasa harapan ko na si Cal at tila ba kanina pa akong pinagmamasdan. Lumunok ako at pinilit ang sariling huwag nang magbaba pa ng tingin sa nakabalandra niyang katawan.

"Are you okay?" He tilted his head as he watched me carefully.

Tumikhim ako at awkward na napangiti sa kaniya. "Y-yeah."

Mabagal siyang tumango na parang ayaw pa akong paniwalaan. Hindi nawala ang titig niya sa akin. Kahit pa noong nagpupunas siya ng basang buhok gamit ang tuwalya ay patuloy ang mataman niyang paninitig. Wala sa sarili akong napakagat nang bahagya sa pang-ibabang labi ko at sandaling nag-iwas ng tingin.

"Get dressed, will you?" saad ko nang hindi ko na matiis.

Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Gusto kong nakikita ang nakabalandra niyang katawan pero may parte sa akin na ayaw dahil baka hindi ko mapigilan at hilahin ko siya paakyat sa kuwarto namin.

He chuckled at what I said and when I turned to look at him again, the smirk on his face was mirroring the amusement in his eyes.

"Why, Daze? I thought you like me naked?" mapang-akit pa niyang saad.

Ang buwisit na 'to!

"S-shut up." Mas lalo na akong hindi makatingin sa kaniya.

Ramdam na ramdam ko na ang pag-iinit ng pisngi ko. Pakiramdam ko ay uusok na lang ang mukha ko ano mang oras dahil sa pagliliyab.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon