Kabanata 23

921 38 2
                                    


"What is the meaning of this, Daezel?" nagpipigil ang tono ni Mommy Lily ngunit bakas na bakas sa mukha nito ang gulat at pagkamuhi.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Unti-unti na ring namumuo ang luha sa mga mata ko dulot ng halo-halong emosyon. Galit para kay Dominic. Frustration at stress sa nangyayari. At desperasyon na hikayatin ang mga magulang ng asawa ko na huwag maniwala sa kahibangan ni Dominic.

"Don't believe this liar, Mommy Lily. He's only here to cause trouble! Wala pong katotohanan ang mga pinagsasasabi niya!" paggigiit ko.

"But is it true that this filthy man is your ex-boyfriend?" mas lalong nabahiran ng galit ang tono ng boses ni Mommy Lily.

Bahagyang nangatal ang mga labi ko. Ang dibdib ko ay parang sasabog dahil sa mabilis na pagkabog ng aking puso sa mga pinaghalo-halong emosyon. Nagpalipat-lipat sa amin ni Dominic ang tingin ni Daddy Andres habang si Mommy Lily ay hindi nawawaglit sa akin ang mga mata.

"Y-yes, but--"

"Oh my God!" Nasapo niya ang kaniyang noo. "Where is my son?! Cal!"

Nagdire-diretso si Mommy Lily sa bahay namin habang tintatawag ang pangalan ni Cal. Ilang segundo pa akong tinitigan ni Daddy Andres na tila naghihinala bago siya sumunod sa loob.

Muli kong ibinaling ang nanggagalaiti kong tingin sa hayop na si Dominic. Naabutan ko siyang nakangisi ngunit matalim ang tingin. Tila nangati ang mga palad ko at muli na namang lumipad patungo sa mukha niya. Pinaghahampas ko siya sa mukha at dibdib at buong lakas na itinulak.

"Umalis ka na kung ayaw mong tuluyan na 'kong tumawag ng mga pulis! Alis!"

Ipinagtulakan ko siya papalayo at hinahayaan niya na lang ako.

"Don't you ever show your face here again! Get lost!"

Matalim niya 'kong tinitigan bago ako idinuro. "Hindi pa tayo tapos."

"Go to hell!"

Nang masiguro kong nakalayo na siya ay mabilis kong isinarado ang gate ng bahay at nagmamadaling pumasok sa loob. Bumagal lamang ang mga hakbang ko nang makita kong naroon na si Cal sa sala habang kausap ng mga magulang niya. Ramdam ang buong tensyon sa buong bahay.

"What are you talking about, Mom?"

"That child is not yours! Daze is fooling--"

Natigilan si Mommy Lily nang makita ako. Muling nabalutan ng muhi ang mga mata nito.

"Bakit hindi ikaw ang magsabi sa asawa mo ng totoo?" direkta nito sa akin.

Nangunot ang noo ko sa kaniya. Si Cal ay nagtungo sa direksyon ko ngunit hindi tuluyang lumapit. Ilang segundo ko siyang tinitigan. Bakas ang lito sa ekspresyon niya ngunit naroon pa rin ang lambot. Nang ibalik ko kay Mommy Lily ang paningin ko ay napahinga ako nang malalim.

"Totoo? Your son and I are having a baby. This is Callum's child. This is our child! Don't tell me po na mas naniniwala pa kayo sa sira-ulong lalaking 'yon?"

Bumilis ang paghinga nito na para bang mas lalong nagalit. She even took a few steps towards me to prove her point.

"I can't help but be doubtful! Ngayong nalaman ko na may karelasyon ka pala bago kayo nagpakasal ng anak ko, hindi ko maiwasang isipin na baka niloloko mo ang anak ko!"

"Mom, stop it--" pigil ni Cal ngunit nagpatuloy ang kaniyang ina.

"I remember that you don't like Cal. You didn't want to get married, but your parents forced you! Hindi mahirap paniwalaan ang pinagsasabi ng lalaking iyong gayong hindi mo naman gusto ang anak ko sa umpisa pa lang!"

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon