Kabanata 1

1.5K 44 19
                                    


"Daze, hija, are you done?" Kumatok si Mommy sa pinto ng kuwarto ko.

Tamad akong umirap sa kawalan at isinuot na muna ang huling pares ng gintong hikaw ko bago ako labag sa loob na nagtungo sa pinto upang buksan ito. Bumungad sa akin si Mommy na posturang-postura sa suot nitong all white attire -- white slacks, white blouse, and white blazer.

Ang linis niyang tingnan at mukhang pang-mabait ang suot ngunit hindi iyon ang magiging unang impresyon ng mga tao kapag nakita siya. With her natural cold aura, people would surely think that she was mean and unapproachable.

Bahagyang tumaas ang isang kilay niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi siya madalas makitaan ng ekspresyon ngunit ngayon, kita ko sa mga mata niya ang bahagyang galak.

I was wearing a royal blue semi-formal sleeveless dress with a V-neckline and length just below my knees. It complemented my almost milky white skin tone. As for my shoes, I just chose to wear a pair of black 5-inch heels. I wasn't in the mood to wear killer heels tonight. Matangkad naman ako kaya kahit flat na sapatos lang ang isuot ay madadala ko pa rin nang maayos ang sarili ko.

"You look great," puri ni Mommy at ngumiti nang tipid.

"Thanks," tamad kong sagot bago siya tinalikuran upang kunin ang pouch ko sa dresser.

Muli ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin. I didn't wear so much make-up because again, I wasn't in the mood. I didn't find this night special at all, so I didn't need to put so much effort in myself. Light make-up was enough for tonight. May palamuti man sa mukha o wala, maganda pa rin naman ako either way.

I flipped my long black wavy hair before I moved out in front of the mirror. Mommy was still in my doorway as she patiently waited for me. Takot yata na baka hindi na ako lumabas ng kuwarto ko kaya nanatili siya roon.

"Let's go?" she asked.

I just nodded my head and silently sighed. Kairita. Kung ako lang talaga ang masusunod ay talagang mananatili lang ako sa kuwarto ko ngayong gabi. Sila lang naman itong gustong makita iyong mga Astudillo na 'yon e. Wala naman akong pakialam sa mga 'yon dahil ayaw ko ngang magpakasal!

Buong biyahe patungo sa bahay ng mga Astudillo ay nakasimangot ako at sa bintana lang nakatingin. Isang oras ang biyahe and God knew how many times I wished na ma-traffic kami or what. Hinding-hindi ako magrereklamo kahit umabot pa ng forever ang biyaheng ito 'wag lang kaming makarating sa pupuntahan namin.

Kaya nang huminto ang SUV namin sa tapat ng isang malaki at magarbong bahay, halos mag-usok ako sa galit. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na itago kina Mommy ang inis ko. Talagang ipinakita ko iyon sa kanila dahil simula't sapul naman talaga ay alam na nilang hindi ako sang-ayon sa gusto nila.

"I'm very glad to see you all again! Welcome to our humble home." Nakangiti kaming sinalubong ng isang ginang na sa tingin ko'y mas matanda nang kaunti sa mga magulang ko. Maganda ito at napaka-elegante ring tingnan sa suot nitong formal cream dress at nagkikinangang mga alahas.

Binati ito ng mga magulang ko habang ako ay magalang na ngumiti. Of course, manners. No matter how much I didn't want to be here, these people still deserved to be respected. Besides, my attitude wasn't that trashy. Medyo may pagkamaldita sa iilang mga pagkakataon, pero pinalaki naman ako nang maayos ng mga magulang ko kahit papaano.

"Andres, Cal, the Cuervas are already here!" pagtawag ni Tita Lily. "Nasa'n na ba ang dalawang 'to?"

Ilang sandali ay may dalawang lalaking lumabas mula sa dining area. Pareho ring matangkad. Isang sa tingin ko'y nasa sixties habang ang isa ay mas bata at mukha kaedad o mas bata nang kaunti kay Kuya.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon