Kabanata 18

992 44 10
                                    


Dumampi ang mga labi ni Cal sa noo ko nang magmulat ako ng mga mata isang umaga ng Lunes. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas otso na ng umaga.

"Good morning. Eight na pala. We need to get ready for work, Cal."

Marahan niyang hinawi ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha ko bago ako pinaghahalikan sa pisngi.

"Good morning, hon," bati niya pabalik bago nag-landing sa mga labi ko ang mga labi niya. "Don't go to work. Magpahinga ka lang dito sa bahay."

Malaki nang napamulat ang mga mata ko sa sinabi niya. Kunot noo ko siyang tinitigan.

"Hindi naman ako pagod. Bakit kailangan kong magpahinga?"

He chuckled. "You're pregnant, remember? We need to be extra careful starting from now. Kailangan, healthy kayo palagi ni baby."

Oh.

Yeah, right. I'm pregnant nga pala. Hays.

It's been a week since I got out from the hospital when I passed out. The doctor told me that I needed extra rest and that I should get away from stress. Niresetahan din ako ng mga vitamins at in-advise-an ng mga bagay na dapat iwasan at gawin habang nagbubuntis.

Cal took note of everything. Siguro kung wala siya, hindi ko matatandaan ang lahat ng sinabi ng doktor. Mawawala lang din lahat sa isip ko ang mga iyon dahil unang-una, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na buntis nga ako. Pangalawa, parang wala akong gana sa lahat ng mga dapat tandaan.

"Maliligo na 'ko at maghahanda sa pagpasok," ani pa ni Cal. "May breakfast nang inihanda si Ate Jovie sa baba. Mamayang lunch, baka umuwi ako rito para ma-check ka. Sabay na tayong mag-lunch. Okay?"

Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi manatili na lamang sa bahay. Ayoko nang magpumilit pa at baka sumama lang ang pakiramdam ko. Ayaw ko namang magtalo pa kami ni Cal.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng whole body mirror sa kuwarto. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Tumagilid ako upang tingnan kung maumbok na ba ito ngunit flat pa rin. Wala pang kahit anong bakas ng pagbubuntis. Ilang sandali ay bahagya akong napanguso habang iniisip na lalaki na nang lalaki ang tiyan ko sa mga susunod na linggo.

OMG, goodbye, sexy Daze. Hay.

Wala akong magawa buong araw. Puro ako nood ng TV at kain ng kung ano-ano. Mas gugustuhin ko pa talaga na sa office na lang. At least may ginagawa akong designs. Nababagot ako rito sa bahay dahil wala si Cal. Earlier morning, I tried doing some household chores, but Ate Jovie didn't let me.

Kabilin-bilinan daw sa kaniya ni Cal na huwag akong pakikilusin dito sa bahay dahil nga buntis ako. Baka mapaano pa ako. Cal was becoming a bit overreacting, my gosh. Ano namang mangyayari sa akin dito sa bahay namin? Safe naman ako rito.

"I can't do anything because of you," I said while I was caressing my tummy.

Bumuntonghininga ako at naupo sa kama. Sumandal ako sa headboard at nagbaba ng tingin sa aking tiyan.

"What, you want a lazy mommy, huh?"

Tamad kong inikot ang mga mata ko. As if namang sasagot ang isang 'to. Para lang tuloy akong naloloka na nagsasalita mag-isa.

Ilang araw yata ako na nasa bahay lang dahil ayaw talagang pumayag ni Cal na magtrabaho ako. Araw-araw naman din siyang umuuwi tuwing lunch para ma-check ako at makasabay akong kumain. Hanggang isang araw, talagang naburyo na ako at nagpumilit na papasok ako.

"Daze, your pregnancy is very sensitive. Makinig tayo sa sinabi ng doktor. Bawal pa sa 'yong mapagod at ma-stress," mahinahong saad ni Cal nang magpumilit akong papasok na.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon