Kabanata 6

971 46 20
                                    


I looked up the tall building in front of us as Cal continued driving down the parking area of Astudillo Estate building. Nawala lang sa paningin ko ang building nang tuluyan na kaming makapasok sa parking.

"Ready to go back to work, Daze?" he asked as he smoothly parked our car.

I smiled at him before I unbuckled my seatbelt. "Always ready."

Sabay kaming lumabas ng sasakyan at nagtungo sa elevator. Muli kong napasadahan ng tingin ang kabuoan ko sa repleksyon ko sa elevator. I was wearing cream trousers, a wine red silk sleeveless top that was tucked in my trousers and a Louis Vuitton black belt. I matched it with a black platform heels and a wine red Gucci bag, as well.

Cal was wearing usual black trousers, a dark drey polo shirt that was also tucked in his bottom, and a black coat. His attire was simple, but he still looked immaculately good.

Nang makarating kami sa mataas na palapag kung nasaan daw ang parehong opisina namin ni Cal, bawat empleyadong madadaanan namin ay nagkukumahog sa pagbati. Ngumingiti at tumatango rin naman ako sa mga ito.

This was the very first time that I stepped foot in the Astudillo Estate company. Their building was bigger and taller than Cuerva Concepts company, so I already expected that they had more employees than us -- and I wasn't wrong. Kabi-kabilaan ang pagbati sa amin at mas nagtatagal ang tingin sa akin. Halatang ngayon pa lang talaga ako nakita sa personal ng karamihan sa kanila.

"This is your office." Cal stopped in front  of a door in one of the hallways of the floor.

Nagtagal ang titig ko sa door nameplate sa bandang itaas ng pinto.

Daezel Adelei C. Astudillo

Tahimik akong napabuntonghininga. Kailangan ko na yata talagang masanay na iba na ang surname ko. Pati rin siguro pirma ko ay kailangan ko nang baguhin. Makapag-practice na nga sa scratch paper mamaya.

"Hindi ko alam kung nadala na diyan ang lahat ng gamit mo pang-opisina. I suggest you phone your mom," sabi pa ni Cal nang pagbuksan niya ako ng pinto.

Naglakad ako papasok sa sarili kong opisina at agad inilibot ang mga mata. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong pumasok din si Cal ngunit doon lang siya malapit sa may pintuan at sinundan lang ako ng tingin.

Sakto lang ang laki ng opisina. Kulay puti ang pintura ng dingding. Sa tabi ng lamesa ko ay ang floor-to-ceiling glass window. Sa bandang kanan ay ang couch at pandak na coffee table. May bookshelves din sa kaliwang bahagi na may iilang libro at ang ibang espasyo ay pinalamutian na lang ng mga display at maliliit na paintings at frames.

"I like it here," I said before I turned to look at Cal.

Nakapamulsa na ang dalawa niyang kamay sa suot niyang slacks. Isang beses siyang tumango at ngumiti sa akin bago nagsalita.

"Glad you do. Ipinaayos ko na 'to noong isang araw para wala ka nang iintindihin pa kapag nandito ka na."

I smiled. "Thanks, Cal."

"My office is at the far end of this floor. Just call me or go there if you need something."

I walked back towards him. "I wanna see your office, as well."

Bahagyang tumaas ang isang kilay niya. "Right now?"

"Yeah. Bakit, 'di ba puwede ngayon?"

He chuckled and gently tapped the tip of my nose by his forefinger. I scrunched it a little and gave him a giddy smile.

"Puwede naman. E kaso tambak ng mga papel ang lamesa ko. Nakakahiya naman kung makita mo."

Pabiro akong umirap sa kawalan. "Sus! And so what? Not that I'm gonna judge you with that! 'Tsaka ako lang 'to, Mr. Astudillo, ano ka ba!"

Maikli siyang natawa at napailing. "Alright, Mrs. Astudillo."

Hindi ko alam kung bakit nag-init ang buong mukha ko roon. This was the first time I heard him calling me his Mrs. Astudillo.

Nagtungo kami sa kaniyang opisina na ilang hakbang lang ang layo mula sa opisina ko. Mas una niya akong pinapasok doon. Hindi katulad ng sa akin ay mas malaki itong opisina niya. May floor-to-ceiling glass window din sa likod ng lamesa niya. Kulay puti rin ang mga dingding.

His couch was color grey and there was even an LED TV in front. He had his own comfort room and there was a small cabinet just beside the thin and narrow bookshelves. May isa pa siyang table sa kaliwang gilid na may nakalatag na blueprint.

"Told 'ya. My table is a mess." Lumapit siya sa kaniyang lamesa at pinag-aayos ang mga papel at folder na nakakalat doon.

Maikli akong natawa at lumapit. Tanging ang table ang pumapagitan sa amin. I pressed my palms on the table and leaned a little forward to him.

"Sir, I'm not like some client of yours. You can be messy and dirty around me." I gave him a teasing smile. "It's just the two of us."

I noticed how his eyed darkened as his stare pierced straight through me. His brow rose up a little and looked at me more intently.

"Yeah?" A ghost of smirk appeared on his lips. "What kind of messy and dirty stuff do you still like seeing from me?"

Hindi lang yata mukha ko ang nag-init sa tanong niya kundi pati buong katawan na! It wasn't just about the kind of question he asked, but also his tone! It sounded playful and . . . seductive? Ewan ko!

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at pinaningkitan siya nang matagal bago ko siya mahinang hinampas sa balikat. He threw his head back as he laughed.

"Ikaw ha!" akusa ko pa.

Muli siyang tumingin sa akin at itinaas ang mga kilay na kunwari pang hindi alam ang sinasabi ko. "What? Ano bang sinabi ko?"

Sinimangutan ko siya. Muli siyang natawa at nag-iwas na ng tingin.

"Just kidding," he playfully added.

Napanguso ako sa pagpipigil ng ngiti. Ang isang 'to talaga. Sobrang bait niya pero may mga times na sobrang pilyo rin.

*****

Nagsimula na ako sa pagtatrabaho ko sa bago kong opisina. Pinilit ko na ring tapusin lahat ng mga pending ko magmula pa noong ikinasal kami ni Cal. Natambakan na ako ng trabaho kaya naman hindi ko na namalayan na lunch na pala.

"Come in!" sabi ko sa kung sino mang kumakatok.

Natigil ako sa pagtitipa sa aking desktop computer nang sumilip si Cal mula sa pinto. He immediately smiled when our eyes met. I smiled back at him.

"Hi!" bati ko.

"Hi. It's lunch time. Where do you wanna eat?"

Mabigat akong napabuntonghininga at napatingin sa mga tambak kong gawain bago siya muling tiningnan.

"Magpapa-deliver na lang ako, Cal. Dito na ako kakain."

Bahagyang umawang ang bibig niya. "Oh. Uh . . . you sure?"

"Yup. Dito na lang muna ako."

Mabagal siyang napatango at lumiit ang ngiti. "Oh . . . 'kay. I'll go ahead, then. Don't starve yourself."

Malaki akong napangiti. "Thank you! I won't. Eat well!"

Ngumiti rin siya sa akin at tumango bago tuluyang isinara ang pinto.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon