Kabanata 5

1K 54 15
                                    


"Cal, breakfast is ready." Inilapag ko ang mababaw na bowl ng fried rice sa hapag kainan.

"Yeah, coming," sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop.

Kagabi pa siya may ginagawang trabaho sa kaniyang laptop, pero hindi niya yata natapos iyon kagabi kaya ngayong umaga niya ipinagpatuloy. Paggising ko ay naroon na siya sa malaking couch sa living room habang seryosong nagtitipa sa laptop.

Hindi rin nagtagal ay nagtungo na siya sa dining at sabay kaming naupo. Naupo siya sa kabisera katulad ng mga nagdaang araw. Habang ako naman ay nasa kanan niya. I handed him his coffee before I sipped on my hot chocolate. I was the one who initiated to make our morning drinks because I saw how busy he was earlier. But usually, it was him who's making his own coffee and my hot chocolate.

"Do you have meetings for today?" tanong ko bago ako nagsandok ng fried rice para sa kaniya at inilagay iyon sa kaniyang plato.

"Yes. One of those are with your parents. Pag-uusapan namin 'yong mga materyales na gagamitin para sa bagong itatayo sa Tagaytay branch."

Napatango-tango ako at nilagyan naman ng bacon at egg ang kaniyang plato.

"Thank you," aniya sa pagsisilbi ko sa kaniya at nginitian ako nang malambing.

Sinuklian ko siya ng magaang ngiti bago ako naglagay ng pagkain sa aking sariling plato. Ganito na palagi ang bawat umaga ko dito sa bahay namin. Ganuto na palagi ngayong may asawa na ako. Minsan, si Cal ang nagpe-presintang magluto ng almusal pero mas madalas ay sina Ate Jovie na lalo na kapag medyo late nagigising si Cal.

Ako naman, sa tuwing pareho na kaming nakaupo sa dining, ako ang nagsisilbi sa kaniya. Sinasandukan ko siya ng kanin at ulam, at minsan din ay ako na ang naghuhugas ng mga pinagkainan namin kahit na may dalawa naman kaming kasambahay rito.

I knew I wasn't required to do all of that for him and he even told me not to do it, but I couldn't help myself. I wanted to serve him as my husband. I was trying my very best to be a wife despite of not having feelings for him. And I could feel that he was also trying to be a good husband to me. Quits lang.

I respect and value the sanctity of marriage. Kaya nga labis ang iyak ko nang wala na talaga akong magawa para hindi matuloy ang kasal. Iniyak ko na lang lahat kasabay ng pagtanggap ko sa magiging buhay ko. Umiyak ako dahil dito na ako habambuhay kasama si Cal. Wala na akong magagawa. The only thing I could do was to give it a try.

Kahit napilitan lang akong magpakasal, kailangan ko pa rin itong pahalagahan. Kailangan kong panindigan. Kailangan kong irespeto. For me, marriage isn't something shallow that I could just leave or throw away just because I didn't want it -- that's not how I personally viewed marriage. Unless sasaktan ako physically o verbally ng asawa ko. Ibang usapan na 'yon dahil iyon naman ang hinding-hindi ko matatanggap at mabibigyan ng chance. Talagang aalis ako sa marriage namin kung magkataong saktan ako ni Callum nang pisikal o kahit ano pa mang uri ng pang-aabuso.

But right now, I really wanted to give our marriage a try. I wanted to try to be a wife because basically, I am already someone's wife. I am now Mrs. Daezel Adelei C. Astudillo. This was my life now. There was no turning back. I had to be here. I had to at least give it a try.

Cal and I were fine with each other. We could handle each other. We could stand being together. We didn't have any misunderstandings or anything. We were civil towards each other. We treat each other as a friend and a dear one. Kahit na wala naman kaming nararamdaman para sa isa't isa at nagpakasal lang for convenience, hindi kami kailanman nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan o pagkailag sa isa't isa sa ilang araw ng pagsasama namin sa iisang bubong.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon