Kabanata 9

920 40 27
                                    


Tunog ng takong ng sapatos ko ang pumailanlang sa tahimik naming bahay ni Cal habang bumababa ako ng hagdan. Nang tuluyan akong makababa ay nilingon ko ang dining area dahil hindi ko nakita ang asawa ko sa couch sa living room.

Wala rin siya sa hapag kaya naman nagtungo ako sa garden. Napangiti ako nang sa wakas ay makita ko siya. He was watering the plants and flowers using a hose. He looked adorable. A businessman with a very manly built was confidently and skilfully watering our plants.

Ang brusko niyang tingnan dahil ang matitigas niyang mga braso ay kitang-kita sa muscle shirt na suot. He was also wearing boxers, so his very athletic legs were showing. He looked so out of place. He wasn't fit to be in the garden. Puro flowers na colorful ang nakapaligid sa kaniya -- so soft and dreamy. 'Tapos heto siya, bruskong-brusko na akala mo'y mambabalibag.

"Cal," I called as I walked nearer his direction.

Agad siyang lumingon sa akin. Bumaba ang mga mata niya sa suot kong grey tank top, maong high-waist black skirt, and low-cut black velvet boots. Siguro'y iniisip niyang aalis na naman ako.

"Off to somewhere?" tanong niya.

Tumango ako. "Kina Arlana ulit."

Matagal siyang tumitig sa akin nang seryoso. Ilang sandali ay nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa pagdidilig.

"You seem spending a lot of time with her now, huh?"

Tipid akong ngumiti at pinaglaro ang mga daliri ko sa likod ko. "Hindi kasi siya gaanong busy sa work ngayon e. 'Tsaka madalas naman na talaga kaming lumabas-labas dati pa."

Arlana is my best friend since we were in college. Pareho kami ng course at magkakilala rin ang mga magulang namin dahil madalas magkita sa mga business at charity events.

Pero siguro nagtataka lang si Cal na napapadalas ang punta ko sa bahay nina Arlana. Noong pangalawang punta ko kasi doon ay si Arlana ang nagyaya sa akin. Nood daw kami ng bagong series sa Netflix. Kailangan pa talaga ng isang 'yon ng kasamang manood, my God. E wala rin naman akong ginagawa rito sa bahay kaya pumayag na ako.

Ngayong Linggo ang pangatlong beses na punta ko roon. May nakalimutan lang akong itanong kay Dominic. Hindi ko 'yon pinagpapapansin noong pangalawang punta ko roon kasi nabubuwisit ako sa presensya niya. Pero ngayon, may naalala akong dapat nga palang itatanong ko sa kaniya noong unang punta ko roon. Itutuloy na rin namin ni Arlana 'yong pinanonood naming series.

Iniwan na muna ni Cal ang pagdidilig upang ihatid ako hanggang garahe. Ang kamay niya ay magaan na namang nakahawak sa aking likod.

"Matatagalan ka na naman ba? Saan ka magdi-dinner?" tanong niya bago ako pinagbuksan ng pinto sa driver's seat ng sasakyan ko.

"Dito na. Mga seven nandito na ako."

Tumango siya. "Alright. I'll cook. Anong gusto mong ulam?"

"Hmm . . ." Naglumikot ang mga mata ko sa pag-iisip. "Ang tagal ko nang hindi nakakakain ng seafood. Iyon na lang kaya. Bahala ka na what kind of seafood ang maluluto mo."

Inalalayan niya ako paakyat sa driver's seat. Inilagay ko ang bag ko sa passenger's seat bago ko siya muling tiningnan.

"Okay, I'll cook that," sagot niya. "Drive safely. Just call me if you need anything."

Nang makarating ako sa bahay nina Arlana, kumain na muna kami ng lunch bago kami nanood n'ong series na sinusubaybayan namin. Mga bandang hapon nang bumaba ako upang kumuha ng pitsel ng juice. Ako na mismo ang nagpresinta kay Arlana. May itatanong nga rin kasi ako kay Dominic.

Ibinaba ko na muna ang pitsel ng orange juice sa lamesa bago ako naglakad patungong garden. Agad kong nakita si Dominic doon na nagtatanim ng mga halaman. Mabilis na bumalatay ang iritasyon sa mukha ko. His presence was really enough to make me mad and irritated.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon