Kabanata 24

1K 49 4
                                    


Binalingan ko ng tingin ang tumutunog kong cellphone na nakapatong sa bedside table. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtayo ni Cal mula sa sofa at nilapitan ang cellphone ko.

"Your mom's calling," he said as he turned his soft gaze at me.

Muli akong napahawak sa tiyan ko nang makaramdam na naman ng kirot. Mariin akong pumikit at kinalma ang paghinga.

"Ikaw na ang sumagot, Cal. I can't talk right now."

Muli akong dumilat at nakita ang pagtango niya bago sinagot ang tawag.

"Hi, Mommy Priscilla."

Muli akong pumikit at tinangkang itulog na lang ang nararamdamang sakit. Kaso kahit anong pikit at pilit kong matulog, hindi ko talaga magawa. Mas nafo-focus ang atensyon ko sa pagsakit ng tiyan ko.

"Yes po, nagle-labor pa rin po siya."

It's been weeks and weeks, and what we were waiting for for months was finally gonna happen in just a few hours. Manganganak na ako, finally. Mabuti naman dahil gustong-gusto ko nang matapos ang paghihirap ko sa pagbubuntis na 'to.

Excited na silang lahat sa paglabas ng baby lalong-lalo na si Cal. Ako, hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang, mailabas na ang baby para hindi na ako mahirapan pa.

"Sige po, Mommy Pris. Ingat po."

Nang ibaba ni Cal ang tawag ay muli siyang lumapit sa gilid ko. Malambing niya 'kong nginitian at saka marahang hinawi ang iilang hibla na nakatabon sa gilid ng mukha ko.

"Your parents are on their way here."

Isang beses akong tumango at maliit siyang nginitian. I couldn't even smile properly because I felt like my stomach was being ripped every second.

He held my hand. "Masakit pa rin?"

Tumango muli ako. Hindi ko alam kung arte lang ba o ano pero every time talaga na nagtatanong siya kung okay lang ako o may masakit ba sa 'kin, palagi akong naiiyak. His caring questions were like a trigger to soften my emotions more.

He sighed and gently wiped off the tear on the side of my eye. "I'm sorry, baby. Kaunting tiis na lang. You can do it."

I sighed. That was what I was worried about. I didn't know if I have enough strength to give birth without losing my sanity. Could I handle it? Kinakabahan ako. Paano kapag hindi ko nakaya? Paano 'pag bumigay ang katawan ko?

More importantly, mailalabas ko kaya nang maayos ang baby? Kawawa naman siya kung mahirapan akong ilabas siya, baka ma-stuck siya sa tummy ko.

"I'm scared, hon . . ." I uttered.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at mas lumambot ang paninitig sa akin. His eyes were warm and comforting. It was like it was telling me that things would turn out to be fine and that I could lean on to him when things get bad.

"I'm right here," aniya. "I won't leave your sight. We'll face it together, alright?"

Palubog na ang araw nang dumating sina Mommy. Sa buong buhay ko, bibihira ko siyang makitaan ng pag-aalala at takot. Ngayon ko lamang napagmasdan ang ganoong ekspresyon sa kaniya habang namimilipit ako sa sakit at hindi mapakali sa labor room na kinaroroonan ko.

Ilang beses sila ni Daddy na nagpatawag ng doktor dahil maski sila ay hindi mapakali sa kalagayan ko. Paulit-ulit din namang sinabi ng doktor na normal ang nararamdaman ko at huwag sila masyadong mag-alala.

Magha-hating gabi nang dalhin na ako sa delivery room. Si Cal lang ang pinayagang sumama sa loob. I couldn't exactly remember everything that happened because it all seemed blurry -- like my whole world shut down and the only thing I was focused on was pushing the baby out.

Mundane Encounters (Typical Hearts #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon