Chapter 16
Aya's POV
Nasasaktan akong makitang nasasaktan si Zelly. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganun siya ka attached kay Hans. Gwapo, mayaman, mabait, gentleman, caring, thoughtful at maalaga. Defenitely every girl's dream. Kahit ako nung narinig ko yung balitang yun nasaktan ako.
"Zelly? O-okay ka lang?"
Hindi niya ako pinansin umakyat lang siya sa kwarto niya at marahan na isinara ang pinto. Gusto ko sana siyang sundan kaso baka kailangan niya ng space para mag isip. Siguro maya maya bababa din yun. After kong iligpit ang mga pagkain eh umalis na rin ako para pumasok.
*7pm"Sam? Asan ka pauwi kana ba?"
"Nandito na ako sa bahay wala pang tao eh"
"Ah sige pauwi na ako kasabay ko si Xander"
"San na daw siya?" - Xander"Nasa bahay na daw eh wala pa daw tao"
"San si Princess?" Yep. Minsan di niya sinasadyang matawag ulit si Zelly na Princess.
"Baka nagliwaliw?"
"Gabi na ah?"
"Hayaan mo na minsan lang naman gumala yun na hindi tayo kasama. Baka nag shopping lang"
"Itext mo at magsabi kung uuwi na siya para masundo ko. Baka kung mapaano pa siya"
Minsan talaga hindi ko matanto tong tao nato eh. May oras na wala siyang pakealam nay oras naman na parang akala mo boyfriend kung makaasta.
Nakarating na nga kami sa bahay at patay ang ilaw sa kwarto ni Zelly.
Pagpasok namin ng bahay dumiretso ako sa kwarto ni Zelly. Ewan ko parang tinutulak ako ng mga paa ko papunta doon. Pagbukas ko ng pinto nandoon siya. Nakaupo sa balcony at nakatingin sa kawalan. Natatakpan siya ng kurtina kaya hindi mo siya mapapansin sa labas.
"Zelly?" Hindi niya ako nililingon.
"Zelly hindi ka pa ata kumakain tara kain tayo sa baba" Tiningnan niya lang ako. Ang lamig ng tingin niya. Parang hindi niya ako kakilala.
Kumuha ako ng isang upuan at tumabi ako sa kanya.
"Alam mo nung mga bata pa tayo pag umiiyak ako pinapatahan mo ako. Pag inaaway ako tagapagtanggol kita. Hindi ka nawawala sa tabi ko. Tapos ngayon kitams big girls na tayo pero magkasama pa din tayo pero sa magkaibang sitwasyon na. Siguro ako naman ngayon ang dapat mag comfort sayo. Ako naman dapat ang magpatahan sayo"
Niyakap ko siya pero hindi lang siya gumalaw. Siguro kailangan niya munang mag isip isip. Mahal na mahal nga talaga niya si Hans.
"Zelly iaakyat nalang kita ng pagkain ha?" Still hindi parin niya ako nililingon.
Pumunta ako sa kwarto at nagbihis at bumaba narin para paghandaan si Zelly ng pagkain.
"Hindi paba nagtetext sayo si Princess?"
"Nandyan siya sa taas"
"Sige aakyatin ko mu--"
"Wag muna Xander. Let her rest. Hayaan muna natin siyang mag isa."
Pumasok naman si Kim sa pinto may dalang yellow cab pizza.
"Ay grabe nakakapagod! Guys may dala akong pizza kain na tayo!"
Pumunta kaming apat sa lamesa.
"Oh san si Zelle? Umalis?"-Aya
"Hindi nasa taas. Nagluluksa" Sinabi ko ng walang preno.
"Ha bakit?" Tanong naman ni Sam.
"Nandito si Hans....
"Yun naman pala bakit nag---"
....Kasama ang fiancee nya"
Nabitawan ni Kim ang kubyertos nya. Napanganga si Sam at nakayukom ang mga kamao ni Xander. Bakas sa mga mukha nila ang gulat at galit. Kahit ako galit pero wala naman kaming magagawa. Wala kaming magagawa kung hindi intindihin ang nararamdaman ni Zelly.
Dahil na rin siguro sa mga nalaman nila eh natapos kaming kumain ng tahimik at walang nagsasalita. Pagod kami dahil sa schoolworks at emotionally pagod nadin kami.Pagtapos namin kumain eh nagsitulog na kami dahil may class pa kami bukas. Hindi ko alam kung papasok pa si Zelly.
Sa sobrang pag iisip ko eh hindi ko namalayan nakatulog na ako.
***
7:17 am
*ambulance siren*
Napadilat ako dahil sa ingay ng tunog ng ambulansya. Siguro kapit bahay lang namin. Pero ang ingay talaga parang may nagkakagulo. Tumayo ako at sumilip sa bintana nasa tapat namin ang ambulansya. Kinabahan agad ako at unang pumasok sa isip ko..
"Zelly"
Kumaripas ako ng takbo pababa. Hindi nga ako nagkamali sila Xander at Kim ang nagkakagulo. Nakita ko nalang na nasa stretcher na Zelly at ipinapasok sa sasakyan at wala siyang malay.
"Kim anong nangyare?!"
"Hi-hindi ko a-a-lam. N-nnakita ko nalang s-siya ng n-nnakahiga. H-hindi k-kkko a-alam"
Bago pa isinarado ang pintuan ng ambulansya pumasok ako. Si Xander tulala at si Kim hindi ata nagsisink in sa kanila ang nangyari.
Namumutla si Zelly.
"Kuya, ano po vital signs nya?" Keep calm lang dapat ako kasi kung pati ako magpapanic baka lalong magkagulo.
"Mabilis ang tibok ng puso niya. Ipagdasal lang natin na hindi naapektuhan ang ulo niya kung sakali mang nabagok siya."
"N-natawagan niyo na po ba yung doctor niya?"
"Oo. Tamang tama at nasa duty siya ngayon sa hospital. Magiging okay lang ang kaibigan mo wag kang mag-alala"
At yun ang pinanghawakan ko ng lakas ng loob, ang magiging okay si Zelly. Hay nako! Ano nanaman kayang ginawa ni Zelly.
BINABASA MO ANG
THE LOST HEIRESS
Teen FictionWhat will happen to the heiress if she's lost? Will she ever find her way back to where she belong? Or just accept the fact that everything's change and so be it?