CHAPTER 5

22K 424 44
                                    

Zelle's Pov

Nung maihatid ko na si Hans sa gate at ng makaalis eh pagpasok ko sa bahay ang tatalim ng mga tingin nila sa akin maliban lang kay Maj at Xander.

Andito na pala si Xander. Nagulat ako oo kasi may Maj na pala siya. Pero bat ganun wala man lang akong naramdaman parang normal lang. Akala ko pag nagkita kami magiging special yung tipong butterflies in the stomach ang peg pero wala eh dagdag mo pa na may girlfriend na pala siya.

"Okay? May kasalanan ba ako?"

"Anong meron sa labas kanina?" Kim

"Bakit may pa baby effect pa?" Aya

"Bakit parang may naririnig akong nagsisigawan" Yes! Saved by the bell ako. Si Sammy kasi pababa ng hagdan parang nagising siya sa ingay kanina.

"Sammmmy!!!!" Sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya at yumakap.

"Z-zelle?!" Halatang gulat na gulat siya.

Tumango tango naman ako.

"May boyfriend na yan!" Sigaw ni Kim.

"Wala kaya!" Tanggi ko.

"Baby Elle pang pauso" Ang bitter ni Aya.

"Hindi nyo ba ako namiss?! Bayan oh dapat dina ako umuwi eh"

"Joke lang kaw naman. Tara nga dun sa sofa at magkwentuhan tayo" suggest ni Aya.

Umupo naman kami sa sofa kasama pa pala namin sila Maj at Xander.

"Okay first question san ka nagpunta" Tanong ni Kim.

"Bataan"

"Bataan?! Ang layo ah" Comment ni Sam.

"Sino si Hans?" Tanong ni Aya

"Schoolmate nga natin nung highschool. Anak siya ng mayor doon"

"How did you two met?"-Sam

"Eh kasi last travel na nung nakaalis ako eh madaling araw na ako nakarating dun nagkataon siya lang yung nandon at kilala nya ako so ayun mukha namang harmless sumama  na ako"

"Eh ano naman yung baby thingy?"-Aya

"Asus wala yun"

"Showbiz te?"-Kim

"Wala nga kasi. Turing nya kasi sa akin little sister lang kaya baby tawag nya sa akin since isip bata daw ako. At kung yung kiss sa noo eh issue pa eh normal na sa amin yun. Ginagawa na namin yun"

"KISSING?!" Sabay sabay nilang sigaw pati si Xander nakisigaw na din. Kita mo tong mga to dudumi ng utak kaltukan ko tong mga to eh.

"Oo. Ang green ng utak nyo sa noo lang no! Mga malisyosa/so kayo ah!"

Tapos kumalma naman yung mukha nila. Ako naman humarap kila Xander. Siguro naman pwede ako magtanong diba?

"So Xander kelan pa kayo nakabalik?"

"H-huh?" Parang wala siya sa sarili.

"Ah last week lang sabay kami bumalik ng bansa" si Maj na sumagot para sa akin since parang wala sa sarili si Xander. I wonder kung anung iniisip nya?

"Talaga galing ka ding U.S?" So magkasama pala sila? Malamang girlfriend nga diba?

"Yup! Medyo mahirap nga mag udjust sa weather eh super lamig tapos biglang init"

"Ay nako sinabi mo pa te! Masakit sa ulo no"

"Bakit have you been in US?" Tanong ni Maj.

"Oo naman last year dun ko sinelebrate yung debut ko"

"Hoy Xander galing pala kayong US eh penge ng chocolate" Eh kasi nag ke crave na ako sa imported chocolates eh. Pero spaced-out pa din si Xander.

"Ay tamang tama marami pang natira sa dala namin sa ref ko nilagay pagkukuha kita" Offer ni  Maj. Ang bait nya at ang ganda pa.

"Nako sama na ako sayo sa kusina" tapos sumunod ako sa kanya.

Aya's POV

"Okaw what was that?" Kumento ni Kim.

Kasi naman parang close na agad yung dalawa. Wala man lang awkwardness.

"Xander okay ka lang jan? Tulala ka lang eh" Akbay ni Sam sa kapatid. Mukha ngang malalim yung iniisip ni Xander.

Tapos lumabas na yung dalawa sa kusina nagtatawanan.

"Naku sinabi mo pa!" Hahahaha

"Nakakahiya kaya pinagtitinginan ako tas nakatingin din si Hans ay grabe pwede na akong lamunin ng lupa"

"Hahahaha! Naranasan ko din yan gusto ko ngang magtago eh"

-____- close nga sila. Kung titingnan mo sila walang namamlastik at sincere yung tawanan nila.

"Ang sarap ng chocolate na to Maj pasalubungan mo ako ulit ha?" kapal talaga neto ni Zelly eh.

"Maj gabi na ihahatid na kita" Singit ni Xander. Ang sungit naman neto.

"Ay oka--"

"Tara na!" woah. Nagulat kaming lahat.

"O-okay. Bye Zelle bisita ulit ako dito kwentuhan tayo pati lulutuan kita ha?"

"Talaga? Yey! Balik ka agad ha? Bye bye ingat!" tapos nagyakapan sila. Like seriously close na talaga sila?

Nagpaalam na din sa amin si Maj tapos hinatid na siya ni Xander.

"Hoy Zelle close na kayo ni Maj?" Tanong ni Kim.

"Uhh oo? Eh kasi ang galing galing nya eh. Hahaha ay mauuna na ako sa taas ah? Papahinga na ako nakakapagod yung byahe eh"

Tapos pumanik na siya sa taas. Ang weird ha.

Tapos nun nagluto na si Xander diba nung highschool kami pinagluluto nila kami same as college dahil mejo di pa kami ganun kagaling sa pagluluto especially Kim she's worst! Alam mo bang magpiprito nalang ng itlog eh ibinato yung itlog sa kawali para daw mabasag. -_- So pati balat nung itlog niluluto niya ganun sya kagrabe.

Ang bango ng niluluto ni Xander sinigang. Umakyat naman si Kim para tawagin si Zelly tapos ako eh naghahain na tapos si Sam naglalagay ng mga plato ganyan kami everyday parang may nakatoka na.

Umupo na kami at nagpray na din tapos sinimulan nang kumain.

"Hmmmm ang sarap! Maasim na maanghang. Familiar yung lasa Sammy sarap talaga magluto ah" Familiar? Pinagluluto ba siya ni Hans. Tahimik lang si Xander.

"Ah Zelle di ako nagluto nyan  si Xander"

"Oww. Magaling ka pala magluto Xander? Sarap! Luto ka ulit neto ah?" Wow ha? Wala talagang pakundangan to si Zelly ngayon eh no? Dati itatanggi pa niya na masarap at mang aasar na di magaling tas ngayon todo puri?

"So Kamusta naman kayo ni Hans? Ang cute nyo dun sa picture ah" Panimula ni Kim. Tama yan kahit ako curious na din ako kay Hans eh.

"Ayun? Yun yung nag family outing sila tapos sinama nila ako. Ang saya nga eh Tapos every weekend bumibisita kami sa mga sponsored charity nila karamihan bata. Ang cucute lang ang sarap iuwi dito"

"Talaga? Dapat nag uwi ka ng isa!" Isa pa tong si Kim gatungan pa.

"Kayo ba ni Hans?" Deretchahang tanong ko.

"Hindi nga ang kulit. Kapatid lang turing nya sa akin eh"

"Eh ikaw anong turing mo sakanya?" Tanong ni Kim

"Crush" Nabilaukan naman si Xander since si Zelly malapit sa kanya inabutan nya ng tubig at hinagod yung likod.

"Okay ka lang ba? Dahan dahan kasi di ka naman uubusan. Masyado kabang nasarapan sa luto mo?" Natawa naman kami dun.

"Salamat" Yun lang nasabi ni Xander.

"You're welcome" Tapos nginitian siya ni Zelly mejo manhid din eh.
 Nung natapos na kaming kumain at magligpit kanya kanya ng akyat ng kwarto mejo windang ako ngayong araw kaya nakatulog agad ako.

Princess Zelle's POV

*blink *blink
*grrrroooooo*

Ano ba yan nagugutom nanaman ako? Aish! Tataba ata ako eh? 2am na pala. May mga tira pa naman ata sa ref eh oh kaya chocolates nalang.

Bumaba ako at pumunta ng kusina nagulat ako na bukas yung ilaw at andun si Xander nakatulala. Pansin ko lang kanina pa siya nakatulala.

"Uy! Mahal ka non matulog kana. Hahaha" Joke ko kaso corny ata.

"Uy bat gising kapa?" tanong nya.

" Eh kasi nagugutom nanaman ako eh hahanap lang ako ng pagkain" Tapos binuksan ko yung ref at may nakita akong spaghetti kaya kumuha ako ng plato tapos naghain sa lamesa umupo ako sa tapat niya.

"Ang takaw mo talaga"

"Hindi naman sakto lang. Gusto mo?" Umakma akong susubuan siya. Akala ko tatanggihan niya sinubo din niya.

"Ikaw bat gising ka pa?" tanong ko.

"Di kasi ako makatulog eh. Nag away kami ni Maj"

"Kaya pala. Magbabati din kayo nun. Kaya matulog kana sige ka dika papansinin nun pag pumangit ka sa eyebags mo."

"Hahaha baliw" Ang gwapo pala ni Xander pag tumawa.

"Kamusta naman yung America?"

"Still America" Ang sungit din pala.

"I mean yung buhay mo dun"

"Mahirap nung mga unang taon untill I met Maj mas naging madali"

"Ohh. Maj is a great girl. Ingatan mo siya ha? Sasapakin kita pag hindi" Tapos ko ng ligpitin yung kinainan ko.

"Akyat na tayo? Magbabati din kayo nun. Sunduin mo nalang siya bukas at ihatid sa school nya" Nabuhayan naman siya na parang great idea yung sinabi ko at umakyat na din kami.

Pagpasok ko sa kwarto humiga na ako.

"He has Maj na pala" bigla kong nasambit.

Nag antay pa ako. Pero ayos lang I can entertain suitors na. Hahaha infact Im not attached to him.

Say Hello to Chocolates and Flowers! :)

THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon