Maj's Pov
Nandito ako sa place nila Xander. Nagyaya kasi ako mag movie marathon buti nga pumayag kasi nagtampo ako
kunwari kanina. Hehe wala lang. Nakaupo lang kami ngayon sa sofa nagkukwentuhan habang ako namimili na ng
movie na papanuorin.
Parang wala ngang tao ngayon dito eh.
"Xander si Zelle?"
"Ewan ko. Hinatid na namin sya dito eh. Baka natutulog o kaya lumabas"
"Ahhh eto nalang panuorin nati--" There we're kissing. Nakasandal kasi ako sa dibdib nya kaya nung humarap ako
sa kanya eh nagdikit yung labi namin then ayun he kissed me.
"Ikaw ah bigla kang nanghahalik"
"Gusto mo naman?" Nagtawanan naaman kami. Adik talaga.
Tapos nakita kong pababa si Zelle kaya binati ko.
"Hi!" Sagot niya tapos biglang tumakbo. Hahaha ang cute niya parang bata lang.
"Xander kuha ka na ng food eto na papanuorin natin." Kumuha naman si Xander ng food tapos sabay na sila
lumabas ni Zelle.
Makikijoin siguro sa palabas.
Humiga na si Zelle with matching kumot at unan parang ang komportable ng pwesto nya. Ako naman eh nakahiga
sa lap ni Xander.
Nung malapit ng matapos yung movie ako nangingiyak ngiyak tapos si Zelle tulog na pala tapos pagtingin ko kay
Xander tulog na din. Tingnan mo nga tong dalawang to. Ang ganda ganda ng story tapos tinulugan lang nila?
Bagay nga sila tinutulugan yung movie. Tumayo na ako tapos pinatay ko yung player. Gabi na pala kailangan ko ng
umuwi. Ginising ko si Xander.
"Xander gising na" Ang lalim ng tulog nya.
"Hmm..Zelle 5 minutes lang" Zelle?! Kaboses ko ba si Zelle?
"Xander" Medyo nainis ako. Ako yung gumigising tapos ibang pangalan ang sinasabi.
"Xander" At salamat nagising na din siya.
"Bakit?" Kinukusot kusot pa niya yung mata niya.
"Hatid mo na ako gabi na."
"Sige"
"Ay wait! Iakyat mo muna si Zelle baka malaglag sa sofa yan"
"Sige"
Tapos binuhat niya na si Zelle. Bat ganun parang nagseselos ako?
Nung narinig ko yung pagbukas ng pinto eh sumunod ako. First time kong makaakyat dito, sa bandang dulo may
nakabukas na pinto. Pumunta ako sa gilid pero kita ko pa din sila. Nilapag niya si Zelle sa kama.
"Kahit kelan ang bigat mong babae ka" sabi pa niya.
Umupo siya sa tabi ni Zelle at hinaplos haplos at pinaglalaruan yung buhok nya. Hinding hindi pa nagawa ni
Xander yun sa akin.
Pero yung mga susunod na sinabi niya yung hindi ko kinaya.
"Anong nangyari sa atin? Ba't ka nawala? Ba't biglang nakalimutan mo ako. Hinintay kita Princess hinintay kita ng
matagal. Sabihin mo lang Princess maghihintay pa ako. Kaya ko pa lumaban Princess. Sabihin mo hanggang kaya
ko pa"
Kaso mas may sasakit pa pala dun. Yung hinalikan ni Xander si Zelle sa noo. Hindi ko kinaya kaya tumakbo ako sa
baba. Pinunasan ko agad yung luha ko. Tapos bumaba na si Xander.
"Tara na Maj?" Ngumiti ako at tumango.
Maj lang ang tawag nya sa akin. Wala kaming endearment ang corny kasi eh. Pero bat ganun? Naiinsecure na ako.
Tahimik lang ako buong byahe. Nakikita kong tumitingintingin sya sa akin tapos titingin ulit sa daan. Hindi ko
namalayan nasa tapat na kami ng bahay.
Bumaba na ako at bumaba din siya. I kissed him on the cheeks
"Ingat"
"Maj? Magkaaway ba tayo?"
"Hindi ah? Napagod lang ako pati nakakaiyak kasi yung The Vow eh. Hindi mo naman tinapos"
Lumapit siya sa akin tapos niyakap ako.
"Yun ba? Sorry napagod lang ako" Eto yung gusto ko sakanya eh. Yung ang sarap magtampo pero yayakapin ka lang
niya tapos mawawala na yung hinanakit mo.
"Okay lang. Uwi kana. Ingat ka ha?" I smiled at him. Tapos pumasok na ako sa gate. Umalis na din siya.
Aish.
They were such a cute couple back then. Yes nakikita ko yung mga pictures and videos nila. Yun pa yung mga
panahong magkaibigan palang kami ni Xander.
Isa din ako sa kinikilig sa kanila dati. Nakikita ko din pag nag uusap sila through skype kaso thrice lang ata yun
then biglang nawala.
Ay nako di na dapat ako manghalungkat ng buhay ng iba. Past na yun. Ang importante yung ngayon.
*****
Zelle's Pov
Nagising ng mga 4am.
"Nasa kama ako?"
Ah baka inakyat nalang ako ni Xander or ni Sam. Natulog nalang ako ulit.
***
"Diba sabi ko sayo wag kang iiyak lalo na pag wala ka sa balikat ko?"
***
"Please wait for me"
"I'll wait for you"
***
"I love you Princess"
"I love you too"
***
"Galit ako sayo!"
"Sorry na Princess, Nanunuod naman ako eh. Mas maganda ka lang talaga tingnan kesa palabas"
"Talaga?"
***
"Malamig ba jan Xander?"
"Yes naman Princess. I miss you, I'll be back soon"
***
"Xander.....
***
"Xandeeeeer!!!!!" Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam bakit siya yung tinawag ko.
"Ahhhhhh! Ang sakiiit!!!!"
Sa sobrang sakit hindi ko na alam kung sino yung yumakap sa akin at pinainom ako ng gamot. Unti unti kong
naramdaman yung antok...
.....
I'm half awake. Pero hindi ko ibinubuka yung mata ko. Gusto ko pa ata matulog.
May nakahawak sa kamay ko. Ang sarap sa feeling.
Pagdilat ng mata ko nagulat ako.
"Xa-xander"
"Oh Prin-Zelle gising ka na pala. Nagugutom ka ba? Ano masakit sayo? Okay ka na ba? Kay-"
"Kalma lang po. Okay na ako bakit ikaw yung nandito?"
"Umalis na sila Aya. Pati uhm, a-ako kasi yung tinawag mo" Tapos para siyang nahiya at tumingin sa ibang
direction.
"Ganun ba? Nakakahiya naman. Kain tayo?" May pasok ako pero tinatamad na ako pati babawi nalang ako kay
Xander. Umabsent pa tuloy siya.
" H-ha? T-tayo? Anong gusto mong kainin? Maglu-"
"No. Mag lunch nalang tayo sa labas. My treat?"
"Ako na. Tara?"
Nagbihis na siya sa kwarto niya at nag ayos din naman ako. Maya maya lang umalis na kami.
Medyo awkward kasi ngayon lang kami nakapagsolo. Di ko tuloy alam anong sasabihin.
"Sang mall tayo?" tanong niya.
"Ikaw ba san mo gusto?" balik ko sakanya.
"Kahit san"
"Uhm pwede mag suggest?" ayoko kasi mag mall.
"Where?"
"I wanna go to the park pleaaaaase??" I make puppy eyes pa para pumayag.
Tumingin sya sa akin tapos ngumiti. "Ikaw talaga. Syempre naman"
Tapos feel ko namula ako. Uhhh awkward?
Maya maya lang nasa park na kami.
Sabay kaming bumaba ng sasakyan tapos naglakad lakad kami. Nakakita ako ng swing kaya tumakbo ako tapos
umupo. Nilabas ko itouch ko tas nag selfie ako.
Nasa pangalawang picture ako ng sumingit si Xander sa picture kaya isinama ko nalang siya. Ang cute nga namin
eh. Hahaha! Nilabas din nya phone niya tapos kumuha rin kami ng mga picture.
Nung napagod na kami. Idinuduyan niya na ako. Tapos ako parang inaantok. Tapos biglang tumigil yung pagduyan,
paglingon ko eh wala na si Xander. San naman yun?
"Princess oh"
"Princess?" Ay oo nga pala. Tawag nya sa akin dati yun.
"Ahhh! Ice creaaaam!" Pag iiba ko ng topic.
"Obvious?"
"Sungit"
"Matunaw"
"Akin na. Thank youuu!" Tapos kumain kami ng ice cream.
May mga bata naman na lumapit sa amin.
"Ate ate, san nyo po nabili yung ice cream?" Tanong nung batang lalake.
"Dun oh" Ang angas naman neto magturo. Medyo natakot yung bata kaya umalis ng kasama niya siguro kalaro
niya.
"Ang hard mo naman sa bata"
"Bakit? Tinuro ko na nga ako pa hard?"
"Eh kahit na dapat malambing ka"
"Sayo lang naman ako ngalalambing eh" May binulong siya diko narinig -__-
"Ano yun?"
"Wala. Maganda kanga bingi nga lang"
"Talaga?? Maganda ako?" Nanlaki mata ko.
"Joke lang yun"
"Weh sinabi mo talaga maganda akoo!!!"
"Di nga"
"Sinabi mo eh"
"Eh ano naman kung may sinabi ako na ganun?"
"Eh kasi kala ko dati panget ako wala kasing nanliligaw eh. Meron naman admirers pero di naman lumalapit.
Kainis"
"Bakit gusto mo na bang magkaboyfriend?"
"Nung wala kapa hindi. Kasi hinihintay kita boyfriend kita eh baka pag bumalik ka sabihin mong timer ako eh nung
pagbalik mo may girlfriend kana kaya ayun gusto ko ng mag enterta--" Napatakip ako sa bibig ko O___O
Shems ano nasabi ko?!
"Ah Xander wag mo mamasamain nasabi ko ha? Ano kasi joke lang yun Oo joke lang-"
Lumapit sya sa akin. AS IN MALAPIT.
Niyakap nya ako. Ang nakakagulat eh
He kissed me. Okay O.A pero hinalikan nya ako sa buhok ko.
Gosh!
BINABASA MO ANG
THE LOST HEIRESS
Teen FictionWhat will happen to the heiress if she's lost? Will she ever find her way back to where she belong? Or just accept the fact that everything's change and so be it?