Chapter 17
Aya's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Zelly. Nandito na nga si Tito at tita pero hindi pa rin siya gising. Nandito ako sa kwarto nya dahil ako lang ang free ngayon. Sila tito anman may aasikasuhin daw na importante. Alam na nila ang nangyari. Sinabi ko na lahat lahat simula kay Hans at natapos kay Hans padin.
"Zelyy gumising ka jan oh. Dalawang araw kang tulog. Ganun kaba napuyat at dalawang araw kang nakahilata jan? Okay ka naman daw sabi ng doctor wala naman nangyari sayong damage o baka nag iinarte ka lang jan? Hay nako Zelly ha kahit mag inarte ka jan hindi na babalik si Hans. Ikakasal na siya at hindi na magbabago yun"
"H-h-h-anss"
Napalingon ako sa nagsalita.
"Z-zelly!"
"Nurse! Nurse!" Tumakbo ako sa labas para tumawag ng doctor.
Tinawagan ko kaagad sila Tito at Tita pati sila Xander.
Natapos na yung doctor sa pagcheck ng mga vital signs nya.
"Doc kamusta napo siya?"
"Okay naman siya. Pahinga nalang at anytime pwede na siyang idischarge"
Pagtingin ko kay Zelly parang gusto pa niyang pumikit kaya nung paglabas ng doctor eh pumunta ako sa kanya.
"Hep hep! Stop na. Wag kana matulog dalawang araw kanang tulog te antok na antok lang?"
"What?! Two days?!! Seriously?"
"Oo kaya ngayon kating kati na akong malaman kung ano ba talagang nangyari"
"Nangyari?"
"I mean duh? Ang dahilan kung bakit ka nakahilata ngayon sa kama ng ospital"
"Umiwas siya ng tingin sa akin"
"Sige kung hindi mo pa kayang alalahanin tsaka ko na itatanong"
Tapos tumingin na ulit siya sa akin.
"Si Hans?" Bigla niyang tanong sa akin
"Hans? Hindi naman siya nagpupunta dito at hindi naman niya alam na nasa ospital ka"
"Sigurado ka? Parang narinig ko siya eh kagabi"
"Naku ako ang palaging bantay mo no sign naman of Hans"
"Siguro nanaginip lang talaga ako"
Biglang bumukas ang pinto. Hingal na hingal na pumasok si Xander, Maj at Kim.
"Princess! How are you? Are you okay? Wala bang masakit?"
"Wag kang O.A Xander ah" Bigkas neto.
"Hi Maj! Miss na kita"
Lumapit si Maj para yakapin si Zelly. Panatag na ang mukha ni Xander wala ng pag aalala sa mukha niya hindi tulad nung mga araw na hindi pa nagigising si Zelly.
Dumating na din si Tita at tito iniwan muna namin sila at nasa labas kaming apat.
"Guys have you seen Hans wandering around here?" Kumunot ang noo ni Xander.
"Why?"- Maj
"Kase sabi ni Zelly naririnig niya daw si Hans na nasa kwarto eh wala namang may alam na nasa hospital siya."
Napatingin ako kay Xander at nakayukom na ang kanyang mga kamay at hindi lang pala ako ang nakatingin sa kanya pati rin pala si Maj.
Tumingin ako kay Kim hindi siya mapakali. Hindi rin siya makatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
THE LOST HEIRESS
Teen FictionWhat will happen to the heiress if she's lost? Will she ever find her way back to where she belong? Or just accept the fact that everything's change and so be it?