CHAPTER 10

17.3K 406 48
                                    

Zelle's Pov

Day 1

"Ayoko nga!!"

"Dali naaa! Last request ko na to eh"

"Eh kanina mo pa yan sinasabi eh!"

"Eh kasi nga last na eh!"

"Bahala ka jan!"

Nag walk out nako. Pano ba naman kasi pinipilit ako sumakay ng kabayo eh ayoko dun baka tumalsik ako. Tapos kanina naman sa Zip-line pero pinagbigyan ko siya pero kabayo?! No way! Lagi niyang sinasabing last na.

Tapos naramdaman kong nasa tabi ko na siya. Di ko siya tinitingnan pero kita sa gilid ng mata ko na medyo dismayado siya. Argg!!! Hans naman! pasalamat ka gusto kita.

"Tara na nga!" Tapos hinawakan ko yung kamay niya at hinila papunta dun sa mga kabayo.

"Seryoso ka?" Binigyan nya ako ng di makapaniwalang tingin.

"Oo pero isa lang tayo ng kabayo ha? Ayokong ako lang mag isa eh ha?"

"Sige ba!" Tapos nag rent na agad kami ng isang puting kabayo.

Sumakay ako sa likod niya tapos nag horse riding kami. Masaya naman pala siya kaso ang sakit sa butt. Feel ko di na ako makakalakad ang lakas kasi ng bounce ko ang bilis mangabayo ni Hans.

Ang gwapo pa niya tingnan. Di ako nagkamali na nagkagusto ako sa taong to. Gwapo, Mayaman, Gentleman, Mabait, Family Oriented. Swerte ko pag naging boyfriend ko to.

"Elle! Di kananaman nakikinig eh!"

"Nakikinig ako. Sabi mo na gugutom ka na at gusto mo ng kumain. Tara!" Kahit hindi naman yun yung sinabi niya kasi kakakain lang namin pero gusto ko ulit kumain. At ayun dinala niya ako sa isang ice cream parlor.

"Hans bakit ba tayo pumunta dito?"

"Diba sabi mo nagugutom ka?"

"Hindi yun! I mean duhh, Tagaytay"

"Ah wala lang. Bago tayo umalis malalaman mo din.Tsaka lubusin mo na minsan lang to"

"Sus dahil you gave me an idea, I'll crushed your wallet!" Tapos inagaw ko sakanya yung wallet niya.

"Oy akin na yan!" Tapos inaagaw nya sa akin yung wallet niya.

"Ako na muna maghahawak nito ah. Uy ang kapal! Mukhang madaming laman ah"

"Tsk. Naku ikaw talaga bunso" Okay na sana may bunso nga lang. Asar. In the end ako ang humawak ng wallet niya.

So pumunta na nga kami sa isang kainan tapos umorder na ako ng kung anu ano since libre naman lahat ito pero syempre hindi mawawala ang bulalo na specialty dito.

"Elle, uhh huling hapunan mo na ba?"

"Bakit ba? gutom ako eh" pagtataray ko.

"Tsk. Sige restroom muna ako" Tapos tumayo na siya at umalis.

Dahil nga sa may pagka chismosa ako tiningnan ko yung wallet niya. Ang awkward naman diba kung sa harap niya hahalungkatin. Pagbukas ko tumambad sa akin ang isang picture tapos sa mga bulsa may mga credit cards, atms,license at kung anu ano pang abubot. Rich kid nga talaga si Hans. Pero teka? Rich kid din naman ako eh!

Tapos biglang umilaw yung phone nya si ako na curious tiningnan ko. Text lang pala, pero pagkatingin ko ng phone niya yung picture sa wallet ay parehas sa picture sa phone niya.

Habang nagtatalo ang isip ko dumating na si Hans my loves naks!

"Ano bayan! Nauna ka pang dumating kesa sa order ko" Pagmamaktol ko.

"Eh sa dami ba naman ng order mo magtataka ka pa ba?"

At ayun hindi kami natapos sa pagtatalo.

Day 2 (Shopping Day!)

Dahil kahapon eh halos nalibot na namin yung tagaytay eh ngayon naman shopping day naman.

Pumunta ulit kami sa iba't ibang lugar para bumili ng mga ipapasalubong. After namin mamili eh umuwi na kami at nagpahinga. Dun ako sa kwarto ni Hans dumeretso at humiga hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.


7:45pm

Gabi na pala? Ang haba ata ng tulog ko? Paggising ko wala si Hans. Pero may note sa gilid ko "Dinner at poolside" Pumunta muna ako sa kwarto ko at naligo pati nagpalit ng damit kasi grabe ang pawis ko kaninang namili kami.

Pagdating ko sa poolside hindi ko napigilang mapangiti. Candelight Dinner ang peg namin ngayon pero hindi kami nakaformal or casual man lang na damit ah. Naka shorts at hoodie nga lang ako eh since malamig at gabi na. Sya naman naka shorts lang din at poloshirt.

"Anong meron?" Bungad ko.

"Magandang gabi din" Tas ngumiti siya ngpagkalaki laki. Weird.

"Date ba to?" Nung marealize ko sinabi ko tumingin ako sa malayo. Shemay ka naman.

"pwede din bunso. Tara kain na tayo gutom na ako"

Kumain naman kami ng tahimik which is unusual kasi kung hindi kami nagtatalo eh nagtatawanan kami basta maingay kami pag kumain unlike ngayon.

"Ganda ng langit no?" Siguro hindi na rin siya nakatiis.

"Oo nga eh"

"Masarap ba yun food?" Nasesense ko na may gusto siyang sabihin pero di alam pano sisimulan kaya ganyan yung mga pinagsasabi niya.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Nagulat siya sa sagot ko.

"Ha?"

"Tss kung maysasabihin ka sabihin mo na dami mong paliguy-ligoy" Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. Muukhang seryosong usapan nga ito.

"Elle, kasi aalis na ako bukas" Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Oh? San kana man pupunta? Pasalubong ah."

"Zelle, hindi ito biro. Bukas ng gabi flight ko na papuntang U.S"
 Napabalikwas ako sa sinabi niya. Aalis siya? Sa U.S?

"A-anong gagawin mo dun?" Kung tutuusin pwede naman akong sumama oh sumunod kaso parang hindi tama at alam kong ang sunod nyang sasabihin ang magiging kasagutan.

"To be with my girlfriend" At ang mga salitang yun ang tumusok sa puso ko.

"A-ah g-ganun ba? Sige have fun!" Pinilit kong ngumiti pero yung mga mata ko hindi makapagsinungaling. Tumalikod ako nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

"Zelle bat ka umiiyak?" Napatigil ako pero hindi pa din ako lumilingon.

"Ha? Hindi naman ah. Uy sige busog na ako at inaantok bukas nalang tayo mag usap ililista ko nalang mga pasalubong na gusto ko." Tumuloy na ako pero naabutan nya yung braso ko.

Nanghina ako nung hinawakan niya ako at nanginginig ang mga tuhod ko. Ang sakit.

"Zelle bakit ka umiiyak?" Medyo madiin na tanong niya. Seryoso na din siya.

"Hindi nga ako umi-" Hinarap niya ako sa kanya at nakita niya ang mga tinatago kong luha.

"Anong tawag mo diyan? Bakit ka umiiyak?! Zelle sagutin mo naman!"

"Dahil gusto kita! Gustong gusto kita! Masaya kana?!"

"Zelle.."

"Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit hindi mo sinabi sa akin?! Hans bat hinayaan mo ako? Hinayaan mo akong gustuhin ka. Hans bakit? Kung hindi naman pala pwede bakit di mo ako winarningan" Humahagulgol na ako. Ang sakit. Hindi dahil sa aalis siya dahil s bibig na nya nanggaling na may mahal nga siyang iba. Alam ko naman na may girlfriend siya eh, sa kwarto palang niya nakikita ko na yung mga pictures nila. Sa wallet kahapon at sa phone niya.

"N-natatakot ako"

"Natatakot saan Hans?! Natatakot ka saan? eh ako nga to--"

"Natatakot akong lumayo ka dahil gusto na din kita! Elle gusto din kita  Pero masakit dahil hindi pwede. Hindi pwede Elle"

"WHAT?! WHY?!" Nagsisigawan na kami. Buti nalang walang masyadong kapitbahay ang resthouse na to.

"Hindi pwede Zelle dahil may girlfriend ako"

"At ako?! Part time lang?! Habang wala siya ako muna? May pa bunso bunso kapang nalalaman ano yun pampalubag loob?!" Hinahampas ko na siya sa dibdib niya pero niyayakap niya lang ako.

"Zelle gusto din kita maniwala ka, kaya nga ginagawa ko ito dahil lumalalim na ang nararamdaman ko saiyo. Hindi ko naman inakala na aabot sa ganito simpleng crush lang na nararamdan ko sayo dati. Maniwala ka sana hindi ko pa maipaliwanag pero hindi talaga pwede."

"Paano naman ako Hans? Iiwan mo nalang ako ng ganto? Hans naman wag ka ng umalis"

"I-im sorry" Hindi ko na kinaya kaya kumalas na ako sa kanya at pupunta na sa kwarto. Masyado ng masakit. Kaso hinatak nanaman niya ako at

at

Hinalikan. Malulungkot ang mga halik na ibinibigay nya sa akin. Sumasagot ako sa mga halik niya dahil baka ito na ang una at huli. Our kiss gets deeper and deeper hanggang sa siya na ang kumalas. Nagtitigan kami na parang kinakabisado ako mga mukha. Hinalikan nya ako sa noo at umalis na.

Ang sakit na tinitingnan siyang papaalis at tumalikod mula sa akin. Bakit Hans? Bakit hindi pwede?

Tapos lumabo yung paningin ko. Wala ng tuluyan si Hans. Ang sakit. Ang sakit ng puso ko pero mas nararamdaman ko ang sakit ng ulo ko.
--
"Please wait for me"

"I'll wait for you"
--


May nakikita akong nakatalikod din sa akin at papaalis. Ang sakit.

--
"Sabi ko naman sayo eh wag kang iiyak ng wala ka sa balikat ko"
--


"Araaaay!!!"

Hindi ko na napigilan at bigla nalang ako nawalan ng malay.






THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon