Zelle's Pov
"Zelly!!! Bumangon kana jan! Ano ba malelate ka na"
*blink *blink
7:30am. Shocks! Late na nga ako!! 8:30 class ko eh.
"Maliligo na ako!" Dali dali akong tumakbo sa banyo. Nasobrahan ata ako sa panaginip ko ah.
After 30 mins ready na ako pumasok. Tumawag na ako ng cab dahil baka malate pa ako.
Takbo dito, takbo doon hinihingal na ako. Pero thankful naman ako at nauna pa din ako sa prof ko. Oo nga pala first day ko nga pala ngayon. Medyo OP ako ngayon kasi mga magkakakilala na siguro sila tapos ako eto mag aadjust palang.
Dumating na nga yung prof namin. Nag attendance lang sya tapos nag discuss. Kasali naman ako sa list nya baka wala lang talaga siyang pakialam hahaha.
Natapos naman yung isang subject ko na nabored ako at walang naintindihan. Second subject ko naman eh major na kaya dapat medyo seryoso na ako. Pero may break pa ako ng 30 mins. Magaan naman yung mga sched ko 3 minors nalang then the rest majors na. Nagsummer kasi ako nung masipag sipag pa ako hahaha!
Tumambay lang muna ako sa canteen. Umorder ng makakain tapos naghanap ng table.
"Uy Zelle! Lumalamon ka nanaman" Nagulat ako si Kim lang pala.
"Wala ka ng class?" tanong ko.
"Meron no first subject ko palang bibili lang ako ng makakain nakakaboring eh. Ikaw?"
"Eto break ng 3o mins tapos major na. Si Andrei oh hinihintay kana" turo ko sa likod niya. Hindi siya lumingon.
"Ah cge Cr lang ako ah kita tayo sa bahay" Tapos tumakbo siya sa kabilang pinto. Weird ha? Si Andrei kasi kakilala namin ni Aya. Well artista siya kaso common na yun dito sa school though may iba pa rin na parang die hard fan maka arte. Swerte nga ni Kim eh sinusundan talaga siya. Hahaha fishy!!
Nung busog na ako tumayo na ako at pumunta sa room ko. Wala pa naman yung prof kaya nag phone na muna ako sakto may text.
Fr:Hans<3
Baby Elle goodluck sa first day mo ha. Balitaan moko.
Take care.
Awww! Kinikilig nanaman ako. Yung tipong napapangiti ako ng mag isa parang timang lang.
Nag reply ako syempre papalagpasin ko ba yun?
To: Hans<3
Wala pa prof. 1st subject went well :))
Pagsend ko nun wala pang minuto may reply na agad.
Fr:Hans<3
Really? Making friends?
To:Hans<3
Nope. Wanna be loner.
Fr:Hans<3
Little Elle becomes emo na? Hahaha.
To: Hans<3
I'm not emo. I miss you.
Fr:Hans<3
I miss you too baby Elle. Let's bond soon okay? I have prof na.
Bye little sister! Take care.
Okay na sana eh kaso little sister?! Aish naman oh! Badtrip! Pero okay na din yun atleast malapit ako sa puso niya.
Maya maya lang eh dumating na din yung prof namin at nagdaan ang 3 oras na lumilipad lang ang utak ko kung saan saan. Ang huling narinig ko lang eh yung sabi ng prof ko na
"class dismissed" Tumayo na din ako tapos lumabas. Sakto naman nakita ko si Sammy kasama si Aya.
"Sammy!" Lumingon naman sila. Huminto sila tas naglakad ako papalapit sa kanila.
"Oh Zelly tapos na class mo?"
"Yup! Kayo?"
"Hanggang gabi ako eh pero break ako ng 3 hours. Si Sam naman ganun din"
"Ayy. Kala ko may kasabay na ako uu--"
Biglang may tumawag kay Sam.
"Oh Bakit?... Kasama ko....San?...Sige punta na kami"
"Sino yun?" Tanong ko.
"Si Kim nasa greenwhich daw kasama si Xander sumunod daw tayo"
"Greenwhich?! yes! Kakain?" Tanong ko.
"Hindi Zelly magtataguan tayo dun"
Sinimangutan ko siya. Tapos ayun nga pumunta naman kami sa greenwhich. Hahaha tamang tama gutom na ako.
Pagdating namin dun eh nakita agad naman namin sila. Hindi pa sila umoorder.
Nagkwentuhan kami saglit tapos oorder na si Xander at Sam syempre libre nila hahaha.
"Chicken and spaghetti sakin"-Aya
"Pizza and fries"-Kim
Seryoso? Yan lang kakainin nila? Libre na to oh. Tumingin naman sila sakin. Hinihintay na nila order ko.
"3 full size na lasagna"
"O_o?" -Sila
"What? Tinatanong niyo ako tas pag sinagot ganyan kayo? Eh gutom ako eh bakit ba?" Tapos inalis na nila tingin sa akin.
Habang nag aantay kami ng order eh nag selfie kami ni Aya si Kim ayaw magpakuha ang arte eh.
After nun eh dumating naman na din sila. Dala ni Xander ang aking tatlong lasagna. Hohohoho. Pagbaba na pagbaba ng lasagna eh nilantakan ko kaagad.
Ang cute ng barkada tingnan kumpleto kami. Hahaha pero di lang pala ako nakapansin.
"Ang cute natin! Hahaha dati mga highschool pa tayo tapos ngayon konting kembot nalang eh magtatrabaho na tayo"- Kim
"Oo nga! Hahaha"-Aya
Habang nagkukwentuhan sila about past events eh katext ko si Hans.
Fr:Hans<3
Kain tayo. I'm eating with classmates.
To:Hans<3
Me too. Eating at Greenwhich with Aya,Kim,Sam and Xander.
Fr:Hans<3
Eat well baby sister.
To: Hans<3
I will. 3 full size snack of lasagna.
Fr:Hans<3
Eating monster!
Natawa naman ako dun. Hahaha
"Hoy Zelle nakadrugs kaba? Bat ka tumatawa mag isa?" Napansin pala ako ni Sam.
"Parehas lang sila ni Xander. Ang lapit lapit nyo lang pwede naman kayong mag usap sa harap namin nag effort pa talaga kayong mag text?"-Aya
Pinakita ko sa kanila sinong katext ko. Tumango tango naman sila Kim.
"Katext ko si Maj. Nagpapalambing nanaman" Tapos ngumiti siya ng matamis.
"Awww Maj is really cute!" I giggled.
"Oo nga Xander buti pinatulan ka nun?"-Kim
"Ako pa ba?"-Xander
"Alam mo naman lahi namin ni Xander habulin"-Sam
"Habulin kaya kita ng itak?"-Aya
"Joke lang naman."-Sam
"Hay nako kayabangan niyo talaga. Mauna na ako malelate na ako"-Kim
"Ay oo nga pala tayo din Xander, Aya"-Sam
"At ako?"
"Iuuwi ka namin bago pumasok baka maglakwatsa ka at dika umuwi"-Aya the great Nanay.
"Opo Nay" bulong ko.
"Aray naman! Bat ka nambabatok"
"Nay ka jan?! Di kita pakainin mamaya eh"
Nagdabog na ako pabalik ng sasakyan. Nagtawanan naman sila.
Tapos ayun inihatid na nga nila ako. Pagpasok ko naman sa bahay eh wala namang magawa. Kaya natulog nalang ako para pwede akong magpuyat mamaya. Hohoho.
Umakyat naman ako sa kwarto tapos humiga na.
At ang nasa isip ko si Hans lamang..
Hans my loves <3
****
Nagising naman ako ng mga 5:30 na. Bumaba ako baka anjan na sila.
Nung nasa hagdan na ako at hahakbang eh napabalik ako at nagtago.
O_O
I saw Maj and Xander kissing. My gosh! My innocent eyes!!!! 19 years of existence wala pa akong nakikitang live show. I mean hindi naman torrid pero still kissing pa din yun!
Nung narinig kong tumatawa na sila eh bumaba na ako.Ang awkward ang hirap mag patay malisya.
"Hi Zelle!" Di ko alam kung ngingiti ako.
"Hi!" Tapos takbo agad ako sa kusina. I need water!!! Para akong natuyuan sa lalamunan.
Kami kaya ni Hans may chance mag ki-- Ano ka ba naman Zelle pinag iisip mo?!
"Aish!! Erase erase!"
"Anong nangyari sayo?" Okay. Xander saw me. Mas nakakahiya.
"Ah wala nanaginip kasi ako medyo creepy eh" Wala na akong masabi ang lame ng excuse ko. Kasi naman alangan naman sabihin ko .' Nakita ko kasi kayo ni Maj nag lalive show' diba mas epic naman yun.
"Ohhh. Gusto mo makijoin? Magmomovie marathon kami"
Tutal wala naman akong gagawin eh makikinood na ako.
Nagready ng food si Xander tapos si Maj eh namimili ng movie at ako naman eh kumuha ng kumot at unan.
Ang napili ni Maj eh The Vow. Actually napanuod ko na siya pero okay lang naman ulitin. Humiga na ako sa sofa tapos sila sa kabilang sofa naman.
Sa kalagitnaan eh hindi ko man lang namalayan eh nakatulog nanaman ako.
Baka nagkiss nanaman sila?
BINABASA MO ANG
THE LOST HEIRESS
Teen FictionWhat will happen to the heiress if she's lost? Will she ever find her way back to where she belong? Or just accept the fact that everything's change and so be it?