CHAPTER 2

25K 483 47
                                    

Princess Zelle's POV

"Sammy naman eh! Dali na kasi!!"

"It's SAM. At ayoko"

"Isusumbong kita kay Aya akala mo jan!"

"You're worse than I thought" bulong nya pero rinig ko.

"Anong you're worse ka jan. Dali na kasi papabili lang ako ng kwek kwek eh"

"Ayoko nga lumabas dudumugin ako"

"Ang yabang mo! Para papabili lang ako. Wag na nga!" Tapos tinalikuran ko siya at padabog na akong umakyat ng kwarto.

Ewan ko pero feel ko ang sama sama ng loob ko pag di nakukuha yung gusto ko. Dati naman daw hindi naman ako ganto sabi ni Aya. Pero ah basta gusto ko ng kwek kwek.

After 30 mins....

Nakarinig ako ng katok. Nakaidlip pala ako.

*tok *tok

"Pasok"

"Oh yan na yung kwek kwek mo"

"Yikes! Thank youuuuu!!!!" Sa sobrang saya ko nayakap ko siya.

"Thank you! thank you!"

*Ehem ehem*

Napalingon kaming dalawa sa umubo. Bumitaw ako si Aya pala.

"Anong kaganapan ang nangyayari dito?"

"Hi Aya!" Tumakbo ako sakanya para yumakap.

"Zelly get off!" Sigaw ni Aya sa akin kaya napabitaw ako. Tapos bigla siyang lumabas tapos sinundan naman ni Sam.

Ano kayang problema nun? Baka bad day lang kaya bumaba ako sa kusina para sana kumuha ng lalagyan ng kwek kwek nang di ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila.

"Sam she's getting worse!"

"Aya habaan mo pang pasensya mo kailangan ka ni Zelly ngayon"

"Kung alam mo lang it's been 3 years na pinakikisamahan ko yung pagbabago nya. Tapos ngayon nagiging isip bata na sya. This is worse! She acts like a 10-year old brat!"

"Yeah I know. Ilang buwan na din ako dito at kitang kita ko yung pagbabago niya"

"Sam you better call HIM"

"Alam mo nama--"

"What the hell is his problem?! Hindi ba NIYA alam yung nangyayari kay Zelly? Wala ba talaga SIYANG pakialam?!"

"I don't know Aya. I don't know"

Hindi ko mapigilang umiyak nabitawan ko yung hawak ko. Kumaripas ako sa kwarto ng takbo at naglagay ng mga gamit sa bag. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin pero parang otomatikong gumagalaw ang mga kamay ko.

Pabigat na ba ako sa bestfriend ko? Ano ba kasi talaga ang ugali ko dati? Ano ba nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan.

Binuhat ko yung bag ko at dali dali akong lumabas ng bahay nakita pa ako ni Kim pero di ko sya pinansin.

" oh Zelle san ka pupunta?"

"Huy! Zelle! san ka pupunta?!"

Aya's POV

"What the hell is his problem?! Hindi ba NIYA alam yung nangyayari kay Zelly? Wala ba talaga SIYANG pakialam?!"

"I don't know Aya. I don't know"

"Kasi naman eh! Ang gulo na ng lahat"

"Dagdagan mo pa pasensya mo maaayos din ang lahat"

THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon