CHAPTER 12

16.7K 406 62
                                    



It's been a week since nung iniwan ako ni Hans. Medyo nafocus na ako ngayon sa pag aaral ko. Kinocontact nya naman ako pero hindi ko muna sinasagot. Siguro pag natanggap ko na eh kaya ko na siyang kausapin.

At para mas effective yung pag momove-on ko eh nagpagupit na ako ng buhok. I cut it very short pero I like it parang bagong ako. Nagulat nga sila kasi umuwi nalang ako maiksi yung buhok ko.

Andito ako ngayon sa bahay nag-aaral may major exams na kasi kami at dapat na ako magseryoso dahil isang taon na lang ga-graduate na ako. Ang bilis ng panahon no? Habang nag mumuni ako nagulat ako sa kalabog ng pinto at sa dalawang taong pumasok na nag aaway.

"Sinabi na ngang wala kaming ginagawa!"

"Anong wala?! Eh kitang kita ko nilalandi ka nung babaeng yun at ikaw naman sumasakay!"

"Anong sumasakay?! You know what? This is non-sense!"

"So non-sense sayo nararamdaman ko?! I am fvcking jealous tapos non-sense lang?!"

Okay mukha akong nanonood ng movie. Kailangan ko na bang kumuha ng pop corn at softdrinks? Maj and Xander were fighting like hell. -_-

"What happened to you Maj?! We're cool right?"

"Cool your ass!" Tapos lumabas na si Maj at binagsak yung pinto. Kawawa naman yung pinto dapat siguro papalitan na ng bakal yung pinto para di masira.

Nung nakita ako ni Xander nagulat siya. Siguro di nila ako napansin kasi nasa sulok ako nag aaral.

"Sorry did we disturbed you?"

"No I was entertained"

"What?!"

Ano ba yan kung anu ano sinasabi ko.

"What I mean is naeentertain ako sa binabasa ko nung nadistract ako sa inyo"

"Oh really? Anong nakakaentertain sa pagbabasa ng Human Resource Management?" Tapos tiningnan ko libro ko. Oo nga no? Ang baliw ko naman mag isip ng palusot.

"Whatever. Trip ko eh. Okay ka lang?"

"Mukha ba akong  okay?"

"Sungit" tapos lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko tapos pumunta ng kusina tapos umakyat na sa kwarto niya. Baliw naba si Xander? Nakahigh nanaman ata yun eh.

Kesa mag isip isp ng kung anu ano bumalik ako sa pag-aaral ko baka mamaya may next scene nanaman sila Aya at Sammy naman.

Maj POV

Nakakainis! Kanina pa ako naghihintay kay Xander pero di pa din dumadating it's getting late. Nasa school ako at hinihintay siya nagpasundo kasi ako sa kanya wala kasi yung kotse ko coding . Tinitext ko at tinatawagan wala namang sumasagot.

*Beep*

Fr. Xander
    Hey babe, I just got your message late. I'm with my friends at the bar I'll text Sam to fetch you is it okay?

Okay nasa bar nanaman. Since nung naging model siya at varsity slash sikat eh hindi na naalis sa kanya ang pag babar niya. I used to come with him back in US pero hindi na ngayon. Hindi na niya ako sinasama.  So nagreply na ako sa text niya na wag na at magtataxi nalang ako.

Instead na umuwi eh parang hinihila yung paa ko na puntahan siya sa bar na kung nasaan man siya. I searched where his whereabouts through GPS thanks to technologies. Sumakay na ako nung taxi at dumeretso sa bar.

Pagbaba na pagbaba ko ng taxi nagkalat ang mga rich kid na papasok sa bar. Sa suot kong to pinagtitinginan ako. This is not a typical bar eto yung tipo ng bar na dapat naka fitted dress ka or dress to impress ka.

So pumasok na ako sa bar at hinahanap siya. Hindi naman mall ang lawak ng bar kaya madali lang siyang makikita unless nalang kung nasa VIP room sila.

Masyadong masikip. Ang daming sumasayaw and infairness they are all hot hanggang sa matuon ang mga mata ko sa isang lalaki na may kalandian sa bar counter.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko si Xander may kausap na ibang babae at yung babae naman eh parang linta kung makadikit. I composed myself tapos lumapit ako sa kanila.

"I believe that the man you're holding to is my boyfriend" Pagtataray ko.

Tumingin sa akin yung babae from head to toe. Maganda siya at sexy nakakaintimidate nga eh.

"Oh I'm sorry my dear, He never said he's taken his bad" Ano daw?! Ang sama na ng tingin ko kay Xander pero in control pa din siya parang confident siya na wala siyang maling ginagawa.

"So I'll be the one who will tell you that get off of your hands on my boyfriend or my hands will land on your face?"
Hindi siya natinag pero tinanggal niya pero ngumiti pa din siya. Nakakaasar.

"Ohh scary, I can't be in trouble tonight maybe next time" Aalis na sana siya pero mas nag init yung dugo ko sa ginawa niya. Bumulong siya kay Xander pero nakatingin siya sa akin na mukhang nang aasar.

"Bye Xander! See you next time! I missed you so much" Then she left.

What was that?!

Tiningnan lang ako ni Xander. Sa sobrang inis ko nagwalk out na ako.

Pagdating namin sa sasakyan niya eh walang nagsasalita. Nagdrive lang siya pero hindi ako nakatiis.

"Xander ano yun?!"

"Don't shout"

"Answer me sino siya?!"

"Cherry" He answered me like it was the most non-sense question he have ever answered.

(AN: Kung naaalala nyo pa po si Cherry sa Secret Heiress sya po iyon, Kung hindi you should read first the BOOK 1 thanks!)


"What was going on between the two of you?"

"Wala"

"Dammit Xander! Anong wala?! Naglalandian kayo tapos wala lang?!"

"Wala naman kaming ginagawang masama"

"So hindi pa ba masama yung paglalandian nyo?!"

"Maj you kn--"

"Are you cheating on me?!"

"What?! No!" Naiinis na din siya. Andito na kami sa bahay nila. Habang papasok kami eh nagtatalo padin kami.

"Eh bakit ganon kana lang niya landiin?! Gusto mo naman?!" He banged the door.

"Sinabi na ngang wala kaming ginagawa!"

"Anong wala?! Eh kitang kita ko nilalandi ka nung babaeng yun at ikaw naman sumasakay!"

"Anong sumasakay?! You know what? This is non-sense!"

"So non-sense sayo nararamdaman ko?! I am fvcking jealous tapos non-sense lang?!"

"What happened to you Maj?! We're cool right?"

"Cool your ass!" Tapos lumabas na ako. Nakakainis nakakagalit at nakakalungkot.

Mabuti nalang may natiempuhan akong taxi pinara ko ito at sumakay. Umiiyak lang ako mukha na nga siguro akong baliw.

Nakakainis bat naging ganun siya? He used to be gentle to me pero bat biglang nagbago? Yeah I used to be cool before pero iba na to. I feel like anytime mawawala siya sa akin.

He suddenly changed. What happened to us Xander. We were so happy anong nangyayari?

Pagdating ko ng bahay sumalampak ako sa kama ko ng may nagtext.

Fr. Zelle
    Everything will be alright Maj :)

Narinig niya siguro kami. Zelle is so sweet no wonder Xander was so into her. Hindi ko na nagawang magreply bagkus nakatulog ako sa pagngitngit ko at sandaliang pagluha.

Nagising ako ng mga 2am. Gusto kong matulog ulit pero hindi ko na nagawa. Uminom na ako ng gatas wala parin. Inopen ko yung phone ko at may mga text pero isa lang yung hinanap ko at hindi naman ako nabigo.

Fr:Xander
    I'm sorry.

Yun lang? I'm sorry?! Damn this guy.

Naaalala ko naman yung mukha  nung Cherry nakakainis.

May naisip ako.

I opened my laptop and checked my facebook then went to Xander's profile and checked his friends. Then I searched the name Cherry at may lumabas. Eto nga yung babaeng to.

I looked at her photos. Maganda nga siya. Habang naghahalungkat ako eh may isang picture ako na hindi inaasahang makita.

Graduation Picture.

Si Xander ay nakaakbay kay Zelle na naka cling kay Aya na kaholdhands kay Sam at nakaakbay naman kay Kim na nakaakbay din dun kay Cherry.

Magkakakilala sila? Circle of friends din ba sila? Bakit wala yung Cherry sa kanila ngayon?

Umalis na ako sa profile niya at bumaling sa profile ni Xander at naghalungkat din nung highschool nila. Ang daming nakatag. Mostly stolen shots niya. Siguro yung mga nagkakagusto sa kanya dati.

Hanggang sa dumating ako sa mga stolen shots nila ni Zelle. Kung hindi ako girlfriend ni Xander kikiligin na ako pero hindi. Selos. Selos ang nararamdaman ko. Kahit sa picture they were perfect.

Ang dami. Mya kumakain sila ng isang gallon ng ice cream. May naglalakad sila. Nagtatakbuhan. At ang pinaka last eto ata yung day na naging sila?

Ang daming flowers ang daming tao. Masaya lahat. Perfect. Perfect couple sila.

Ang sakit. Nasasaktan ako.

I logged out at dumako sa isang folder sa laptop ko at binuksan. Tiningnan ko ang mga pictures namin ni Xander. Parehas lang naman ang ngiti niya. Mukha din kaming masaya at mukhang perfect. Parang hindi mo na mapaghihiwalay. Napapangiti ako sa mga memories namin.

Ang selos kanina ay wala  na. Past na nga pala sila. Kami ang mahalaga ngayon.

Mahal ko siya at mahal niya ako yun ang mahalaga.

THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon