Zelle's POV
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Napamulat ako. Nasa pamilyar na lugar ako. Sa kwarto ko.
Dali dali akong bumaba.
"Paano ka nakarating dito?!" Tanong ko sa kanila na tahimik na kumakain. How come na hindi nila ako ginising at niyayang kumain?! Pero hindi yun yung deal ngayon. Si Sam, Kim at Aya lang naman yung kumakain eh.
"Uhh? Hinatid? Eh nakatulog ka daw sabi ni Hans, Wag kana daw gisingin kasi pagod ka. Ang weird nga nun eh di na ba yun babalik?"
Nagtaka naman ako. Pero diba sabi niya kahapon bukas flight niya? So ngayon na siya aalis?!
"Anong sinabi niya sayo?"
"Aalis daw siya 1:30pm daw" Napatingin ako sa wall clock. Shit! 12 na. Kumuha ako ng slippers at tumakbo na palabas. Ang sabi niya gabi siya aalis?That's so unfair!!!
Nakita kong kapapark palang ng sasakyan ni Xander at hindi pa pinapatay ang engine at kalalabas lang din ni Maj sa passenger seat.
"Oh Zelle san ka pupu--"
Di ko siya pinansin at tumuloy tuloy ako sa passenger seat.
"Xander pahatid naman ako sa airport please?" Mangiyak ngiyak na ako. Dapat ko siyang maabutan.
"May pasok kami Zelle"
"Ano bang nangyayari?" Tanong ni Maj.
"Zelly! Ano ba trip mo?!" Sigaw ni Aya mula sa bahay.
"Ako nalang magdadrive Xander please?"
"Hindi ka marunong magdrive Princess sige tara na" napaluha ako lalo nung pumayag siya at tinwag nanaman niya akong Princess. Sumakay na ako agad sa sasakyan. Si Maj naman walang nagawa at sa likod nalang sumakay.
Pinaharurot ni Xander yung sasakyan at nakikita ko sa side mirror na sumunod sila Sam.
Tiningnan ko yung oras 12:30 shemay umabot ng 30 minutes yung pamimilit ko?! Ang bilis naman.
Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan dahil hindi nila alam ang nangyayari.
Kinokontak ko si Hans kaso hindi sumasagot tapos traffic pa. Hindi makalma yung sistema ko. Hindi ako mapakali.
Ang bilis ng takbo ng oras 1pm na.
Kinontak ko ulit yung phone ni Hans after 5 rings sumagot siya.
"Hans please wait for me. Hans please"
"Elle, I'll miss you"
Sumakit yung ulo ko nanaman. Familiar yung mga words na sinasabi at naririnig ko.
"Hans please naman! Just wait for me please?"
"Elle---" Badtrip! Deadbatt na phone ko!
"Xander pakibilisan"
"Eto na bawal pa bumaba dito"
Tumuloy tuloy ako sa airport. Bawal pumasok pero nakiusap ako sa isang nakapila na isama ako pagpasok, nagmamakaawa na ako. Ewan ko anong sinabi niya at nakapasok ako.
Sila Xander hindi ko namamalayan nakasunod padin sa akin. Wala na akong alam paano sila nakapasok.
Pumunta ako sa information.
"Miss yung flight to US?"
"Ma'am? Passenger po ba kayo? Nakaalis na po eh ipa reaskjudhflagsducvh"
Hindi ko na naintindihan yung mga sinasabi niya. Ang sakit. Iniwan nya na talaga ako. Humagulgol ako. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan basta hindi ko mapigilan mga luha ko. Napaupo nalang ako.
Sila Xander nakatingin lang sa akin at hinayaan nalang muna ako.
"Zelly wala na siya, wala na tayong magagawa"
Tumingin ako kay Aya tapos niyakap siya.
"Aya iniwan niya ako! Gusto din niya ako eh! Aya mahal ko na siya... Aya iniwan niya ako. Iniwan nanaman ako"
I cried like a baby. Naiwan nanaman ako. Ang sakit. Ang sakit pala maiwanan. Siguro nga sinadya nya talagang iwan ako. Ang sabi niya sa akin kagabi mamayang gabi pa ang flight niya tapos after lunch naman pala.
Pinapatahan pa din ako ni Aya habang yung iba naming kasama eh lumapit na din. They are clueless sa anong nangyayari pero mas gusto kong ako na lang ang nakakaalam.
"Zelly, it's okay ha? There's a reason why he left you. There is always a reason dear. Let's go home okay? take a rest."
Inalalayan nila akong lumabas ng airport. Kila Aya na ako sumakay dahil nahihiya na ako kila Xander. Tahimik lang ako habang nasa biyahe at napapansin ko na sumusulyap sulyap sa akin si Aya at Kim. Pag nagkataon naman sumasabay sa sasakyan namin sila Xander at sinusulyapan din ako. Nung naabutan kami ng traffic medyo magkatapat na ang sasakyan namin. Tiningnan ako ni Xander at tiningnan ko din siya, ang sakit tumingin sa mga mata niya hindi ko alam ang sinasabi nito pero nasasaktan ako habang tinitingnan ko ang mga mata niya and there I found myself crying again.
Nung makarating kami sa bahay eh dumeretso lang ako sa kwarto. Dun ako nagmukmok hanggang gabi umiyak,tumulala tapos matutulog at iiyak ulit.
"Zelly kain na tayo" Katok niya sa pinto ko pero hindi ko pinansin nakalock kasi ang pinto ko kaya hindi siya makapasok.
Ilang araw na ang nagdaan ganun pa din ako. Pumapasok naman ako pagkauwi kakain tapos magkukulong ulit sa kwarto. Hindi ko alam na ganito pala yung effect sa akin ni Hans. Kung inagahan ko lang siguro yung pag coconfess baka naging kami na at iniwan niya yung girlfriend niya pero kahit ganon yung mangyayari alam kong hindi ako magiging masaya dahil may isang umiiyak.
Isang linggo na nung mawala si Hans pero ganto padin ako. Hindi ko nga maintindihan bakit hindi nauubos ang luha ko. Kung tutuusin pwede ko naman siyang sundan sa US pero baka mas masaktan lang ako at magmumukha na akong desperada.
Pero ngayon nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako. Lahat sila nasa sala sila Maj nanonood lang, si Aya parang gumagawa ng thesis. Si Sam gumagawa ata ng plate. Si Kim naman nagdedesign ng damit. Nakakainggit sila tingnan kasi busy na busy sila sa pag aaral which is hindi ko nagawa. Matataas naman grades ko at hindi naman failing pero parang hindi naman ako kuntento.
Pagbaba ko napatingin silang lahat sa akin nagulat ata na lumabas ako pero hindi ko sila pinansin. Dumeretso ako sa kusina at naghanap ng pagkain pero wala akong magustuhan sa nakikita ko kaya umakyat ulit ako para kumuha ng pera. Bibili nalang ako sa Mcdo or Jollibee ng makakain since yun lang naman ang walking distance dito. Nung bumaba ako ulit nakita ko yung pagtataka nila kung bakit ako pabalik balik. Dumeretso lang ako sa pinto nung akmang lalabas na ako nagtanong na si Aya
"Where are you going?"
"Buy food"
"Ayaw mo ba ng pagkain dito? Sige kami na lang ang bibili" Alam kong naaawa sila sa akin pero hindi naman nila ako dapat itrato na parang baldado.
"I can buy on my own" Nafefeel ko ang coldness sa bawat sinasabi ko.
"Pri--Zelle delikado na at gabi na baka kung mapano ka" Puna pa ni Xander. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso nasasaktan kasi ako pagnakikita ko ang mata niya. Yun din ang rason kung bakit ayaw kong lumabas sa kwarto kasi makikita ko siya.
"Kaya ko" Hindi ko na sila pinansin at lumabas na ako. Nagugutom na talaga ako. Hindi ko alam bat sinasabi nilang delikado hello 7 palang ng gabi at subdivision to at paglabas mo neto tatawid ka lang andun na yung fastfood.
Nakalabas naman ako ng subd. ng ligtas tapos tumawid na ako at pumasok muna ako sa mcdo at bumili ng dalawang bff fries tapos pumasok naman sa jollibee para bumili ng burger at spaghetti. After ko bumili bumalik na ako pero nung tatawid ako hindi ko inasahan ang nangyari...
"Miss naman tumingin ka sa dinadaanan mo!"
Nanginginig ako. Nanghihina yung tuhod ko. Parang tutumba ako. Muntik na akong mahagip ng sasakyan mabuti na lang at huminto ito.
"S-sorry"
Tapos umalis na siya. Ako naman tumawid lang at sinigurado ko na wala na munang sasakyan. Ano ba yan dahil sa pagkatuliro ko muntik na akong masagasaan. Buti nalang talaga at walang nakakita. Kasi kung meron alam kong pagagalitan nanaman ako neto sa bahay.
Dumeretso na ako ng uwi at nadatnan ko sila na ganun pa di ang ginagawa. Ang tagal ko ng nagmukmok kaya namimiss ko sila. Pumunta muna ako ng kusina tapos kumuha ng plato at nilagay yung fries paglabas ko para silang nagaabang sa akin at nung lumabas ako balik sila sa ginagawa nila napangiti ako dun kasi alam kong nagkecare sila.
Humiga ako sa lapag kung saan nakaupo si Aya at naglalaptop sa maliit na table parang japanese style sa lapag lang nakaupo. Kaharap naman niya si Sammy na nagdadrawing tapos si Kim naman may sariling table dahil makalat siya. Napatingin sila sa akin.
"Gusto niyo?" Tapos ngumiti ako.
Nagtinginan sila tapos tumigil sila sa pinag gagawa nila at lumapit sa akin.
"Okay kana?" Diretsahang tanong ni Kim. Siniko naman siya ni Aya.
"Nope but I'm trying" Yes I'm trying to be okay, hindi pwedeng ganun na lang ako lagi.
"Magshare kanaman anong nangyari sa Tagaytay!" Ang hyper ni Sam tapos tinitigan siya ng masama ni Aya.
"Kung hindi mo pa kaya okay lang naman" dugtong niya.
"Ayun masaya naman nakasakay ako ng kabayo at nakapagzip-line"
"Tlaga?!" Sigaw ni Aya. Alam kasi niyang hindi ako sumasakay dun.
"Wow naman! Iba kamandag ni Hans ah! Napasakay ka sa ganon?" -Kim
"Tss asdfghj" May binulong si Xander pero hindi maintindihan kaya napatingin kami sa kanya.
"May sinasabi ka bro?"- Sam
"Wala"
"Tuloy mo na"- Maj
"Tas ayun nung 2nd day namili kami ng mga pasalubong sa inyo tapos after nun dun na nangyari ang lahat"
"Anong lahat?" Sammy
"Nakatulog kasi ako. Pagkagising ko may candelight dinner na pala sa may pool tapos kumain kami and there sinabi niya na aalis siya. Naging cool lang ako kasi akala ko bakasyon lang. Tapos sabi niya matatagalan daw siya kasi gusto niyang makasama yung gurlfriend niya"
"Eh ungas pala yun eh! May girlfriend naman pala siya tapos lumalapit sayo! Paasa" Reklamo ni Sam
"Oo nga naman! Ba yan boto pa naman ako kay Hans"-Kim
"Patapusin niyo muna. I know hindi ganung tao si Hans"-Aya
"Then there umamin ako na gusto ko siya at inamin niya na gusto niya ako."
"Pwede ba yun? Gusto ka niya pero iba mahal niya?"-Maj
"Yes pwede yun may circumstances na nangyayari yun. Kaya nga nafafall out of love tayo sa karelasyon natin kasi nagbubuild up yung love natin sa isa"-Aya
"Love guru kana pala Aya eh!"-Kim
Nagtawanan kami pero bumalik din ako sa pagkukwento.
"Yun nga, Kaya siya aalis kasi lumalalim ang pagtingin niya sa akin. Masakit oo pero naisip ko din na sobrang bait talaga ni Hans at totoo. Kasi hindi naman natin maiiwasan na magkagusto sa iba natural yun pero nasa sa tao nalang yun kung pipigilan niya oh palalalimin. Sa case namin pinigilan niya kasi yun ang tama at yun ang dapat. May girlfriend siya at mahal niya ito ayaw niya itong saktan kaya mas pinili niyang masaktan ako dahil yun ang tama. Alam ko naman na nasasaktan din siya."
Hindi ko akalain na masasabi ko ang lahat ng iyon. Dala siguro nung muntik na akong mabangga at natauhan ako.
"awwww!" Tapos niyakap nila ako after nun nagkwentuhan lang kami at nagfoodtrip.
Gumaan ang pakiramdam ko para akong nabunutan ng tinik. Ang susunod na lang na gagawin ko ay mag move on pero hindi ko siya kakalimutan kasi alam ko one day magkikita din kami at kailangan ko siyang harapin. Ang kailangan ko lang naman makalimutan ang nararamdaman ko sakanya. Madami akong napagtanto ngayong araw sana ganito ako palagi para umayos naman ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
THE LOST HEIRESS
Teen FictionWhat will happen to the heiress if she's lost? Will she ever find her way back to where she belong? Or just accept the fact that everything's change and so be it?