Chapter 19
Zelle's Pov
Nandito na kami sa rest house ng kaibigan kuno ni sir Mark. Maganda yung place. Isolated kaya kami lang talaga ang tao dito. White sand tapos ang linaw linaw pa nung tubig gusto ko na nga agad magtampisaw eh.
Magseshare kami ng kuwarto nila Kim at Aya. Marami namang kwarto pero nag insist ako na magsama sama kami kasi feel ko marami pa ang darating eh at feel ko marami kami dito. Hindi pa naman namin namemeet yung iba kasi umalis daw sila ayon sa caretaker ng resthouse naabutan kasi namin siyang nagluluto eh.
Nag aayos kami ngayon ng mga gamit namin. Matagal tagal din naman kami dito pag nagkataon so ayun habang nag aayos kami may kumatok. Binuksan ko ang pinto since ako ang pinakamalapit sa pinto.
"Oh Mark ikaw pala" Hindi ko talaga feel na tawagin siyang Sir kasi ang hot at ang gwapo para tawagin siyang sir.
"Baba na kayo kakain na tayo"
Ewan ko ba bakit galit na galit si Kim sa kanya eh ang bait naman at kung ngumiti eh nako basta mukhang anghel.
"Sige Mark sunod na lang kami" Si Aya na ang sumagot kasi mukhang nagdidilim ang paningin nung isa eh.
Ngumiti muna si Mark bago siya umalis at bumaba. Two-story kasi yung bahay na to at ang daming kwarto talaga siguro mga pito o walo.
"Why are you so masungit to him?" Tanong ko kay Kim at sumiksik ako sa gilid niya.
"Hay nako! Kala mo lang mabait yun. Nako pag sa room? Kamumuhian mo yan"
"Exactly! Wala tayo sa classroom Kim kaya wag kang mag inarte jan. Utang natin sa kanya ang bakasyon na ito"
"Sang ayon ako kay Aya!" Tapos nag apir kami ni Aya.
"Remember siya ang lumapit sa akin"
"Pero pinagbigyan niya yung favor mo ang isama kami so quits lang" Galing galing talaga ni Aya!
"Tara baba na nga tayo. Ah basta I hate him. Ayaw niyang tanggapin ang mga designs ko pero gutom na talaga ako baba na tayo"
So ayun bumaba na nga kami. Ang bangooooo!
Nakita ko na andun na si Bry at Vince. Nagulat talaga ako nung una kung bakit kasama si Vince eh.
Umupo na kami sa mahabang mesa. Oo mahaba talaga yung mesa pang twelve people ata or more to eh.
Nasa gitna ako ni Aya at Kim tapos katapat ko si Bry katapat ni Kim si Mark tapos si Vince eh katapat ni Aya. Hindi ko sila pinansin kasi nasasarapan ako sa pagkain. Masyadong marami ang pagkain para sa amin pero yung sinigang lang talaga ang inuulam ko.
"Zelly hindi ka naman mauubusan ng sinigang"
"Eh kasi naman ang sarap mas masarap sa luto ni Xander"
"Susumbong kita kay Xander Zelle ha"
"Nako Kim sasamahan pa kita"
Tapos napatingin ako kay Vince na nakatingin sa akin.
"What?" Tanong ko sakanya kasi nakatitig lang sya.
Ngumiti siya sa akin "Wala lang ang cute mo kumain" Tapos kumain na siya.
"Ay teka diba Mark prof ka tapos ikaw Vince eh studyante ka pano kayo naging magkaibigan?"
"Si Vince kasi nag aral ng highschool sa states eh syempre 18 years old na siya kakagraduate palang ng highschool kaya naman na advance ako"
"Ahh so dati palang magkakilala na kayo?" Tanong naman ni Aya nacurious din siguro.
"Yup halos lahat kami eh magkaklase nung elementary kami" this time si Vince na sumagot.
BINABASA MO ANG
THE LOST HEIRESS
Teen FictionWhat will happen to the heiress if she's lost? Will she ever find her way back to where she belong? Or just accept the fact that everything's change and so be it?