CHAPTER 14

20.5K 363 55
                                    

Chapter 14



"Zelleeee! Gumising kana dyan!! Malelate na tayo! Sasabay kaba?"-Kim.

Ang aga aga pa eh. Pero nung tiningnan ko yung oras ko..
O___O

Indeed late!

"Gising na ako!"

Tumakbo na ako sa CR tapos ginawa ang ritual ko. Lumabas ako ng kwarto at tumutulo tulo pa yung buhok ko. Wala na akong time para mag blower.

"Ano ba yan Zelly punasan mo nga yang buhok mo. Nagbabasa yung carpet"

"Eh matutuyo din yan. Sige bye!"

Tumakbo na ako sa labas ng gate kasi naghihintay na si Xander at Kim sa akin.

Napansin kong deretcho kami sa school.

"Bat hindi mo sinundo si Maj? Di pa kayo okay?"

Umiling lang si Xander. So hindi pa sila ayos? Ang tagal na nun ah? One week or two? So hinayaan ko nalang since hindi ko naman business yun eh.

Nakarating agad kami sa school since malapit lang naman ang bahay dito eh. Medyo maluwag naman sched ko sadyang morning sched na ako. In no time gagraduate nako! Octoberian kasi ako eh. Huminto daw ako eh pero hindi ko alam kung bakit.

Sa pagmamadali ko may nakabunggo ako.

*boogsh* Sabog yung gamit ko.

"Ay ano ba yan sorry po. Nagmamadali kasi ako"

"Here" Inabot nya sa akin yung books ko.

"Sorry talaga ha?"

"Okay lang basta sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo"

Tumango ako tapos tumakbo na. Familiar siya. Feeling ko nakita ko na siya before. Hanggang sa room iniisip ko pa rin kung san ko siya nakita or naencounter pero wala talaga.

So nakinig nalang ako sa prof ko. About thesis pa naman to kaya kailangan kong makinig at baka masabon ako pag nagkamali ako sa consultation ko.

After 3 hours ng pagdadakdak niya eh pumunta muna ako sa labas para bumili ng makakain medyo nagutom ako at napiga utak ko. May 1 hour vacant pa naman ako eh so pumunta ako sa stall ng DQ at bumili ng large na chocolate almond.

Umupo ako sa pandalawahang upuan since yun nalang yung vacant.

"Miss pwedeng makiupo? Eto nalang yung vacant" Tiningnan ko siya. Siya yung nakabunggo ko.

"Ay oo naman" so umupo naman siya sa harap ko. Medyo awkward lang hindi mo alam kung kakausapin mo o hindi eh.

"You don't have any friends?" Tanong ni familiar guy.

"Meron naman kaso hindi kami magkakacourse"

"I see. Ay I'm Vince pala" He offered his hands syempre inabot ko naman.

"Zelle. Nice meeting you Vince" Ngumiti ako at ngumiti din siya. Ang gwapo!!!!

"Management ka?" Nakatingin siya sa lace ko.

"Ah oo ikaw?"

"Engineering ako"

"Talaga? If by chance kilala mo ba si Sam?"

"Sam toooot yeah I know him. Classmate ko siya sa isang subject ko eh. Bakit mo siya kilala?"

"Ah bestfriend ko yun" Natutuwa ako kasi kahit papaano may nakakausap ako maliban sa barkada.

"Hindi ka naman na friend zone diba balita ko may girlfriend yun eh?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Hahahahaha!No no! Hahahaha wait..." Huminga muna ako.

"Bestfriend ko talaga yun. Yung girlfriend nun si Aya sya talaga bestfriend ko since bata magkasama na kami"

"Ahhh I see sorry for that hahahaha" Nagtawanan lang kami.

"Uy, pasok na ako ha? May class pa ako eh bye!" Tapos tumakbo na ulit ako. 5 mins nalang time na. Napasarap ako ng kwentuhan sa kanya. Infairness masaya siya kausap at hindi siya naiintimidate sa akin. Magaling siya makipag usap kumbaga. Gwapo din siya pero familiar talaga siya.

Nakarating na ako ng room na hingal na hingal. Sabay lang kami ng prof ko dumating. Habang nagtuturo siya hindi maalis sa isip ko kung saan ko nakita si Vince or kung sino kahawig nya eh. Hindi na nga ako masyadong nakapagfocus dun sa tinuturo ng prof ko. Ang huling narinig ko nalang sa kanya eh yung salitang inaabangan ng lahat.

"Class dismissed"

Niligpit ko na ang gamit ko kasi si Kim nagtext na sa akin hinihintay daw nila ako sa labas ng gate at speaking of tumatawag na.

"Hello Kim saglit lang papunta na ako jan"

"Defensive masyado ah. Sige bilisan mo nagugutom na ako eh minsan ko lang mauto si Xander eh"

"Sige bye!" Inend ko na yung call.

Wait. Nauto si Xander? So kakain kami at manlilibre siya? Yes!!!!

Mas lalo akong naging excited kaya binilisan ko pa ang lakad ko. Natatanaw ko na yung sasakyan ni Xander tatakbo na sana ako nang may tumawag sa akin.

"Zelle!" Paglingon ko si..

"Oh Vince? May problema ba?"

"Ah wala naman. Mukha ka kasing nagmamadali eh"

"Ay oo nga eh. Sige ha mauuna na ako aalis kasi kami eh. Bye!" Tapos tumakbo na ako kasi gutom na din talaga ako. 3 hours ba naman akong lutang sa room ko eh.

Nung marating ko yung sasakyan pumasok na ako.

"San tayo kakain?" Yun ang una kong salubong sa kanila.

"Wow ah. Mas mukha ka pang gutom sa akin ah?"

"Gusto ko sa yellow cab pleaaaseee????"

"Sino yun?" Ay nandito pala si Xander.

"Sinong sino yun?" binalik ko yung tanong sa kanya pero alam ko naman sino yung tinutukoy niya gusto ko lang iconfirm.

"Yung kausap mo."

"Ahhh. Si Vince bagong kaibigan ko."

"Ahh. Sige sa yellowcab tayo" tapos pinaandar niya na yung kotse.

Ayon nga sa napagusapan eh sa Yellowcab kami. Umorder kami ng pang 8 person na pizza tapos buffalo wings and carbonara. Ewan ko lang siguro di pa ako mabusog neto. Lately nga napapalakas yung kain ko eh. Hindi kaya ako tumaba neto? Pero feel ko dahil pa rin to sa apagkastress ko kay Hans eh.

Kamusta na kaya yung kumag na yun? Nakakamiss sya sobra pero kailangan kong sanayin yung sarili ko na wala siya at kahit kailan man hindi magiging kami. Hays. Nag eemail sya sa akin lagi sa yahoo sa facebook at kung anu ano pang pwedeng pangcommunicate sa akin. Minsan naman tumatawag siya pero lahat ng yun dedma lang. Kasi once na nakausap ko siya babalik lahat. Magiging tanga ulit ako at baka hindi ko na kayanin at agawin ko siya which is never kong gustong mangyari.

Bumalik ako sa earth nang naiserve na ang order namin.

"Si Aya at Sammy?"

"Nako Zelle may sariling date. Gustong masolo ni Sam si ateng"

"Ay ganun? Sayang naman papalibre ako kay Sammy ng quek quek"

"Quek que-..."

"Uy! Hi girls!"

Lumingon kami sa bumati and guess what bitchy Cherry is here.

"Hi Cherry!" Bati namin.

"Oww! Date ba ito? Kayo naba ulit Xander and Zelle?"

"H-ha? Hindi no!" Sagot ko.

"Relax babe, I miss you na. Kelan tayo lalabas?" Pacute naman ni Cherry.

Naku kung hindi ko lang to kaibigan sasabunutan ko to ang arte magsalita.

"Salaksakan ko kaya ng kutsara yang bunganga mo? Ang arte mo ah. Pero namiss din kita. Upo ka dito dali"

Niyakap ko siya kasi nakakamiss nga naman talaga siya.

Umupo naman sa tabi namin si Cherry since wala naman siyang kasama. Siguro magtetake out lang siya.

"Uhm are you expecting someone pa? Parang ang dami ng pagakin para sa inyo?" Tanong naman ni Cherry medyo nanlaki mata niya nung tumingin sya sa lamesa.

"Nope! Ayan si Zelle kala mo di pinapakain sa bahay ang takaw" Harsh.

"That's bad babe. Puro carbs yan oh baka magkabilbil ka. You should be fit and sexy babe" Pansin nyo babe sya ng babe? Yun tawag nya sa akin eh.

"Carbs carbs. Pag pagkain kainin. O ayan kumain ka! Isipin mo nalang cheat day mo." Sumimangot sya, nilagyan ko kasi yung plato niya ng maraming pagkain.

"Oh Xander bat ang tahimik mo? Nagandahan ka nanaman sa akin no?"

Ngumiti si Xander.

"Iniimagine ko lang kung anong mangyayari mamaya kung maaabutan ka ni Maj dito"

O-M-G!

"OMYGOSH!" Sabay pa kami ni Kim nyan.

Pinagpapalo ko si Xander.

"Tanga ka ba?! Bati na ba kayo?! Hindi pa nga ayos dadagdagan mo nanaman ang atraso mo?! Bat mo pa siya pinapunta?!"

"Aray ko naman Princess! Masakit tama na!"

"Wow. Princess parin tawag mo Xander ah. Ayieeee! Nako babe tigilan mo nga si Xander. Ano naman kung andito yung Maj na yun? nilalandi ko ba si Xander? or gusto mo landiin ko ulit? Sige ka ikaw mawawalan." Sabay smirk. Ewan ko pano ko nakasundo tong babaeng to.

"Actually niyaya ko si Maj kanina pero ayaw niya. Tinanong niya sinong kasama ang sabi ko ikaw, si Kim at Cherry tapos sya na nagdecide na pupunta sya" Pagpapaliwanag ni Xander.

"Uh-oh Maj is here" tiningnan ko yung direction na tinitingnan ni Kim.

"Hi Girls! Namiss ko kayo." Nakipag beso beso siya sa amin.

"Oh may unexpected guess pala dito? Hi" O-EM-GI.

THIS IS NOT GOOD.

The biatch or the mean?



(MAJ ON THE SIDE)

THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon