CHAPTER 13

22.2K 427 67
                                    


Aya's POV

Sunday ngayon kaya kami lahat walang pasok. Umagang umaga at ang ganda ng sikat ng araw pero yung mga mukha ng tao dito eh pangtanghali at simangot na simangot.

Ako na pala ang pinakahuling nagising kasi late na ako nakatulog dahil ang dami kong tinatapos I wonder kung bakit si Zelly ay parang walang ginagawa pero ang tataas ng grade. Binabayaran niya kaya prof niya?

Nawala ako sa paghihinala sa grades ni Zelly nang may yumakap sa likuran ko. Si Sam.

"Babe inaaway ako ng kapatid ko pati ni Zelle" Panlalambing niya. Nako naman parang bata talaga itong si Sam.

Si Xander kasi nanunuod ng TV siguro nag aagawan yung tatlo sa channel na panunuorin. Kaya umaga palang yung mga mukha nila parang nagiyera na. Bumitaw ako kay Sam at pumunta ako sa kusina nakita ko si Kim eh kumakain ng cereal pero tulala.

"Wag mong sabihing pati ikaw nakipag agawan ng channel?"

Nagulat siya di niya ata napansin na pumasok ako.

"Hindi ah" Tipid netong sagot.

"Oh anong pinagluluksa mo jan?"

"Eh kasi kinakabahan na ako sa designs ko eh. Hindi ko alam kung maaapprove or may babaguhin pa"

"Yun lang pala. Nakita ko naman yung designs mo eh. Ang gaganda nga eh. Maaapprove yun. Tiwala lang"

"Yun nga eh isang problema pa san ako kukuha ng mga models? May kakilala ka ba? Yung pagkukuhanan ko ubos na eh wala na akong ibang kakilala"

"Hmmm... wala pero pwede naman si Zelly si Xander, Sam at ako"

Nagningning yung mga mata niya inshort lumiwanag ang mukha niya.

"Talaga?!"

"Oo naman kaya wag kana mamroblema at ubusin mo nayang kinakain mo"

"Naks! The best ka talaga Aya!"

"Penge nga ng pagkain!" Utos ng nakasimangot na feeling prinsesa na kapapasok lang.

"Nakabusangot ka?" Tanong ko sakanya.

"Talo nanaman yan kay Xander" Sagot ni Kim.

"Eh kasi naman gusto ko yung spongebob! Tapos si Sam sa Hero channel tapos sya basketball kainis!"

"Hahaha! Okay lang yan Zelle ganyan naman kayo dati eh"

"Ha?"

Tiningnan ko ng masama si Kim sa sinabi niya.

"Bakit? Ganun naman talaga sila dati ah? Mas grabe pa nga jan eh. Hahahaha!"
*Fcae palm* Seriously Kim? Slow lang?

"Lord wala na po bang matinong tao sa bahay nato? Ako nalang po ba? Wag naman po Lord."

Napatawa kami sa ginawa ni Zelly. Mukha talaga siyang nagpepray naka dikit yung palad nya tapos nakapatong sa lamesa at nakapikit pa with feelings.

Dumating ang tanghalian at hindi pa din matino ang sitwasyon sa bahay. Ang iingay at ang gugulo. Nag exbox kasi yung dalawang lalake tapos nagtatalo sa damit na isusuot si Kim at Zelly.

Magsisimba kasi kami since ngayon nalang kami nakumpleto at hindi busy  pati we should be thankful to God kasi sa mga blessings pa din na binibigay nya. Bihira lang kasi kami makapagsimba ng gantong kumpleto kasi pag sunday family namin ang kasama namin.

Nung mga 2pm na eh umalis na kami. Sa greenhills kami magsisimba para hindi masyadong matao yung chapel. Ang gusto sana ni Kim eh sa Quiapo church kaso dudumugin si Xander dun kasi nga nagmomodel siya international.

Sa sasakyan kami ni Sam sumakay para medyo malaki at kasya kami lahat. Matapos ang isa't kalahating oras eh natapos naman yung misa ng matino silang apat at walang nag aaway. Kumain muna kami sa isang resto tapos namili na din.

Napunta kami sa mga shoes sobrang dami pala at halos katulad ng mga original na shoes. Habang namimili ako ng bibilhin nakita ko si Zelly na nakatulala sa isang particular shoes.

Tinititigan ko lang siya at hindi ko napansin na nakatitg din pala doon si Xander tapos lumipat ang tingin niya kay Zelly.

Yung sapatos na yun ay katulad ng gift ni Zelly kay Xander nung anniversarry nila. Pinag ipunan nya yun kasi nga may kamahalan. Hindi siya humingi ng pera sa parents niya talagang nagtipid siya para mabili niya iyon.Nung makuha niya yung sapatos na yun tuwang tuwa siya. Para siyang batang niregaluhan ng napakagandang manika.
Pinadala ni Zelly yun at si Xander tuwang tuwa naman sa ginawa niya.

Uuwi dapat si Xander nung araw ng anniversarry nila kaso may biglaang laban sila sa basketball at naintindihan naman yun ni Zelly.

Lumapit ako kay Zelly kasi talagang nakatitig pa din siya hanggang ngayon.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Gusto ko yung sapatos na yan kaso ang mahal"

"Gusto mo? Kanino mo naman ibibigay eh panlalake yan?"

"Ewan ko. Basta gusto ko lang siya bilhin. Di bale na babalikan ko na lang yang sapatos na yan pag may pera na ako"

Tapos umalis na siya na parang frustrated at ibinaling yung atensyon sa mga damit. Bago ko sundan si Zelly tiningna ko muna si Xander na nakatingin padin sa shoes at umalis na ako.

Dapat ata ang title netong story e sapatos eh.

After namin mamili eh pumunta naman kami ng promenade para manuod ng sine. Talagang nag group date kami ngayong sunday. Kasi sooner or later busy na kami graduating na din kasi  si Zelly pati si Kim. Maiiwan si Xander at Sam at ako dahil pang 5 years ang course namin.

Ang bilis nga naman ng panahon. Hindi mo namamalayan ang takbo ng oras. Maraming nagbago at maraming binago sa paglipas ng panahon.

Simula nung bumalik si Sam kailangan naming pareho mag adjust. Nahirapan din ako. Mas naging liberated ang pag iisip niya at talagang naging independent siya. Minsan kahit gusto ko siyang tulungan sa mga bagay bagay eh hindi siya pumapayag. Ang rason nya, Kaya niya mag isa. Minsan nakakapika na pero iniintindi ko siya para hindi kami mag away.

At sa pagbalik naman si Xander at kasama pa si Maj, una hindi ko akalaing may mahahanap na iba si Xander. Akala ko nung una Rebound lang pero mali ako. Iba ang trato ni Xander kay Zelly at Maj. Kay Zelly minsan mabait pero madalas parang kaibigan lang talag si Zelly sa kanya pero kay Maj, sweet, caring, gentle parang napaka fragile ni Maj para saktan. Minsan nga ako na ang nagseselos para kay Zelly eh kasi he was never been consistent when it comes to Zelly before. May time na maiihi ako sa kilig dahil sobrang magsurprise si Xander kay Zelly pero minsan naman naiinis ako sa sigawan ng dalawa dahil nag aaway.

Kaya nga laking gulat ko na may nasaksihan si Zelly na mini show starring Xander at Maj. That was the first time ata na nasigawan ni Xander si Maj. And for the record 1 week ng hindi pumupunta si Maj sa bahay. Nakakamiss yung pagkamadaldal nya at pala tawa.

Feel ko nga nagseselos si Xander kay Zelly kaya siya nagsusungit dito kasi ba naman pag nasa bahay si Maj laging kasama si Zelly kaya siguro hindi makascore. Nasosolo lang ata ni Xander si Maj pag tulog or wala si Zelly.

Si Kim naman masyadong napepressure sa mga designs nya. Kim is our sister. Napakabait at thoughtful na tao. Ang swerte namin ni Zelly dahil nakita namin sa kanya. Though Kim, has its secret. That secret has always amaze me.


Si Zelly naman I can say that she's okay. She's better. Lalo na nung nakapagdecide sya na mag move on kay Hans. Nagpagupit siya and talagang mega ultra transformation para daw effective ang so-called moving-on process niya. I never imagined that Zelly would fall for Hans that easily. I mean yeah, Hans can capture very girl's heart but I didn't realize that Zelly was one of those girls. Pero nung makita ko yung bawat ningning sa mata ni Zelly pag binabanggit ang pangalan ni Hans, wala na akong magawa kundi suportahan siya at amging masaya para sakanya.


After ng mahabang pagnonobela ko ng buhay namin tapos na pala ang movie.

"Nagugutom na ako"- Kim

"Ako din eh. *sniff* Nakakaiyak yung movie *sniff*"-Zelly.

Hindi ko nadama na nakakaiyak movie. Siguro pre-occupied lang ako masyado.

"Where do you wanna eat girls?" -Sam

"Uhmmm I want pizza!"-Kim

"I want pizza too!"-Zelly

Si Xander walang imik. Parang ang lalim ng iniisip nya eh. Ako naman hinapit ako ni Sam at pumunta kami ng yellow cab.

Si Kim at Zelly ang umorder dahil sila ang nag kecrave ng pizza. Si Sam naman nasa restroom. Kami lang ang naiwan ni Xander. Tulala padin siya.

"What seems to be your problem bro?" Tanong ko.

"None of your business"

"C'mon I'm not the villain here Xander. I can keep secrets" I give him an assurance look.

"I promise" Habol ko pa.

Lahat naman sila kaibigan ko eh. At isa na dun si Xander. Nung nasa states sya minsan patago kaming nag uusap ni Xander para kamustahin si Zelly. Ayaw kasi ni Zelly na kakamustahin siya ni Xander sa akin  kasi daw parang stalker ang dating.

"Maj still doesn't want to talk to me" He's really upset.

"What did you do ba?"

" He caught me and Cherry..."

"Omy! You and Cherry are having an affair?!"

"No! Of course not. Im at the bar with my friends then I accidentaly saw Cherry with her friends too. Kinamusta nya ako at nag usap kami. Kinuwento ko nadin sa kanya si Maj naginit ang ulo niya kasi nag give way siya para sa amin ni Princess pero sa iba naman pala ako mapupunta"

"So you mean Cherry is still into you?"

"No. I don't think so"

"Then what happened next?"

"Ayun nagkakwentuhan kami nagkatuwaan then Maj came. She went ballistic when she saw us. I know Maj is no match when it comes to Cherry. Cherry is bitchy. Nagkasagutan sila. And when Cherry is about to go, she left me an unexpected message "If you'll only end up with that girl. I'll teach Zelle how to bitch sometimes' with that she left"

"Woah! Cherry is still Cherry but she's our friend now"

Yes nag ge get together kami ni Cherry minsan at alam niya ang nangyari kay Zelly. Cherry is a good friend but sometimes she's mean and pranka. She doesn't care kung masasaktan ka basta nasabi niya ang gusto niyang sabihin and yun ang gusto namin sa kanya. Pag sinabi niya, gagawin niya.

"Did you explained that to Maj?"

"She wouldn't listen"

"Have you tried?"

"No"

"How would you know?"

"Because I know her. When she's mad, no any single reasons will do. Eto ang unang beses na natiis niya ako."

"Wait in the first place ba anong ginagawa mo sa bar?"

"I just want to divert. I'm confused Aya"

"Confu----"

"Boo!"- Napabalikwas kami ni Xander ng manggulat yung dalawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH"Hagalpak nung dalawa.

"That was priceless!!!"-Kim

Nung makamove on sila sa kakatawa eh umupo na sila at dumating na din si Sam. Hinintay nalang namin yung order namin, I mean order nila Kim taga kain lang kami.

Nung dumating na yung order eh 3 box ng iba't ibang flavor tapos buffalo wings.

"Hindi naman kayo gutom?"-Xander

"Ako gutom talaga"- Zelly

"Me too" Kim

Obviously gutom talaga sila dahil sila na ang unang nagbukas at lumantak.

After yellowcab, Zelly wants to have some joyride daw. Go somewhere else daw. -_- Napaka adventurous.

So dahil nag kayayaan na, nagdrive na si Sam kung saan saan. We end up at antipolo. It's so nice kasi makikita mo yung city lights.

Nag stop over kami at nag sight seeing.

"Ang ganda!" -Kim

"Amazing.."- Zelly

Instead of saying something I hugged Sam. Sideview lang. Ewan ko yun kasi ang sinasabi ng moment at ng view dito eh. Ang yakapin ang taong mahal mo.

Si Xander nakatulala padin sa view same as Zelly.

"Aya!! Have we been here before?" Tanong ni Zelly.

"No why?"

"Because it looks so familiar. Really Familiar! You sure hindi pa tayo napunta dito?"

"Oo nga" I noticed that Xander looked at Zelly in disbelief.

"Babe, this is really a nice place no?" Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Sam.

"Yeah, super! I loved it. Can we go back here?"

"Yes baby of course" I kissed him on the cheek.

"Pusang gala naman oh! Maglalambingan nandito yung single sa tabi tabi! Ilaglag ko kaya kayo sa bangin?!"

Napahagalpak kami ni Sam.

"Zelle tara nga! Humanap tayo ng lalake sa tabi tabi ng may mapala tayo!"

But before they could go, Xander held them and brought them to the car.

"We need to go. We still have morning classes tomorrow."

Ohhh.. Yeah oo nga pala. Nakalimutan ko. we still have classes pa pala.


This day is so much to remember. Another day that our barkada is back the way it used to be.






THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon