CHAPTER 4

20.8K 440 49
                                    

Princess Zelle's POV

"Baby Elle get ready na! Baka matraffic tayo!"

Psh! Palibhasa kasi wala siyang aalalahanin pag pumunta siya ng Manila.

"Opo na po bababa na po!"

Tiningnan ko muna for the last time yung maleta ko so far wala naman nakalimutan pero medyo nadagdagan siya kasi namili kami ng mga stuffs pati pasalubong na din kila Aya. Mamimiss ko tong lugar na to yung memories and bondings with them. Natuwa ako kasi nakatitig na pala ako sa picture namin ni Hans karga karga nya ako sa likod nya tapos naka wacky kami. Ang cuuute! Kaso hanggang kapatid lang talaga ang turing nya sa akin.

"Baby Elle ang tag---"

"Aish! lalabas na nga ako eh" Sinarado ko na yung maleta tapos binitbit nya na pababa.

Tiningnan ko for the last time yung bahay at di ko namamalayan nasa harap ko na si Hans.


"Baby Elle don't cry na ha? Mamimiss mo lang kagwapuhan ko eh" Para na siguro akong baliw iyak tawa na ako dito eh.

"Ang kapal mo!" Tapos pinunasan nya yung luha ko. Aish ang hirap naman magkagusto sa taong to. Kapatid lang turing sa akin.

Sumakay na kami sa sasakyan tapos umalis na. Nakatingin lang ako sa bintana.

"San ba kita ihahatid?"

"h-huh?"

"Sabi ko po san ko ihahatid ang baby ko?" Sarap pakinggan. Shemay kinikilig ako.

"Ay sasabihin ko nalang later malayo pa naman tayo eh"

"Uhmm. Bakit ka nga pala pupunta ng Manila?" Kasi naman hindi ko pa natatanong eh.

"Aasikasuhin ko na yung papers ko para magtransfer and may bibisitahin ako"

"Transfer? Saan?"

"Sa Immaculate University"

"Talaga?! Malapit lang yun sa university ko! Gusto mo samahan kita?"

"Naku wag na marami ka pang ieexplain sa mga kaibigan mo pati may kasama na ako"

"May kasama? Sino?"

"Makikilala mo din siya"

Bumalik nalang yung tingin ko sa bintana at diko namamalayan nakatulog na pala ako.

Aya's POV

"Sam tara na?" Papasok na kasi kami ni Sam. Si Kim naman mamayang after lunch pa yung pasok.

"Si Xander?" tanong niya. Sumasabay kasi sa amin minsan si Xander eh. Oo dun na din sya sa school namin. Well napilitan lang naman talaga siya sa school namin kasi yun ang sabi ng mommy nya eh wala naman siyang magawa.

"Maagang umalis eh sinundo na si Maj"

Nagtataka siguro kayo who the hell is Maj. Maj is Xander's girlfriend. You heard it right he has a girlfriend. Sabi nya he met her while nasa US sila. Isa din siyang scholar pero academic scholar unlike kay Xander sports naman. Umabot DAW sila ng a  year and a half.

So ayun nga nauna na kami ni Sam sa pagpasok at si Zelle? Wala pa ding balita.

***

Gabi na din ng matapos yung class ko nag extend kasi kami for our thesis pa. Nag commute nalang ako pauwi since si Sam obviously tulog na yun. Hapon kasi uwi nya and then natutulog siya at bukas na gising nun.

Ilang minuto lang din naman eh nakarating na ako sa bahay. Hindi pa naman ganun ka late Past 7 palang naman ng gabi. Pagdating ko ng bahay andun si Xabder sa sala at si Maj nag momovie marathon ata sila.

"Hi Maj! Andito ka pala" Bati ko sakanya. Mabait din naman kasi si Maj. Feel ko nga makakasundo siya ni Zelly.

"Hi Aya! Si Xander kasi gusto daw manuod ng movie" Wow bago yun ah? Kadalasan kasi si Zelly namimilit kay Xander. Well, people change.

Tumuloy tuloy na ako sa kusina. Hindi kasi kami nag uusap ni Xander pag andyan lang si Maj. Si Kim pala lumalantak ng pagkain sa kusina.

"Oh ginabi ka ata" Tanong niya.

"Eh kasi tinatapos namin yung thesis. Bat mag isa kalang dito? Si Sam?"

"Eh kita mo naman si Xander may kalambuchingan si Sam ayun tulog na. Kain tayo" Kukuha na sana ako ng plato ng may nag door bell

*dingdong

"Ako na" Nakakahiya naman kay Kim sarap na sarap na siya sa pagkain niya. Haha.

Tatayo sana si Xander kaso sabi ko ako nalang kaya bumalik sya sa pagkaka akbay kay Maj.

Pagbukas ko ng pinto eh may isang lukaret na wagas ang ngiti at isang gwapong lalake.

O___________O

"What the hell" yan lang ang nasabi ko.

"Aya sino ba--" Si Kim papalabas ng kusina.

"Zelle!!!!!!!" Sigaw ni Kim at tumakbo kay Zelle tas niyakap ako.

Pati ako napayakap na din.

"Luka ka! San ka nagpunta Zelly ha?! Alam mo bang nag aalala ako?! Hindi ka man lang nagtext! Bundok ba pinuntahan mo at hindi ka nagtetext sumagot ka!!" Naluluha na ako kasi finally andito na siya.

"Paano ako sasagot eh sunod sunod tanong mo. Papasukin mo kaya muna kami. Pati kanino yung bagong sasakyan sa labas kay Sam ba?"

Paktay. Andito pala si Xander at Maj. Humarang bigla si Kim na parang ayaw papasukin si Zelly at yung kasama niya. Ako din humarang na. Hindi niya pwedeng makita. Hindi pwede!!

"Hay nako girls pagod ako para makipagpatintero ha. Bukas nalang kung gusto niyo" Nagpupumilit siya pumasok at ayun nakapasok nga siya.

"Oh may bisita pala eh. Who are they?" Hindi pa nakita ni Zelly kasi nakatalikod yung sofa kung saan sila nakaupo. Feel ko pati yung dalawa nanigas sa pagkakaupo nila pero nagulat ako nang tumayo si Maj at lumapit kay Zelly.

"Hi! Zelle right? I'm Maj Xander's girlfriend" Medyo nagulat si Zelly pero ngumiti siya at nakipagbeso.

"Hi.."

"Hans. Hans Valdemoro"

"I'm Maj" Tapos nag shake hands sila. So Hans pala pangalan netong gwapong to. San naman kaya napadpad tong si Zelly at nakabingwit nanaman ng gwapo. Ay ano bayan kung anu ano iniisip ko may comotion pa pala.

Tumayo na din si Xander na parang wala lang si Zelly tas umakbay kay Maj.

"Yo! Nakabalik kana pala" Casual lang nya na pagkakasabi.

"Ikaw si Xander?" *face palm! parang engot naman tong si Zelly. Malamang siguro diba nagpakilala nga si Maj eh. Pero mas okay na mejo engot si Zelly para walang tension. Kumunot naman yung noo ni Xander at lumingon sa likod.

"May iba pa ba?" pagtataka niya.

"Ah wala joke lang. Ay guys eto nga pala si Hans schoolmate natin yan nung highschool. Hans siya naman si Kim, Aya at Xander tapos si Sam ewan ko kung nasaan" Nakipagkamay naman kami sa isa't isa.

"Asan si Sammy?" tanong ni Aya.

"Nasa taas natutulog"

"Uhm Hans thanks pala sa paghatid ah? Gusto mo dito kanalang matulog?" Yaya ni Zelly. Hello san siya matutulog eh 5 lang yung kwarto?

"Naku Elle hindi na nakakahiya pati inaantay din ako sa pupuntahan ko eh" Elle? San lupalop galing yung name na yun.

"Ay Sayang naman. Balik ka nalang dito ha?"

"Oo naman. Pano ba yan mauuna na ako" Paalam nya sa amin. Nginitian naman namin siya at sinabing bumalik para naman makilala namin siya diba?

Hinatid siya ni Zelly sa gate. Sumilip naman kami ni Kim sa pinto at sure ako si Maj at Xander nakikinuod din nasa tapat lang sila ng glass window eh.

O_____O Nagyakapan lang naman sila at hinalikan ni Hans si Zelly sa noo.

Ang nakakagulat eh yung tawag ni Hans kay Zelly.

"Bye baby elle. Babalikan kita dito okay? Behave na"

"Opo! Promise" Tapos sumakay na yung si Hans.

OMG!



SILA NA BA?!!!



THE LOST HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon