PROLOGUE

301 3 1
                                    

Nakailang beses akong kumurap sa pag-aakalang namamalik-mata lang ako sa tinititigang puting bagay na hawak ko ngayon. Pero kahit anong gawin ko ay malinaw pa sa sinag ng araw ang katotohanang nakasaad sa hawak kong pregnancy test.


Yung dalawang linya na nakatatak sa loob, ang nagpapatunay na totoong buntis ako. Napakagat ako sa aking labi bago napahawak sa himpis kong tiyan. Sumilay ang ngiti sa aking labi kasabay ng paglandas ng butil na luha sa aking pisngi.


'Kumapit ka lang anak... alam kong kakayanin nating dalawa ito.'


Huminga ako ng malalim bago lumakbay ang utak sa kung anong plano ang susunod na gagawin.


Sasabihin ko ba ito sa kanya? O, babaunin ko nalang sa aking paglisan mula su buhay nya?


May magbabago pa ba kung sakaling malalaman nya? Ayokong gawing dahilan ang pagbubuntis ko para lamang manatili sya sa piling ko.


Dahil anuman ang gawin ko ay hindi ko parin mapapalitan ang babaeng tinatangi ng kanyang puso. Ako man ang kaharap nya at kinakasama pero ang kanyang ex-girlfriend parin ang laman ng kanyang puso't-isipan.


Kaya tama na... tama na ang pagsakripisyo sa loob ng maraming taon. Mas makabubuti nga siguro kung iwanan ko sya at lumayo na ako mula sa kanyang landas.

Mahalin ko nalang ang aking sarili at ang magiging anak ko.

Somehow, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon