C-9

56 3 2
                                    

Dahil ilang oras ang gugulin bago marating ang South Province kaya naman alas kwatro palang ng madaling araw ay bumyahe na ako, nang sa ganoon ay makakauwi ako kaagad bago magtakip-silim mamaya.


Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan ang aking kaibigan. Hindi ko nabanggit sa kanya na paalis ako ngayong araw. Ide-delay ko nga sana ng ilang araw ang pag-alis kaso kailangan kong magpakabait para makuha ang kalooban ng aking Ama.


Sa nangyari kagabi sa loob ng party alam kong lumabag ako sa usapan naming dalawa. Kaya ngayon palang ay susundin ko na ang lahat ng kanyang utos para maisawalang bahala nya ang pag-iisip tungkol sa aming dalawa ni Gary.


"Hello? Anong oras na ba?" Nayayamot na sagot ni Edwin mula sa kabilang linya.



"It's four in the morning." Napangiti ako.


"Dude, naman! Kung hindi ka makatulog hwag kang mandamay! Paano pala kung nakikipag-s*x ako ngayon naistorbo mo na!"



Tsk!tsk!tsk! "Tumigil ka!" Bibig talaga nito wala paring pinagbago.


"Gaano ba kaimportante yang sasabihin mo at hindi ka na makahintay ng oras ng gising ko?" Tinatamad nitong sabi.


"Mas importante pa sa buhay mo." Tumawa ako bago nagpatuloy. "Hanapin mo kung nasaan si Gary and send her a flower for me. At lakipin mo ng 'I miss you' yan ang mensahe na gusto kong iparating sa kanya."


"Teka nga muna, bakit ako? Eh, pwede naman ikaw ang gumawa?"


"I'm on the business trip right now!"


"Ano! Bakit madalian naman yang pag-alis mo? Nakasama sana ako." Nasa boses nito ang panghihinayang.


"Kasalanan mo'to! Kung hindi mo ba naman kasi isinayaw si Gary kagabi ay hindi ako nakalabag sa agreement naming dalawa ni Papa. Kaya punishment mo yan, hanapin mo sya ngayong araw."


"Ang cute nya kasi sa outfit nya kaya sinubukan ko syang anyayahing sumayaw. Malay ko ba na paunlakan nya ako." Napahagikhik ito. "At malay ko rin na magseselos ka ng ganoon, inayawan mo na diba?"


"Shut the fuck up!" Bulyaw ko sa kanya. "At sa susunod hwag na hwag mo ng uulitin iyon kung hindi pupugutan na kita ng ulo!"


"Dude naman! Sino pa ang mauutusan mo na magdeliver ng bulaklak para sa kanya kapag pinugutan mo na ako ng ulo? Pasalamat ka at may best of friend ka na katulad ko."


"Whatever! Basta yung bulaklak hwag mong kalimutan."



"Oo na, first thing in the morning magsisimula na ako sa paghahanap. Paano ko kaya malalaman ang address ni Miss Masungit?"


Miss Masungit daw pero matagal naman nyang gusto! Natotorpe lang syang manligaw.



"Sige na nasa byahe ako ngayon. Matulog ka na ulit at salamat."Napangisi ako bago ibinaba ang cellphone.




*


*


*

Humimpil ang aking sasakyan sa harapan ng malawak at higanteng gate ng isang modern house pagkatapos ng mahabang oras sa byahe.



Sa labas palang ay naghuhumiyaw na ang karangyaan nito paano pa kaya kapag makapasok na ako sa loob? Ipinakita ko sa gwardya ang aking civil ID at nakita kong kinompirma pa nito gamit ang wireless telephone na naka-connect mula sa loob ng bahay.



Somehow, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon